Grabe naman. Over! Dalawa ang pag papractisan ko. May sayaw na nga tapos may kanta pa. Hindi ko akalain na may talent pala ako ah? Ngayon ko lang nadiscover to. Haha. Iba talaga nagawa saakin ng notebook na yun. Tumaas ang confidence level ko hangang ngayon.
At ngayong nakapasok na ako para sa dance competition e nasa isang room ako kasama ng mga iba pang dancers
"Gale, hindi ko alam na magaling ka pala sumayaw. Bakit naman ngayon mo lang yan nilabas? Dapat dati pa, edi sana kasama ka namin dati para sa mga competitions. Malay mo manalo tayo dahil sayo pala."
"Bakit? Hindi pa ba nananalo ang school natin?"
"Nanalo din pero minsan lang e. Parang isa o dalawang beses palang out of 10 competitions na sinalihan"
"ah eh hindi naman siguro ako. At buti nga may napalanunan e"
"sus pa-humble ka pa diyan"
"hahaha hindi ah. Ano nga pala name mo?"
"Ako si Rachelle. Ilang years narin akong kasali dito e. Nakakasawa na nga. Jokes. Hahaha"
"Ah nice to meet you"
"ikaw din. Pwede ka bang kasama sa lunch mamaya?"
"uh. hindi ako sure e--"
"ano ka ba. ngayon lang naman. dali na! promise. ngayon lang. minsan lang ako magyaya"
"yung friend ko kasi walang kasabay"
"ganun? edi isabay nalang natin siya"
"osige"
habang busy kami magkausap ni Rachelle e hindi namin namalayan na pumasok na pala yung choreographer namin sa loob.
"ok guys. listen up. today, we will not practice yet. But, we are here to discuss about the songs. So, do you have any suggestions?"
"uh me!!"
"yes Rachelle."
"How about the song 'Party Rock anthem'?"
"well, okay. let's just list it all down and by the end of the day we're going to vote for the song we all like"
..
..
pagakatapos ng lahat lahat na nangyari para sa dance na yun e lumabas na kami sa room. Ang galing nga kasi excused kami sa klase namin e. Saya!
Lunch break na at hinahanap ko si Kayla nang biglang may kumalabit saakin
"ui Gale. Diba sasabay ka? Tara!"
"uh wait ah? hahanapin ko lang yung friend ko"
"sige"
hinanap ko siya sa classroom nila pero wala. Pumunta ako sa garden pero wala. Kung saan saan ako pumunta pero wala. Until...
"UI GALE!!"
"ui. ano ka ba? ginulat mo nanaman ako e. san ka ba nanggaling?"
"wala. may pinuntahan lang. nothing important. tara let's eat lunch na. gutom na ako e"
"uh speaking about lunch? niyaya ako ni Rachelle na sumabay sakanila e"
"uh ganun? sige. sakanila ka na muna"
"no Kayla. kasama ka rin"
"ako? weh?"
"Oo nga! tara na. pakipot pa to e"
pagtapos ko siya pilitin e pumayag naman at dumerecho na kami sa cafeteria
habang hinahanap ko si Rachelle may nakikita akong kumakaway sa table ng mga popular. Yung mga kilala. Example, si Tina. haha.
BINABASA MO ANG
Dear Diary
FanfictionIt all starts with one "lost-and-found" notebook and everything changes!!