Chapter 14 // Sundo

2.7K 110 10
                                    

Chapter 14

Sundo 

*** 

Hindi ko na nasundan si Mark. Hinayaan ko na lang siya. Nastay na lang ako sa canteen kasama si Cymon. Naglunch kami pero hindi pa rin naalis sa isip ko si Mark. Gusto ko siyang makausap. 

Natapos ang lunch break, sabay kaming pumunta ni Cymon sa classroom. Hindi namin nadatnan si Mark. Wala siya doon. Akala ko malelate lang siya sa pagattend ng klase pero hindi na siya umattend. Hanggang matapos ang huling klase, wala siya. Saka ko lang napansin na wala na pala doon ang bag niya.

May practice sina Cymon sa band room ngayong hapon para sa audition nila. Gusto niyang manuod ako pero sinabi kong uuwi na ko. Sa totoo, hindi pa ako uuwi, gusto ko munang hanapin si Mark dito sa loob ng campus. Siguro nga ay nakauwi na siya dahil wala na ang bag niya pero gusto kong magbaka sakali nandito pa siya.

Nagikot ako sa buong campus pero hindi si Mark ang nakita ko. Si Jasmine. Nakaupo siya doon sa may gilid ng gate. Parang may inaantay. 

"Jasmine!" ang tawag ko sa kanya. Binaling naman agad niya ang tingin niya sakin tapos nung magtama ang mata namin, umiwas siya. Kinuha niya ang body bag niya at nagsimulang maglakad. "Teka, Jasmine!" Ang sigaw ko habang hinahabol siya. Hindi niya ko pinansin at binilisan pa niya ang lakad niya.

Tumakbo pa ko para mahabol siya. Nang maabutan ko siya, hinawakan ko na ang braso niya.

"Jasmine, teka lang. May problema ba?" 

"Bitawan mo ko. Bakit mo ba ko sinusundan?"

"Bakit mo ko iniiwasan? Galit ka ba sakin?" tanong ko sa kanya. Kinunot naman niya ang noo niya.

"Nagiisip ka ba?" tanong niya. Parang nablanko naman ang utak ko sa tanong niya. "Bakit ako magagalit? Iniiwasan kita dahil iyon dapat ang ginagawa mo! Hindi ba dapat iniiwasan mo ko? Bakit mo ko sinusundan?"

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" ang natatawang tanong ko. Mukhang may sapak talaga tong si Jasmine. Hindi naman kami magkaaway ah. Siguro medyo nagalit lang ako kanina dahil sa pagsisinungaling niya sakin pero wala na yun.

"Di ba dapat galit ka sakin dahil nagsinungaling ako? Hindi ba dapat inaaway mo na ko dahil niloko kita. Na sinabi kong ako ang fiance ni Kuya Mark."

"Ano ka ba! Ano gusto mo? Manabunot ako? Manampal? Magemote? Hahaha. Di ako ganun! Wala na yun! Okay na ko." Tapos nginitian ko siya. Di naman siya ngumiti at sumimangot pa lalo. "Teka, sinong iniintay mo? Si Mark ba? Nakita mo ba siya?  O magkikita kayo ngayon?"

"Anong magkikita? Galit yun sakin! Iniintay ko lang ang driver namin. Teka, hindi ba magkaklase kayo? Bakit sa akin mo hinahanap?"

"Oo, magkaklase kami pero hindi na siya pumasok sa afternoon class namin. Nagalit kasi siya sakin. Hindi ko kasi nasabi sa kanya ang tungkol kay Cymon."

"Cymon? Yun ba yung lalaking torpe?" aniya bago tumawa. Tumango lang ako. "Humahadlang ba siya sa inyo ni Kuya Mark? Gusto mo bigwasan ko na para hindi na niya kayo guluhin?" ang pabiro niyang sabi. Tumawa na lang ako.

"Naku, wag na! Baka awayin ka pa ng mga fangirls niya!" at sabay kaming tumawa.  

Sinamahan ko si Jasmine habang iniintay ang sundo niya. Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa kung anu ano. Nabanggit niya na akala daw niya tomboy siya dahil palaging mga t-shirt at long shorts ang sinusuot niya. At mahilig din siya sa ball games, hindi ng volleyball kundi ng basketball.

It's Complicated with My Ex and My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon