Pinoy Horror 3

1.4K 4 0
                                    

» Hagdan

Nangyari ito nun Oct. 30, 2005. Umalis un parents ko papuntang Maynila so kami na lang ng younger brother ko ang naiwan sa bahay, nun gabi na bigla na lang nagbrown out mayamaya kumatok ang uncle ko sa pinto at yinaya kami na sa bahay ng Lola na lang kami matulog, sumang ayon ako. Doon kami natulog malapit sa kwarto ng Lola ko. Nun mga bandang 2am, bigla na lang akong nagising.. after ilang minuto may narinig akong pababa ng hagdan, hindi ko pinansin un sa pag aakalang ang uncle ko lang ang bumaba ngunit nagtaka ako dahil wala akong uncle na nakita bigla na lang nanayo ang balahibo ko dahil ilang beses itong paulit ulit at parang may mabigat itong dala dala na may kadena pa. Pinikit ko ang aking mga mata at pinipilit ko ang sarili ko na matulog dahil sa sobrang takot.

» Hospital

Nagstart ito ng nagduty kami sa Phil. General Hospital. Nagduduty kasi kami nun 10pm-6am kumukuha ako ng mga bp ng patiens nagrrounds rather.. eh nun may makita akong matanda nagpapatulong pumunta sa banyo.. edi inakay ko.. kilala ko un matanda sya un may diabetes sa Room 46. Pagkahatid ko sa kanya nground na uli ako tapos ng magrorounds na ko sa room ng matandang inakay ko kanina eh nakita kong nililinis na un kwarto nya sabi ko bakit nililinis po ito Manong asan po un matanda na nakacomfine dito?.. sabi ni Manong: kanina pa namatay un matanda dahil inatake ng diabetes nya, bakit?... Kahahatid ko lang sakanya sa banyo eh. Manong: Ay naku pogi di ppwede un kanina pang alas nueve patay un matanda dito sabi ni doc. Bigla 2loy ako nanlambot kasi past 12am ng ihatid ko siya sa banyo.

» Kaluluwa ng Matanda

Kwento ito ng aking pinsan, isang gabi galing sila sa Sagala dito sa amin sa province ng Sorsogon,Bicol. Pauwi na sila ng dumaan sila sa tukadun (pataas na daan) habang ngkkwentuhan sila may bigla daw isang matandang lalaki na nakabarong at dumaan sa harapan nila papunta sa masukal na daan. Hindi sila nakakibo ng mangyari un.. Takot na takot sila kaya hindi nila makakalimutan ang gabi na un. Sabi ng aking Lola un tukadun daw dati ay isang sementeryo at madalas may nagpapakitang ataol na may kandilang itim sa ibabaw nito. Sa ngaun naniniwala na ako na mayron ngang nagpapakita sa lugar na un.

» http://neji.wen.ru «

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2010 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinoy Horror 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon