Sa panahon ngayon, sobrang common/familiar na tayo sa 'love at first sight'. Kahit yata magtanong ka sa grade 3 students about dun, masasagot ka nila eh. Hindi mo nga lang makukuha yung talagang sagot na hinihingi mo. So much for modern days.
Ano nga ba talaga ang 'love at first sight'?
Ang alam nating lahat yun yung kapag may nakita kang kaakit-akit na opposite sex, boom! Love at first sight na.
Actually, no. It doesn't work that way.
Minsan mararamdaman mo talaga pag SIYA na. Hindi dahil gwapo o maganda lang siya. Hindi dahil magaling siyang manamit at pumorma. Hindi dahil mayaman siya.
Kundi dahil naramdaman mo na yung takot na baka mawala siya.
Hindi ako naniniwala sa butterfly sa tiyan pag kinikilig o inlove.
Dahil iba ang nararamdaman ko sa sinasabi nila.
Wala akong nararamdamang umiikot sa tiyan ko sa tuwing nginingitian niya ako. Wala akong madamang kiliti sa katawan kapag tumatawa siya kasama ako.
Dahil isa lang ang naramdaman ko nung nagmahal ako...
REALIZATIONS :')
Ako si Joey Fernandez. At ito ang love story ko..
**
"Polooooooo!!!!!"
"Eto na! Ang ingay ingay mo naman! Gigiba bahay namin sa dambulaha mong boses eh!" reklamo niya pagkababa niya.
"Aba ikaw na nga lang nakikisabay sakin pagpasok eh! Mahiya ka naman! Babae ako tapos ako pa pinag-aantay mo!" sigaw ko sa kanya.
"Babae ka ba?!" binatukan ko nga "Hahaha! Ikaw kaya tong nagpupumilit sumabay sakin! If I know, may pagnanasa ka talaga sakin *smirk*"
"Ah ganon?" siniringan ko siya. lumapit ako sa kanya at sinuntok ko siya sa tiyan.
"Puta! Masakit! Bakit ka ba nanununtok?! Kababaeng tao ang lakas manuntok!"
"Gaya mo ko sayo?! Weakling ka eh! Pwe! Tara na nga! Malelate ako dahil sayo eh! Bilis! Kupad mo!"
"Oo na! Leche!"
Siya nga pala si Paolo David. Kababata ko, pero hindi kami close nung mga bata kami. Nagkakilala lang kami formally nung 2nd year highschool. Ang tagal no?
Kahit dalawang taon pa lang kaming naging close sa isa't-isa, marami na kaming alam sa bawat isa.
Kilalang kilala ko na siya kaya palaging mainit ang ulo sa kanya, and vice versa.
Siya lang naman ang pinakamayabang at pinakavain na lalaking kilala ko. Mas matagal pa siyang mag-ayos sakin. Pinagsisisihan ko ngang naging magkatapat ang bahay namin.
Pinapasabay kasi ako ni daddy sa kanya palagi. Madami na kasing nadidisgrasyang dalaga dito samin kahit umaga.
"Alam mo kung iniisip mong may magnanasa sayo dito, wag ka na mag-isip. Wala namang gustong dumukot sayo. Hahahahaha!" hindi ko siya pinansin "Tingnan mo, ang liit liit mo para kang elementary student, hindi ka sexy, flat yung ano mo. Tapos hindi ka maganda. Bwahahahahaha!" tuwang-tuwa ang loko. Hindi niya napansin yung humps na nadaanan namin kaya nadapa siya.
"Haaaaaay! Ang bilis talaga ng karma! Buti nga sayo! Akala mo kung sinong gwapo, eh weak naman!"
Nagderederecho ako sa gate ng school. "Good morning manong guard! Ang ganda ng araw ngayon ano po? *grin*"