Chapter: MM

45 0 0
                                    


Tumayo ako sa tabi ng daan, nag-abang ng jeep. Kakatapos lang ng klase ko at pauwi na ako.

By the way, my name's Mara Megan Gomez. My friends call me by my nickname 'MM'. I'm a second year college student taking up the course BS Civil Engineering. Yes, mahirap ang course na 'to. But this is my dream so I pursued it. I love Math and at same time, Arts. That's why Civil Engineering is the perfect course that suits my interests. And to tell you, I'm doing well with this course. Actually, last year I was the top in our batch. Galing ko noh?

Hindi naman nagtagal at may natanaw na akong jeep. Nagje-jeep ako pauwi. Medyo malayo rin kasi ang boarding house ko sa school namin.

Nang malapit na ang jeep, itinaas ko ang kamay ko para parahin ito. Agad naman itong huminto at swerte dahil wala masyadong pasahero. Hindi ako magmimistulang sardinas para lang makipagsiksikan.

Nang paakyat na ako, napatigil ako ng may matanaw akong pamilyar na tao. Nagtama pa ang paningin namin. Kasabay ng mapagtanto ng isip ko kung sino ito, tila tumibok sa sobrang kagalakan ang puso ko dahil sa pagkakakita ko sa taong iyon.

It was John Mark Arellano. My crush, from another school. He's also a second year BS Civil Engineering student. Nakilala ko siya sa isang debating contest last year. And our paths crossed again in this year's debate contest. He was one of the speakers of their team. And God made me so lucky because I was one of our team's speaker and I was also the one who went against him, in both contest. It was one hell of a great debate but unfortunately for him, our team won the debate back to back. But the best speaker award was given to him this year and not to one of our speakers. I found him amazingly handsome those times.

I took a deep breath as I fully entered the jeepney and sat down beside him. Siyempre, nag-iwan naman ako ng distansya. Alangan namang dumikit ako sa kanya, sumiksik, edi napaghalataan ako no'n. Napakaluwag pa kasi ng jeep. Kakaunti pa lang kasi talaga ang pasahero.

Ilang beses akong humuhugot ng malalim na hininga habang nasa biyahe. Kahit naman sabihing may distansya pa sa pagitan namin, nakakakaba pa rin naman. He was only inches away from me! My crush is only inches away from me! What would you expect me to feel? Gosh.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Nakita kong nakangiti siya habang parang may binubutingting sa cellphone niya. Ouch. Katext niya siguro ang girlfriend niya. Tsk.

Hanggang sa tumigil ang jeep sa isang school at nag-pick up ng mga pasahero kaya nag-umpisa ng magsiksikan. Umusog ako ng umusog hanggang sa naramdaman ko na lang na dumikit ang balat ko sa isang tao. Tila nakuryente ako dahil doon.

Napatingin ako sa taong 'yon at ganoon na lang ang gulat ko ng makita kong si John Mark iyon. Buti na lang at hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi niya nasaksihan ang biglaang panlalaki ng mata ko dahil sa gulat at ang agarang pamumula ko. Gosh. Napaiwas ako ng tingin. Kung minamalas-este, kung biruin ka nga naman ng swerte ano? Wagas! Parang gusto akong patayin.

"Para po Kuya."

May isang pasaherong bumaba sa row namin kaya agad akong umusog. Kaloka. Baka atakihin pa ako sa puso kapag hindi ko pa ginawa 'yon eh. Mamatay pa ako ng wala sa oras edi nawalan na ako ng tyansa sa kanya. Nawalan pa ako ng tyansang maging licensed civil engineer.

Pero hindi ko inexpect na dahil sa pag-usog ko... May pinasakay si Manong driver na pasahero at sa kamalas-malasan, sa pagitan namin ni John Mark ito umupo. Pambihira. Doon pa talaga niya naisipang sumiksik ano?! Hayop na baklang 'to. Masasabunutan ko 'to eh. Grr.

"Uyy!"

Napatingin ako kay hayup-na-baklang-sumingit-sa-pagitan-namin-ni-John-Mark ng magsalita ito. Nakatingin ito kay John Mark at kinalabit pa ito.

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon