A/N
Dedicated itong chapter na to sa mga bessies ko! Sabi kasi nila bigyan ko din daw sila ng lablyp! Hahaha. Kahit dito man lang daw sa story ko. :D
Bukas na matatapos ang aming event, at bukas narin ang Ball. Pero the whole time sa buong linggo ay iniiwasan ko ng bongga si Andrew, wala kasi ako mukhang ihaharap after that kiss sa kotse nya, sya din naman hinahayaan naman din nya akong hindi sya pansinin masyado. Pag kinakausap ko sya or sya kumkakausap sakin tipid lang ang mga sagot ko, or minsan di ko sya sinasagot pero pinapaabot ko lang yung gusto kong sabihin sakanya sa iba.
Kasalukuyan nandito kame ngayon sa canteen kasama ng aking mga bestie, hindi na kasi ako makahinga doon sa booth namin ni Andrew, minsan kasi may mga sweet gestures syang ginagawa, like pagooffer ng makakain or upuan, ni wala na nga din akong tinulong dun sa booth kasi sabi nya gusto nya ay hindi ako mapagod, sa mga ginagawa nyang yun ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mafall sakanya. Pero umiiwas parin ako kasi nahihiya ako, lokaret talaga.
“Mga bessss!! Di ko na alam ano gagawin ko” pasigaw na sambit ni Phoebe na nakapagpabalik sakin sa aking isipan.
“Bakit kaba bes? Nanggugulat ka naman jan ah” sabi ni Chae
“Eh kasi naman bes, si Jerick inaaya nya ako magdate” sagot ni Phoebe na kinikilig
“O – M – G ! Jerick? Sinong Jerick yan? Bakit wala akong alam?” pangungulit at pagtataka ni Chae
“Jerick De Ayala, varsity player ng Basketball, MVP nung last year” pagpapakilala ni Phoebe na parang naiilang sabihin.
“Teka, teka! Bes? Jerick De Ayala? Diba sya yong kinaiinisan mong nilalang dito sa balat ng earth?” sumabat na ako sa usapan ng dalawang bessies ko.
“Tama ka bes, sya nga” tinakip nya naman yung kanyang mukha ng kamay nya halatang nahihihya sa pinagsasabi nya ngayon, shy type kasi masyado itong si Phoebe, at malihim din, minsan lang yan magshare samin ng nararamdaman pag alam nyang di na nya kaya pang itago ang nararamdaman nya.
“Paano ngyari bes?” tanong ni Chae
“Ganito kasi yan mga bes, an unknown number texted me one day, hindi ko minamind kasi nga unknown kaso makulit eh, kaya ayon, naging textmate kame, tapos late na nalaman ko na sya pala yun ang katext ko, nung sinimulan nya ng ligawan ako, and I THINK I ALREADY LIKE HIM, and now, nagtext sya asking me to go out on a date alam nyo naman na first time ko” pag eexplain sa amin ni Phoebe at halata sakanya na kahit naiilang sya ay kita parin ang kilig at kasiyahan sa mga mata niya.“Nako bes Alex, tahitahimik lang pala itong si bes Phoebe yun pala lumalovelife na” pang aasar ni Chae
“OO nga bes, kaya pala masyado syang busy sa cellphone nya eh” sabi ko sakanila
“Pero teka bes? Hindi pa naming nakikilala yan si Jerick ng husto, at asking you out on a date through text? Ang bastos naman ata” pagrereklamo ni Chae
“yun na nga bes ang sabi ko kay Jerick, hindi nya na ako nireplyan nung sinabi ko sakanya na dadaan muna sya sa inyo at sa parents ko bago ako pumayag sa date” bigkas nito na dama mo ang discouragement.
“Eh wala naman pala yan bes, baka ginugood time ka lang nyan” pagaalma ko, ngunit magsasalita pa sana ako ng biglang may magsalita sa gilid namin.
“Hindi ko po sya ginugoodtime” sambit ng isang lalake na si Jerick, may dalang isang rosas para kay Phoebe, at ito naman Bessie ko ay parang nagmukhang kamatis sa kanyang itsura na hindi makapagsalita at sobrang pula.
“Pwede bang makiupo sa inyo mga magagandang dilag” ani nya habang inaabot ang dalang rosas kay Phoebe
Agad namang lumipat ng upuan si Chae sa tabi ko para makaupo si Jerick sa tabi ni Phoebe na sa harap namin.Nagkwentuhan kameng apat, at inenterogate namin itong si Jerick na ngayo’y pawis na pawis sa mga tanong naming ni Chae, at base naman sa mga sagot nya ay isa naman syang mabuting tao, at alam namin na mahal nya itong si Phoebe at ganun din si Bessie sakanya, kaya pumayag na din kameng ligawan nya ang aming Bessie, syempre may mga conditiones din kameng binigay sakanya mahirap na diba? Kasi ang ayaw namin sa lahat ay may isa samin umiiyak. Nagpaalam na din si Jerick sa amin dahil may practice pa daw sya ng basketball. Kaya kami nalang ulit tatlo magkasama, magchichikahan pa kame ng kaunti kasi after an hour pa naman ang class namin in which classmate na naman namin si Andrew.. HAAAay Alex! Andrew ka na naman!