Xandria's P.O.V
Happy Monday! Wala lang basta feeling ko magiging masaya ang monday ko just likE my weekend.
Nagpunta nga ulit si Kiann sa bahay para tikman ang baked cookies ni Mommy na binilin na din pala ni Kiann nung unang pagkikita nila. In fairness close na agad sila ni mom.
Grabe lang kasi nung Saturday sila Gladys, Wendy, Andrei at Nikka ang kasama nya tas nung Sunday naman ung First five at mga friends ko rin kasama! Kaya pala sabi nya dagdagan pa ni Mommy yung cookies. Pero kahit isang katerba kami sa bahay sobrang saya namin. Nagvideoke pa kami at dun nila natuklasan na may tinatagong talento sa pagkanta at pagsayaw ang first five. Pwede nga silang bumuo ng boy band ee.
So ayun! Dahil maganda ang weekend ko feeling ko din na mganda rin ang monday ko.
Naglalakad ako sa hallway kasi hinahanap ko si Nikka. Hindi siya sakin nagrereply kanina if nasan siya so I decided to look for her.
" Hi Sweetie are you looking for me?"
" Ay palakang kinalbo!" Walanghiya talaga tong si Kiann kahit kailan! Bigla ba namang tumalon mula sa hagdanan!
" Napaka magugulatin mo naman! Hindi ako palaka at lalong hindi ako kalbo."
" Leshe ka talaga Kiann! Hindi ikaw ang hinahanap ko no! "
He just smiled. " E sinong hinahanap mo? Don't tell me na si Axel?"
" Alam mo ikaw sinisira mo talaga araw ko eh no? Hindi yung kumag na yun ang hinahanap ko. Si Nikka."
" Parang nakita ko siyang pumunta sa rooftop kanina. Halika samahan na kita." Pag aalok sakin ni Kiann. Magpapasama kaya ako? Baka mamaya may hidden agenda to tas may gawing masama sakin.
" Tssk. Wala kong balak na masama sayo kung yun ang iniisip mo.... Kung gagawin ko yun matagal ko na sanang ginawa sayo." Mind reader ba tong lalaking to?
Nagulat na lang ako ng hawakan nya kamay ko at hilahin papunta sa rooftop. Nagpatianod naman ako.
" Ayiee! Ang sweet nila. Sila na kaya? Bagay sila."
Narinig kong sabi nung freshman na babae na dinaanan namin. HHWW (Holding Hands While Walking) pala ang peg namin! Hihilahin ko sana yung kamay ko pero lalong hinigpitan ni Kiann yung pagkakahawak nya sakin. Yaan mo na nga! Mamatay sila sa inggit! Haha! Bad Aeries.
Pag akyat namin sa rooftop nakabukas na yung pinto kaya pumasok na kami. Bumulaga samin ang dalawang bulto ng babae't lalaki na hindi ko inaasahang maaabutan namin dito. They are seriously talking with each other na hindi nila namalayang may nakakakita at nakakarinig na sa kanila. What I heard crushed my heart into pieces..........again.
" Hindi ka na dapat bumalik pa Axel."
" You know Nikka that I will. Sinabi ko iyon bago ka umalis sa Canada. I want her back."
Si Nikka at Axel ang palihim na nag uusap dito sa rooftop. At ako ang pinag uusapan nila! I stand still para makinig kahit kumakabog ng husto ang puso ko.
" You know the damage it may cause if Xandy will knew that I am the cause of your break up."
Ano daw? Si Nikka ang dahilan ng pag bre break namin ni Axel? Ang bestfriend ko ba ang ipinalit nya sakin? Lalo kong kinabahan sa susunod pa nilang pag uusap. Masasagot na ba ngayon ang lahat ng katanungan sa isip ko two years ago?
" But she needs to know! Wala na tayong magagawa noon. But now hindi na ko papayag mawala siya ulit.You know I loved you but still it's Xandy...." - Axel
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Novela JuvenilPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...