[131204]
Liorsky's Note: Hephep! May kaunting pagbabago akong ginagawa dito sa DAMB. Weee~ Hindi na mahirap si Gab! Hm, may kaya na siya ngayon. Nahihirapan kasi ako. Pulubing nagka-cable? Lol. Thank you sa isa kong reader sa pagsasabi sakin nun. Haha. Sorry dinelete ko comment mo. Nahihiya ako e. Kaya binago ko nalang. Check niyo yung prologur at chappie one. ;) And hep hep! Medyo napabilis ang pag-update ko dito ah? Hihi. Sinisipag. Pero grounded pa rin ako. XD Hope you'd like this chapter! Enjoy reading! ;)
--
Chapter 5 - Rain, rain, go away!
Pagkaraan ng isang linggo, isang maulang umaga ang gumising sa'kin. Ang lakas ng hangin at sobrang naampiyas na ang ulan dito sa loob ng bahay. Oo, sanay na ako na laging naulan dito pero ngayon ata ang pinakamalakas. Dahil sa nakikita ko, siguro may bagyo na ngayon. Mabuti na lang ang day-off ako ngayon. Kung hindi, baka ako'y nadala na ng hangin sa labas sa sobrang lakas ng ulan. Lakad pa man din ako.
Bumangon na ako't nag-unat. Susuotin ko na sana ang tsinelas ko kaso pag tingin ko, basa-basa na ang semento. Medyo-- o basa na ang tsinelas ko. Pero syempre, sinuot ko pa rin 'yun dahil wala na akong ibang susuotin pa.
Naglakad ako patungong bintana at kita kong malakas pa rin ang ulan. Tinititigan ko lang ang bawat patak nito sa bintana namin. Dahil sa sobrang lamig, mayroong hamog sa bintana ko. Gamit ang aking daliri, gumuhit ako ng EXO logo dito. Para akong ewan dito kasi nakangiti akong mag-isa. Hanggang bintana, ginagawa ang EXO Logo, noh? Syempre hindi mawawala doon ang power ni Chanyeol. Nilagay ko iyon sa tabi ng logo ng EXO. Marami pang space sa bintana kaya kung anu-ano ang dinodrawing ko.
Tumigil lang ako nang mapansin ko na lalo pang lumakas ang ulan. Pagtingin ko sa bintana, nawala na agad ang naiguhit kong EXO logos dahil natabunan ito ng panibagong fog. Kita ko naman ang labas ng bahay namin at maraming nagliliparang kung anu-ano sa kalsada. Mga yero, bote, kawad, at iba pa. Mabuti na lang at sobrang kapit ng yero samin. Kung hindi, isa na rin ito sa mga nagliliparan.
Mabuti naman at walang taong naggagala sa kalsada noh? Shunga lang yun pag may nakita akong naggagala doon. May nakita kasi ako sa balita na kahit nabagyo, may mga taong nakakalat pa rin sa kalsada.
Pero parang may isa akong nakita... At parang pamilyar sakin ang mukha ng taong yun.
Kinusot ko ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino yun. Sino pa ba? Edi si Lucas!
"LUCAS!" sigaw ko kahit alam kong hindi ako dinig ng isang yun. Nagpapanic ako at gusto ko siyang dalhin dito sa bahay. Lamig na lamig siya at parang hindi na siya makalakad sa sobrang lakas ng ulan. Siya ba ang sinasabi kong shunga? Pero bakit ba kasi nandoon siya sa labas? E, bakit ba ang dami kong tanong? Kailangan ko siyang tulungan. Baka manigas siya sa labas.
Kumuha ako ng jacket at payong na nakasabit sa likod ng pintuan ko. Palabas na ako ng bahay pero nag-sign of the cross muna ako. Baka mamaya, ako pa yung manigas sa labas e. Binuksan ko na ang pintuan at isang sobrang lakas na hangin ang bumungad sa'kin to the point na parang hihigupin na ako nila. Bumuntong-hininga na lang ako at tuluyan na akong lumabas.
Pumunta ako sa lugar kung saan ko nakita si Lucas kanina. Woo~ parang nag-iisnow dito sa Pinas. Wala na akong makita kundi ang malakas na ulan. Nakarating na ako sa pinupuntahan ko kaso napansin ko na wala na doon si Lucas. Hala, saan na ba yun sumuot? Baka naman nakauwi na yun? Aish. Sayang ang effort ko sa pagbihis at pagpunta dito. Uuwi rin naman pala siya. Mas safe ata yun kaysa sakin e.
BINABASA MO ANG
Dreaming about my Bias (EXO Chanyeol FanFic) ❤
Novela Juvenil"Every fangirl can marry her bias..."