GITARA

111 54 11
                                    

"Hahaha ano ba yan Alex! Ang lampa mo naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hahaha ano ba yan Alex! Ang lampa mo naman." sabi ni Dwight sa akin.

Naglalaro kasi kami ng habol-habulan tapos nadapa ako. Tawa lang siya ng tawa samantalang naiiyak na ako. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko kasi sabi ni Daddy papangit daw ako kapag iiyak. Pero ang hapdi ng sugat ko tapos tinatawanan lang ako ni Dwight.

"Waaaaahh!! Daddy!! Huhuuhu.."

lumalakas na ang pag-iyak ko habang nakaupo pa rin sa damuhan.

Natatarantang lumapit si Dwight sakin. Tapos hinipan ang sugat ko sa tuhod habang patuloy naman akong humihikbi. Nilapitan naman kami kaagad ni Daddy. Nilinis niya ang sugat ko tapos napagpasyahan naming umuwi na.

Nagpresenta naman si Dwight na papasanin ako. Napapailing naman si Daddy habang tumatawa. Nakayuko lang si Dwight habang unti-unting namumula ang kanyang mukha.

Ganyan ang eksena sa buhay ko. Tuwing iiyak ako nandyan si Daddy upang patahanin ako. Lagi sinasabi sa akin ni Daddy na lahat ng problema may solusyon kaya dapat wag nang umiyak. Magbestfriend ang Mommy namin ni Dwight at kapartner din sa business.

Kaya tuwing may out-of-town business ang parents ni Dwight dito siya titira sa amin at ganun din ako. Magkapitbahay din kami at may kanya- kanya kaming kwarto sa bahay namin. Masaya at mapayapa kami noon.

Laging magkakasama, nagkukulitan at palaging nandyan ang mga magulang naming sa bawat importanteng yugto ng aming buhay kahit na busy sila sa business meron parin silang time para sa amin.

Ngunit nagbago lahat yun ang dating makulay at masaya kong buhay napalitan ng lungkot dahil lang sa isang pangyayari.

Oktubre taong 2010 malaman naming may leukemia si Mommy at ang masaklap pa dun stage 3 na ang cancer niya. Bata pa man ako noon pero alam kong pwedeng mawala si Mommy sa amin kaya iyak lang ako ng iyak.

Inaalo naman ako ni Mommy sabay sabi, "Baby Girl, wag kang iiyak ok, magiging ok lang si Mommy. Diba promise ko pa sa iyo tuturuan pa kitang maggitara tapos sabay tayong kakanta diba?" sabay punas sa luha ko.

Simula ng araw na iyon madalang ko nang makita si Mommy kasi nasa ospital siya pero araw-araw ko naman silang tinatawagan dahil namimiss ko na sila. Palagi akong nagsisimba at nagdadasal na sana gumaling na si Mommy.

1st year highschool na ako noon kaya medyo busy din sa school. Kaklase ko din si Dwight at sa kanila din ako nakikitira kasi nasa ibang bansa ang mga parents ko. Competitive kami pareho kaya running for 1st honor kaming dalawa pero dahil mahilig sa computer games si Dwight nalalamangan ko pa rin siya

Ika-18 ng Nobyembre, kasalukuyan kaming nagpepresent ng report namin sa Science ng bilang tumunog ang cellphone ko. Napaglitan pa ako ng teacher ko kasi dapat naka off ang mga gadgets tuwing class hours, ngunit di ko iyon pinansin dahil si Daddy ang tumawag.

Inaccept ko ang call tapos agad na lumabas sa room napansin ko ring sinundan ako ni Dwight pero wala akong pakealam. Sabik na sabik na akong marinig ang boses ni Mommy at Daddy dahil ilang araw din silang hindi tumatawag sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GITARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon