Chapter 28

131 3 4
                                    

(MIGUEL'S POV)

Ang ganda na sana nung tulog ko kaya lang may kumalabog. Naalimpungatan ako sabay bangon. Ayoko pa sanang tumayo kasi sobrang inaantok pa ako kaso nakakagulat yung tunog. Daig pa alarm clock.

Wala na si Ysabel sa tabi ko. Ano na naman? Talaga naman... Yung Pong Pong na yun. :)

Nasa C.R. ata siya. Lumabas na ako ng kwarto niya. Ginamit ko yung C.R. sa kabilang room.

Bumaba ako para maghanda ng breakfast. Hihi. Ang tagal ko rin siyang hindi nakasabay mag breakfast. ^______^

Ano kayang nangyari sa kanya kagabi? Natigilan ako sa pagluluto. Kagabi ko lang siyang nakitang ganon. Lasing tapos kung ano ano pang sinasabi. Sino kaya? Sino kaya yon?

Arrrrrrrrrrg! Napapaisip na naman ako. </3

Binilisan ko na yung pagluluto. Pumunta ako sa sala para ayusin yung mga kalat kagabi na hindi ko pala nailigpit. Yung mga kalat kalat na DVD, chips, softdrinks. Naku, yari ako nito kay Pongs pag naabutan niyang magulo dito. Pero kasi kasalanan naman niya eh. Hindi na ako nakapaglinis dito dahil sa kanya. At isa pa, ayoko na ring bumaba dahil bukod sa natatakot ako dahil ang lakas maka horror effect sa baba kapag madaling araw na, hindi ko siya maiwan. Ang kulit pala niya pag lasing? Ang daldal pa. Ayos na sanang magsalita na lang siya ng kung ano ano. Yung magulo. Yung wala akong maiintindihan? Laughtrip eh!

Pero bakit sa lahat nang magulo niyang sinabi mayroong malinaw?

-----------------------------------------------------------------------

"Ma-kuuuuu s-sshorry. Beb plsssssh. I'm shooo s-horry."

-----------------------------------------------------------------------

Nice one! Yung bully niyang yon, akalain mo nga namang marunong pala siyang mag sorry. Ay mali. Mag s-sshorry pala.

Ma-kuuuuu? Beb? At may pag pls. pa siya. Wow talaga!

Tapos na akong maglinis. Ang tagal naman non sa C.R. Lalamig na yung breakfast. Umakyat ako at pumasok sa kwarto niya.

Tama. Nasa C.R. pa rin siya. Grabe! Bakit ba ang tagal ng mga babae sa banyo?

Umupo ako sa tapat ng C.R. sa loob ng room niya. Pakiramdam ko babagsak na yung mga mata ko. Parang hinahatak ako ng kama. Hindi ako masyadong nakatulog dahil binantayan ko siya. May future pala ako sa pagiging S.G. (Security Guard) HAHAHAHA! Ang tibay ko. 5am na ata ako nakatulog nang mahimbing.

Ang kulit niya kasi. Matutulog na lang ang ligalig pa. Ang ingay pa. Tapos pagulong gulong pa sa kama. Hinintay ko muna siyang makatulog ng mahimbing bago ako tumabi sa kanya. Ayon, ang tagal kong nakaupo sa sahig. Pinagmamasdan lang siya. Pakiramdam ko sobrang dami na nang pinagbago niya. Ang bilis ng panahon. Bakit kasi ang tagal kong bumalik? Tuloy, nag-sosorry na siya sa iba. =|

Nahihiwagaan ako. Pano kaya sila... Pano kaya niya nakilala yung... Ano kayang nangyari sa kani-------

Waaaaaaaaaaaah! Ayoko na.

Mas nahihiwagaan pa rin ako kung bakit sobrang tagal niya sa loob ng C.R. \:D/

Bago pa ako makatulog sa sofa, tumayo na ako para kumatok sa pinto ng C.R.

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas yung pinto.

O________________O

Sabay kaming nagulat. Ay hindi mas nauna akong nagulat bago siya.

Medyo L.R. yung gulat niya? :D

Aayain ko na sana siyang bumaba para kumain ng breakfast pero tinarayan niya lang ako sabay bangga sakin.

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon