Tinatahak ng sasakyan ni Camille ang kahabaan ng EDSA – Boulevard habang kausap sa kabilang linya ang kaibigan na si Anne.
“Uy, friend! Saan ka na ba? Magpi – present na tayo. Gusto mo bang ma-singko tayo sa exam? Bilisan mo friend.” pagpapanic ng kaibigan sa kabilang linya.
“Salamat naman, friend! Ang traffic kasi dito sa EDSA – Boulevard eh. Pass muna tayo hangga’t wala pa ako. Pwede ba ‘yun? Group 3 muna? After na lang tayo. Pakiusapan mo na lang si Ms. De Leon, friend. Sige na, please? Malapit na talaga ako. Gusto mo bang lumipad na ako?” pagbibiro pa ni Camille.
“Siya sige. Try ko ha? Basta bilisan mo na lang para masilayan mo na din yung Stephen mo dito. Remember, sila magpi – present after natin..” tugon ni Anne.
Oo nga pala. Andun si Stephen. Gosh! Kailangan ko talagang bilisan. Sa isip niya.
“Okay friend. Bibilisan ko. Babye! See yah!” sabi niya sabay baba ng phone.
Binilisan nga ni Camille ang pagmamaneho. Halos liparin na niya ang kahabaan bg EDSA. Mabilis naman siyang nakarating sa school nila. Dali – dali siyang tumakbo papuntang 4th floor ng building nila. Humihingal pa siya nang pumasok sa room nila. Agaw-pansin naman ang pagdating niya. Muli na naman niyang narinig ang boses ni Ms. De Leon. Adviser nila sa Theater Club.
“Aha! Miss Castillo! Late ka na naman. Lagi ka na lang ganyan. At aber, ano na naman dahilan mo sa akin?” nakataas-kilay na sabi ni Ms. De Leon.
“A…a…kasi po Ms. My mom called out and she asked for some help para po sa video presentation niya po sa meeting nila po..” dahilan ni Camille.
“Your mom is big enough para gawin ‘yan. Akala ko ba nakapag – graduate siya? Ang kailangan niyang gawin is to help her children to be professionals someday, hindi iyong iniistorbo para sa pansarili nilang gawain.” wika ni Ms. De Leon.
Lagi na lang ganito. Grabe ka naman po, Miss. Well – educated naman po Mama ko. Sorry Mama. Wala na po akong maisip na dahilan eh. Babawi po ako sa susunod. Sa isip ni Camille habang pinapagalitan ni Ms. De Leon.
“Okay Miss Castillo. Sit down! Kayo na susunod na magpi present diba? Mag – prepare ka na rin. Nasa backstage na mga kasama mo..”
“Salamat po, Ms.” huling tugon ni Camille.
Pagpunta niya sa backstage ay bumungad sa kanya ang napakagulong arrangement ng mga kagrupo niya.
“At last! Andito ka na rin. Ang tagal mo. Magbihis ka na..”
“Panic? Okay lang yan. Bakit parang ang gulo ng set? Saan na si Nikki? I thought may plano na siya?” kalmado niyang tanong.
“Absent si Nikki, Cams. Pero okay na naman lahat. Tumawag siya kanina at sinabing okay na ang set. Alam na daw iyon ni Ms. De Leon.” sagot ni Anne.
“Ah, okay. Sige. Ready na ba?” tanong niya.
“Ready na lahat. Ikaw na lang ang hindi pa nakabihis. Hello?”
“Ay, sorry naman.” sabi ni Camille habang nagmamadaling nagbihis.
Ready na ang lahat. Kinakabahan na si Camille. Finals na nila. Kailangan nilang galingan. Ramdam din ni Anne ang kaba ni Camille pero ‘di niya na lang pinansin.