“Riiiiiiiiiiinnnnnnnnng!!!!!”
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Timing lang pagkagising di pa ako malelate sa school.
Shower…
Bihis….
And Perfect! Pupunta na ako ng school
Paglabas ko ng kwarto agad kong nakita si Mommy at nagbe-breakfast, “Hi mom, good morning!” bati ko sakanya sabay halik sa pisngi.
“Oh anak, kain ka muna ng breakfast mo, kamusta naman pala ang pag aaral mo?" Pagtatanong sakin ni Mommy.
“Okay naman po ako Mommy, may activity kame next month and ako yung --- “ hindi ko pa naitapos ang pagkukwento kay mommy ay bigla naman sya tumayo at nag ayos na.
“oh, sya anak, I need to go na sa company, madami pa akong dapat na asikasuhin. Ingat ” paghalik nya sa pisngi ko at sabay alis ng bahay
Nalulungkot ako na wala talaga time para sa akin ang parents ko. Alam ko naman na para sa akin din yung ginagawa nila, pero mas gusto ko parin yung attensyon nila.
Umalis na ako ng bahay at nagtungo sa school. Agad ako pumasok sa room at nakita kong nauna na ang mga kaibigan ko sa classroom.
“Good morning girls!” bati ko sa kanila.
“Hi bes! Oh mukhang masaya ka ata ngayon ah”, bati sakin ni Chae
“Hay nako bes, kasi naman mamaya may date na naman sila ng kanyang Andrew” pagsagot ni Phoeb kay Chae
Hindi na ako umimik dahil alam ko wala naman akong laban sa dalawang ito lalo na sa asaran. Nagsimula na din ung clase namin, isa lang yung class namin today dahil lahat ay gagawa ng kani-kanilang booth. Di rin kame classmate ngayon ni Andrew.
Naiinip na man ako sa classs na ito ang boring kasi, naiisip ko din kasi na magkakasama na naman kami ni Andrew mamaya. Lagi kong tinitignan ang oras dahil exited na akong makita si Andrew ay este makita ang gagawin naming booth today pero kahit ano pa inis parin ako dito kay Andrew kasi hindi lang sya mayabang paasa pa sya. Napansin ata ni Phoeb na tila ba hindi ako mapakali sa upuan..
At sa wakas natapos narin yung aming class. Chineck ko ang phone ko baka ng txt si Andrew, di naman ako nagkamali kasi nakita kong may message ako galing sa kanya
1 message Received
From: Andrew Sungit
Hi vice! Dito na ako sa booth ni-ready na ang mga gamit na kailanganin. Text me if papunta kana. See you!Hindi na ako ngreply sa text nya. “Girls tara sa CR muna tayo” pagyaya ko sa dalawa.
“Nakuuuu, alam ko na yang mga ganyan bes mag papaganda ka lang ee” pang asar ni Phoeb
“Ano ba kayo, magpapalit lang ako ng damit, kasi magpepaint kami ni Andrew sa booth baka mapinturahan itong damit ko” pag sagot ko kay Phoeb
“Nakooo. Reasons Alex… Reasonss!!!” sabi ni Chae
Natapos na ako magbihis, naka tshirt lang ako ngayon na color black para if ever may dumi ay di naman masyadong madungis. Nauna na din ang dalawang bruha kong kaibigan kasi gagawa din daw sila ng booth nila, kaya naman naiwan na akong magisa na papunta sa booth, dumaan naman ako sa canteen tsaka bumili ng dalawang sandwhich at dalawang mineral water, naisip ko kasi baka gutom na yun si Mr. Sungit eh kawawa naman.
Nakarating na ako dito sa booth namin at nadatnan ko si Andrew naman na busy sa pagaayos ng booth, nauna na kasi syang gumawa kasi wala naman syang class today. At grabe hindi ko talaga mapigilan na hindi mapatitig at mapanganga sa nakikita ko sa harapan ko ngayon, si Andrew naka topless at pawis na pawis sya sa ginagawa nya, kitang kita ko yung muscles nya sa katawan at ang ganda ng hubog ng katawan nya, sshiiiszz! Heaven!