THE HAPPIEST BREAK UP (one-shot)

468 16 2
                                    

Ate J. (kung maka-ate ako oh, hahaha. feeling close lang ako masyado eh.)

pahiram po muna kay Wade ha. HAHAHAHA.

masyado po akong inlove sa kanya. HHAHA. 

(susmaryosep na batang ito! alam na ba ito ng nanay mo, ha??)

HAHAHAH. 

sana po magustohan nyo ang aking veeeeeeeeeeeeery short story. ^O^

| amBELLEsyosa © 2013 |

***

"ayoko na." napatingin ako sa kanya ng narinig ko siyang magsalita.

"huh?"tanong ko.

"ayaw na kitang maging girlfriend"

nabingi ako ng marinig ko ang mga salitang yan,

mga salita na galing mismo sa bibig nya.

parang nadurog ang puso ko.

parang gumuho ang mundo ko.

"bakit? bakit ayaw mo na?"

"may problema ba tayo?"

"may nagawa ba ako?"

"may iba ka ba?"

yan ang mga tanong na gusto kong itanong sa kanya, pero naduwag ako.

naduwag ako kasi natatakot akong marinig ang maari nyang isagot.

kaya wala akong nagawa, kahit na ayaw ko, kusang tumulo ang mga luhang pinipigilan ko. 

umiyak lang ako ng umiyak, pinagtitinginan na nga kami ng mga tao na nandito rin sa restaurant.

ibang klase rin sya, ano?! makikipag-break na nga lang, pinili nya pa sa mataong lugar.

ano? para makita nila kung paano sya magpaiyak ng babae?

para makita nila kung gaano ako katanga?

sinakto nya pang makipagbreak sa mismong anniversary namin!

5 years, Wade. 

5 years! itatapon mo nlng ba yun ng basta basta?!

hindi ko kinaya ang sakit na nararamdaman ko, kaya padabog akong tumayo at tumakbo palabas.

wala na akong pakialam kung marami na akong nababangga, ang gusto ko lang ay ang makaalis sa lugar na to at ang makalayo sa kanya.

malapit na ako sa sasakyan ko ng maabutan nya ako at hinawakan ang braso ko, “Ella, wait lang” pigil nya sakin.

nilingon ko sya habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko,

“WHAT?!” hindi ko na napigilang pumiyok at tumaas ang tono ng boses ko.

nagulat nlng ako ng bigla nya akong niyakap.

"ayoko na kitang maging girlfriend, i'm sorry" bulong  nya

swear! gustong gusto ko syang sampalin!

tinulak ko sya palayo at sinampal.

"G*GO KA! MAKUKUHA BA NG SORRY MO ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO NGAYON HA?! ANO?! ANO PA BA ANG KAILANGAN MO?! KUNG GUSTO MONG MAKIPAGBREAK! THEN FINE! BREAK NA KUNG BREAK!" sigaw ko habang hinahampas hampas ang dibdib nya at patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

hinawakan nya naman ang magkabilang pulso ko, "Ella. listen to me first, okay? let me explain"

"NO! IKAW ANG MAKINIG, WADE~" binawi ko sa kanya ang mga pulso ko at huminga ng malalim at sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. Pinunasan ko muna ang aking mga luha bago magsalita, "Wade, 5 years. 5 long years. itatapon mo na lang ng basta basta ha? ano yun? aayaw ka na lang ng walang dahilan? wala naman tayong problema, ginawa ko naman ang lahat para magwork ang relationship natin, pero bakit ganun? bakit ayaw mo na?" sunod sunod kong tanong habang tinignan ka diretso sa mata.  

umiwas naman sya ng tingin at yumuko,

"i don't know, Ella. ang alam ko lang, ayaw na kitang maging girlfriend" sagot nya..

at binalot kami ng katahimikan, tanging paghikbi ko lang ang maririnig.

humugot ako ng lakas ng loob para tanungin ang tanong na ayaw ko namang malaman ang sagot, 

"is there someone else, Wade?"

agad naman syang tumingin sakin, "wala Ella. wala akong iba. believe me." 

"then why?"

bigla nya ulit akong niyakap.

nagpupumiglas ako, pero masyado syang malakas kaya hindi ko ito nagawa.

"I'm sorry, Ella. I'm sorry kung nasasaktan kita ngayon. I'm really, really sorry" 

tinanggal na nya ang pagkakayakap sakin at ipinahid ang mga luhang dumadaloy sa aking mga pisngi gamit ang kanyang mga palad.

"wag ka ng umiyak oh." sabi nya.

"paano ako hindi iiyak, ha, Wade? you just broke my heart!" 

"Ella"hinawakan nya ang makabilang braso ko, "ayaw na kitang maging girlfriend" 

kailangan paulit ulit?

kailangan rape.in ang replay button?

kailangan ipamukha talaga sakin na ayaw mo na akong maging girlfriend?

kailangan saktan mo ako ng paulit ulit? ganon?

ay pesteng mga luha! automatic na namang tumulo.

tinignan ko sya, wala man lang bakas ng guilt o sakit sa mukha nya.

ano? masaya kaya sya dahil finally he's free?

bigla namang uminit ang ulo ko sa naisip ko.

susuntukin ko na sana sya ng bigla syang lumuhod sa harapan ko at may kinuhang maliit na box sa bulsa nya.

narinig ko ring may tumugtog na musika at saka umilaw ang mga lights sa mga puno at sa paligid.

binuksan nya ang maliit na box at inilahad sakin.

nakita ko namang may kumikinang na maliit na bato.

"kasi gusto na kitang maging asawa..” hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at sinabing, “Ella, will you marry me?"

nabigla naman ako.

patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko, pero this time, pumapatak sila dahil sa kasiyahan.

dahan dahan akong tumango and uttered the word, "yes".

agad nya namang sinuot ang singsing sa  aking palasinsingan at tumayo upang yakapin ako muli,

“I love you, soon-to-be Mrs. Rivas” 

 niyakap ko rin sya pabalik, “I love you, too, Mr. Rivas”

 -the End-

******

HAHAHAHA.

parang sabaw na story. HAHAHA.

korni ba? wala eh. ganun talaga eh. :P

salamat po sa pagbasa ^O^

THE HAPPIEST BREAK UP (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon