Dumaan ang mga linggo. Naging normal naman ang hanggang isang araw,
"JC, bibigyan ko ba ng chance si Nash? Isang linggo na ako tinatanong nun e. Naisip ko kumonsulta muna sayo."
Seryong tanong nito.Napatulala ako. Nagulo ang isip.
"Gusto mo ba sya? Kasi kung oo, bahala ka... pero kilalanin mo munang mabuti yan." yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"Mabait naman sya di ba? Ang totoo nga nyan... gusto ko sya e"
Kung naghuhugis puso lang ang mata, malamang yung kanya kanina pa!
Tuluyang gumuho ang mundo ko. Parang gusto ko nang mawala sa mundong ibabaw. (LOL. Corny)
"Gusto mo pala sya, nagtanong ka pa! Go lang."
Kunwaring tingin sa relo ko,"Hoy Ivy Cassandra Castro, una na 'ko ha? Sabay ka nalang sa Nash mo!" sabay tayo sa kinauupuan ko.
"Grabe makabuo ng pangalan. Kelangan 'yon ?" pang-aasar nya.
"Ako lang naman ang di mo kailangan."
Napataas ang kilay at parang nagtataka.
"Wala. Alis na 'ko. Ingat sila sayo!" sabay lakad palayo.
Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Mahirap bang pigilan ang nararamdaman? Magmamahal na naman sya. Di ba sya nadadala? Nasaktan na sya ng ilang ulit pero bakit sumusugal pa sya?
--Maraming nag-iba nang may dumating na lalaki sa buhay nya. Ang JC na mula pagkabata ay kasama nya, napalitan ng isang Nash na ilang buwan pa lang nyang kilala. Sila na yung laging magkasama. Sabay kumain, sabay umuwi. Hindi na rin kami madalas mag-usap sa phone. Hayaan ko nalang. Ano ba ako sa kanya, 'di ba?
Mahirap pero nasanay na ako.
Ang saya nilang tingnan. Yung kwentuhan, asaran, tawanan.
Hindi kami. Kahit kailan ay hindi naging.
Purong magkaibigan... pero hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Sa classroom nalang kami nagkikita. Naguusap pa rin naman pero hindi na tulad ng dati. Nagtatanong sya, sinasagot ko.
Umiiwas ako?
Ewan.
Baka.
Siguro.
---Ilang buwan kaming ganun. Naging masaya silang dalawa. Isang gabi nga nagtext sya sa'kin,
"Kami na ni Nash<3"
Nagkunwaring hindi ko nabasa. Masaya na sya, siguro.
Nag-vibrate phone ko..
Cas Calling...
Nagdalawang isip kung sasagutin pero sa huli,
"Hello?"
"Hoy JC ! Kami naaaaaaaa"
Halatang kinikilig.Ako naman si bitter, "congrats, magbe-break din kayo. HAHAH"
"Grabe ka naman! Poreber na 'to. Destined ba ! Ang sweet nga nya e... blah bah blah blah...."
Patuloy sya sa pagkukwento, hindi inisip kung nakikinig ba ako o ano.
Patuloy akong umiwas.
Mukhang masaya na sya. Susuportahan ko nalang. Ayokong maging kontrabida.
Dumistansya ako.
Lumayo.
Umiwas.
Lahat ginawa ko.
MASAKIT ISIPIN NA DI NA KAMI TULAD NG DATI :(
Hanggang mag-summer vacation, ganun pa rin.
Naaalala pa kaya nya ako?