Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Unti-unti syang nakalimot at nakabangon sa mga nangyari. Bumalik kami sa dati-- masaya, komportable sa isa't isa, naghihintayan sa pag-uwi, parang aso't pusa kung magbangayan. Laging napagkakamalan ng iba na mag-on kami pero hindi.
"Cas, ex mo yun 'di ba?" sabay turo ko sa lalaking di kalayuan sa pwesto namin.
"Naka-move on na ako. Wag kang ano!" pagsusungit nito.
"Ganda ng kasama. Girlfriend nya?" pang-aasar ko pa.
"Ay naku, tara sa EO! Pacheck up natin mata mo. Jusme! Mas maganda pa ako dyan e. Tingnan mo nga... kulang sa height tas antaba pa. Hindi nya sinabi ng maaga, GASUL PALA GUSTO NYA!!!"
Halatang naiinis sya.
"Ansarap ng sinabi mo. Lasang bitter." sabi ko nalang.
Sumeryoso ang mukha ni Cas, "hayaan mo na. Baka hindi lang talaga kami para sa isa't isa."
"Mas gwapo pati ako dun," dagdag ko pa.
"Tama ka dya---... ano daw? Joke time?" :D