NICO'S POVDALAWANG ARAW matapos ang grand opening ay nagpasya na akong umuwi sa Manila, kasama sina lola. Marami pa akong naiwang trabaho sa opisina na kailangang tapusin.
Lulan kami ngayon ng kotse na siyang maghahatid sa amin sa airport .
"Bro, ikaw na munang bahala sa resorts at hotel ha , may kailangan lang talaga akong tapusin na trabaho sa Manila ."paalala kong muli kay Jerald habang nasa biyahe kami.
Magpapa-iwan ito dito sa Cebu, pinayagan ito ng manager niya na mag bakasyon pagkatapos ng taping nito sa bagong movie na ngayon nga ay showing na sa lahat ng sinehan, nationwide.
"Okay lang bro,..at don't worry your resorts and hotel is in good hands."sabay kindat sa akin at ngumiti ng pagkalaki laki .
"Siguraduhin mo lang na in good hands ha, baka bukas makalawa laman na ng buong diyaryo ang resorts and hotel dahil sa'yo.Wag mong gawing pamahayan ng babae ko ang hotel baka magpang-abot silang lahat, naku!"pabirong sabi ko na may bahid ng katotohanan. Kase naman nangyari na minsan nagpang-abot ang mga gf's nitong si Jerald ayun nagkagulo at kinabukasan laman na agad ng buong diyaryo at television ang pagmumukha nito. At yun ang ayaw kong mangyare, lalo na at nasa properties ko.
" Grabe ka sa'kin bro. Ano kala mo.sa'kin, babaero?"
" Hindi nga ba? "
" Noon 'yon. Noong di ko pa nakikilala ang forever ko. "mas lalong lumapad ang ngiti nito.
" Weeh?"biglang singit ni Sam.
" Tch!Pareho lang naman kayong dalawa. Forever at my wife pa kayong nalalaman.Ilang beses ko.na yang narinig sa inyong dalawa!"
"Uy, ba't nasali ako usapan ninyo? Matino ako 'no!..di gaya ng isang artista diyan. "
At nagsimula na naman silang magbangayan na dalawa.
" Di kayo titigil? Pababain ko kayo dito sa kotse, gusto niyo? "
Nanahimik na ang dalawa , para talagang mga bata.
"Ah, bro...pwede mag request? "ani Jerald.
" Ano? "
" You know Valerie? Yung girl na ipinakilala ko sa'yo noong gabi ng opening."
Napakunot noo ako, inaalala sa isip ko ang babaeng tinutukoy ni Jerald. Wala akong matandaan dahil marami itong ipinakilala sa akin na special friend kuno nito, kaya sa dami nila ni isa wala akong matandaan.
"No."maikling sagot ko.
" 'Yong huli kong ipinakilala sa'yo ,'yung nahuli ng dating. Yung mestisahin na may kaibigan na sana ay ipapakilala din sa'yo. "
" Oh, yes...naalala ko na siya. Why?"
"Pwede ko ba siyang maimbitahan?"
" What!"
"Hey! ..let me finish bro, okay. Maka-what ka naman diyan. Don't worry, ako bahala sa gastos niya doon sa hotel. " nakangusong sabi ni Jerald.
BINABASA MO ANG
LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)
FanficAno ang mangyayari sa muli nilang pagkikita? Maalala kaya ni Marionne/Angeline si Nico? Hanggang kailan maghihintay si Nico? Subaybayan natin ang kakaibang kwentong pag-ibig nina Nico at Angeline. Para sa mga new readers read first MY MAID FROM H...