ANG BABAE SA SALAMIN (ONE SHOT)

3.9K 41 7
                                    

November 30, 2013

     First year college si jenjen o jen, kaya unang pagkakataon niyang malayo sa piling ng magulang. Nakatira sila sa ilocos sur.

     Isang kuwintas na may palawit na imahe ng anito ang ipinagkaloob kay jen ng lola marta niya bago ito namatay. Magsisilbing tagapagbantay daw niya. Matagal na niyang naririnig na may kapangyarihan ang kuwintas na pag-aari ng lola marta niya. Maging sa mismo ng unibersidad na paaralan nya ng kursong bachelor arts (b.A).

      “maniwala ka, may special powers talaga ang kuwintas na iyan,” sabi sa kanya ni mark, classmate niya sa isang subject at tulad niya at nakatira sa dorm ng university. Ang totoo ay may sinabi pa sa kanya si mark na hindi niya tiyak kung totoo o tinatakot lang siya dahil nakita nitong ang dali niyang takutin.

Malaki ang university at napakarami rin ng populasyon ng mag-aaral pero ilan lamang sa kanila ang may pribelehiyo na tumira sa dorm.

      Nasanay siyang maligo kung gabi. Alam niyang hindi siya makakatulog sakaling hindi siya maligo. Ang problema ay walang sariling banyo sa loob ng silid. Nasa labas ang banyo at kailangan pa niyang maglakad ng pasilyo bago siya makarating doon.

    Ang pasilyo ng dorm ay may ilang maliliit na bombilya na nagsisilbing liwanag sa paligid. Naglalakad siya nang biglang matigilan. Gigla kasing namatay ang sindi niyon. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Naalala niya ang sinabi ni mark tungkol sa multo sa dorm.

    Pintindi ng bombilyang patay sindi ang takot na nararamdaman ni jen. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad at maabot na niya ang banyo. Gusto niyang paglabanan ang takot. Naniniwala siya sa makalampas siya ng pasilyo at marating niya ang banyo.

     Walang tao sa banyo. Pumasok siya sa isang cubicle. Habang naliligo ay narinig ni jen ang malakas na pagkalampag ng isang pintuan. Kung ganoon ay may taong pumasok o sumunod sa kanya, sa isip-isip ni jen. Paglabas niya ng banyo, laking gulat niya dahil bukas pa rin ang mga pintuan ng bawat cubicle. Saan nagmula ang malakas n kalampag ng pintuan?

      Pagtingin ni jen sa malaking salamin na nasa harapan, isang babaing nakaputi ang nakita niya sa kanyang likuran. Matalim ang tingin ng babae. Nakakakilabot ang ngitingpinakawalan ng labi nito. Sa sobrang takot ay tumakbong palabas si jen at tinahak niya ang pasilyo. Patay sindi pa rin ang ilaw. Nakasalubong niya ang babae sa salamin at na trap siya nito. Pero nang Makita ng babae ang suot niyang kuwintas ay natakot ito at kusang naglaho. Hinimatay sa takot si jen.

     Ginising si jen ng isang babae. Napatili nang malakas si jen.

     “bakit, miss?” nang magsalita ang babae ay saka pa lamang natauhan si jen. Noon niya na-realize na totoong tao ang kaharap niya. Isa sa mga boarder ang nakita niya sa salamin. Nakasuot lamang ito ng puti.

     “mukha ba akong multo?” ang tanong ng babae.

      Nagpakilala ang babae. Si ann raw ito. Nagging magkaibigan sila ni ann. Halos gabi-gabi ay nagkikita sila sa banyo tuwing maliligo siya. Sa kaunting panahon na nagkakausap sila ay maraming nalaman si jen tungkol kay ann. Theater arts ang kinukuha nitong kurso at third year college na. nasa malayong probinsya ang magulang nito at nag-iisa itong naninirahan sa maynila. Pagkatapos magkuwento ni ann ay mauuna na itong lumabas ng banyo. Hindi sila nagkasabay maglakad ni ann sa pasilyo minsan man. Hindi pa sila nagkikita sa school o sa residence hall, hindi pa rin sila nagkakasabay kumain sa canteen. Doon lang sila nagkikita ni ann sa banyo tuwing gabi.

ANG BABAE SA SALAMIN  (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon