"CHANCES"

3 0 0
                                    

                                     Magsisimula ang kuwentong ito sa isang mataas na paaralan ng Catanyagan-Babelayan National High School. Isang babaeng na hindi naman kagandahan pero may itinatagong katalinuhan at siya ay si Veronica, si Veronica ngayon ay nasa ika-siyam na na baitang sa High School. Pangalawa siya sa kanilang classroom na pinaka matalino, pero hindi niya maiiwasan na tuksuhin parin siya ng ibang estudyante dahil sa nagsusuot siya ng salamin na hindi naman bagay sa kanya pero kahit na ganito ang ginagawa sa kanya binabaliwala niya nalang ang mga ito. Tulad ng ibang teenager si Veronica ay nakakaranas din ng pagka CRUSH o paghanga, may hinahangaan siyang na isang lalaki na ang pangalan ay Jori, si Jori ay isang magaling at sikat na basketbolista sa kanilang paaralan.

                                            Araw-araw ay parating nakikita ni Veronica si Jori sa kanteena ng paaralan na parating nagtatambay, kaya parati rin bumibili ng pagkain si Veronica para lang makita si Jori at mapansin siya nito. Isang araw habang nagbabasa si Veronica sa kanilang classroom ay bila siyang tinawag ng kanyang kaibigan, sinabihan siya nito na andyan si Jori andyan na ang crush niya, pero hindi naniwala si Veronica at pinagpatuloy ang ginagawa niya, at biglang sumigaw ulit ang kaibigan niya na "Jori gusto ka ni Veronica" at biglang nagulat si Veronica sa isinigaw ng kaibigan, hindi niya inakala na sasabihin iyon ng kaibigan niya, pagdaan ni Jori sa classroom nina Veronica ay biglang tinitigan ni Jori si Veronica sa mata at biglang lumingon si Veronica kay Jori, ngumiti ito sa kanya na sabay lakad papuntang Teen Center, namula ang mga pisngi ni Veronica dahil hindi niya rin inasahan na ganoon ang gagawin ng crush niya. Na inspire si Veronica sa araw na iyon, at doon na nag umpisa, nahumaling na siya kay Jori lahat ng bagay alam niya kung si Jori ang pinag-uusapan at kung minsan stalk siya ng stalk sa fb ni Jori. Mayroong time na susuko na siya sana kay Jori dahil sa hindi na niya ito nakikita dahil bakasyon. Pero ng pasokan na ay biglang bumalik ang kanyang pagka hanga dito, nagkaroon silang dalawa ng komunikasyon sa fb, at dahil mabait rin si Jori hindi niya naman binabaliwala ang mga chat ni Veronica sa kanya kahit na alam niyang may gusto si Veronica sa kanya. Parating iniisip ni Veronica na kung maging sila ni Jori anu kaya ang mangyayari? pero sa isip niya na hinding hindi ito magkakatotoo dahil ang turing ni Jori sa kanya ay kaibigan, pero hindi parin sumusuko si Veronica sa paghanga kay Jori hanggang ngayong siya ay nasa ika-sampung baitang na sa High School.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"CHANCES"Where stories live. Discover now