#1 Untitled

6 0 0
                                    


Kakanta siya.

Yung crush ko, kakanta sa harap ng klase.

Kakanta siya para doon sa nililigawan niya.

Kaya naman napadako ang tingin ko kay Kristine.

Ayun, kilig na kilig siya.

Buti pa siya.

Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago muling humarap sa harapan ng klase. Magsisimula na kasi siyang kumanta.

Nagkatinginan kami kaya binigyan ko siya ng isang sinserong ngiti at agad na umiwas ng tingin bago niya pa makita ang sakit sa mga mata ko.

Crush nga lang ba 'to o mas malalim na?

Kasi 'di ba, hindi ka naman masasaktan kapag crush nga lang 'to.

Siguro nga.

Mahal ko na ang lalaking iyon.

Kaya ako nasasaktan.

Pero hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam.

At wala akong balak ipaalam sa kanya.

Ang tagal na naming magkaibigan, siguro mga sampung taon na.

Bata pa lang ako noon, iba na ang naramdaman ko para sa kanya.

Lalo na nang makipagkaibigan siya sa akin.

Naging magbestfriend kami.

Pero hanggang doon lang iyon.

Hanggang doon lang kasi ang kaya niyang ibigay sa akin.

Nangako kami sa isa't-isa na magiging forever bestfriend kami.

Pero sinira ko ang pangakong iyon.

Tao lang naman ako.

Hindi ko naman kayang kontrolin ang puso ko.

Kung sana lang pwede ang bagay na 'yan, matagal ko nang ginawa.

Kasi ayoko nang masaktan.

Ayoko rin siyang masaktan.

Nakakalungkot lang isipin na ang pagmamahal ko sa kanya ang magiging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan namin.

Napayuko ako sa reyalisasyong iyon.

Isinandal ko ang aking noo sa mesa at ipinikit ang aking mga mata.

♪There's a shop down the street
Where they sell plastic rings,
For a quarter a piece, I swear it♪

Nagsimula na pala siyang kumanta.

Ang lamig lang boses niya.

Kahit pa noong isang linggo ko lang siyang narinig na kumanta sa harapan ko, hindi ko pa ring maiwasang mamiss ang boses niya.

Pero nakakainis siya eh.

Bakit ganun?

Nakakatuwa na sana eh.

Paborito kong kanta ang kinakanta niya ngayon.

Pero bakit nga ganoon?

Bakit ang sakit?

Dahil ba hindi na ako ang kinakantahan niya ngayon?

Nakakainis naman eh.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko kahit pa nakapikit ako.

Sana kasi ako na lang siya.

Sana ako na lang si Kristine.

♪Yeah I know that it's cheap
Not like gold in your dreams
But I hope that you'll still wear it♪

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon