[OS6] Imperial Brothers

1.7K 29 5
                                    

[A/N]: Mahaba po ito. So heto na ang request ng friend ko, gusto niya siya ang bida sa next story ko. Kaya here you go my sexy-witty-bestfriend KeiJhoHyun. 

Oh btw, nagsusulat nga din pala siya, ang title ng on-going story niya - "Disambiguation". Sana basahin niyo din po :)

Imperial Brothers Picture at the right side :"> 
Darenn - black | Darell - blue

Song-> Indak by Up Dharma Down

-----------------------------------

February 14, 2014

Nanginginig akong nakatayo at nagtatago sa likod ng school building namin habang sinisilip siyang nakahiga sa damuhan at may librong nakatakip sa mukha niya. Ilang araw ko ding inipon ang tapang ko para harapin siya at prinaktis ko pa to para maganda ang kalalabasan pag nagtapat na ako sakanya ng nararamdaman ko.

Heto na talaga wala ng urungan. Andito na ako, andon siya, lalapitan ko siya at sasabihin kong gusto ko siya.

Huminga muna ako ng malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa sulat saka ako lumabas sa kinatataguan ko. Habang papalapit sakanya, halos mabingi na ako sa tibok ng puso ko at gusto ng lumabas sa dibdib ko. Parang gusto ko na tuloy tumalikod at tumakbo bago ko pa maibigay sakanya to....kaso nung makarating na ako sa pwesto niya bigla siyang nagsalita.

"Isa ka din ba sa mga babaeng magbibigay ng tsokolate sakin?" tanong niya sakin na nakatakip padin ang libro sa mukha niya.

"Ah eh.." hindi ko masabi sakanya na hindi, kasi sulat ang hawak ko.

"Pano mong nalaman na andito ako?" tanong niya ulit.

"Ah eh..ano kasi.."

Dahil sinundan kita.

"Ah eh nalang ba ang isasagot mo sakin?" sabi niya na parang nagsisimula na siyang mairita sa presensya ko.

Bakit parang mas mataray pa siya sa babae? Hindi naman siya ganyan sa mga babaeng alam niyang may gusto sakanya. Ang alam ko nginingitian at magalang siya sa mga babae. Bakit biglang ganito na ang tono niya?

Malamang naubusan na siya ng pasensya - sabi naman ng utak ko.

"Sensya kung naistorbo ko tulog mo. Aalis na ho ako" sabi ko sakanya saka tumalikod.

"Hindi naman kita pinapaalis ah. Umupo ka sa tabi ko"

Nagulat naman ako sa sinabi niyang yon. 'Sa tabi ko' --- seryoso ba siya? o baka nagloloko lang? Pero ang alam ko hindi siya nanloloko o nangtitrip ng tao, dahil mabait siya. Eh pano pala kung may ibang babae ang nakakaalam na andito siya baka matagal na siyang sinunggaban.

"Ayaw mo? Sige makakaalis kana." 


Nanlaki naman agad ang mga mata ko kasi hindi pa ako nakakasagot sakanya saka gustung-gusto ko talagang masolo siya para ibigay sakanya ito.

"Sigurado kaba?" tanong ko saka kinagat ang ibaba kong labi kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kiligin. Binaliwala ko nalang pagkapilosopo niya kasi heto na talaga ang oras para ibigay sakanya ang sulat ko na kami lang dalawa.

"May ibibigay ka diba at sigurado akong gusto mo din akong kausapin gaya ng ibang babae. Kaya umupo kana at sumandal ka sa puno"

Sinunod ko naman yung sinabi niya. Kaya heto ako nakaupo na sa damuhan at nakasandal sa puno gaya ng utos niya saka siya tinignan na nakahiga sa tabi ko.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon