Nagkita kami sa isang lugar. Wala syang kasama.
Alam nyo yung gustong gusto mo syang kausapin pero di mo alam kung pa'no sisimulan :(
"Iniiwasan mo ba ako?"
Nagulat ako nung nagsalita sya. Nakatungo.
Nakatitig lang ako sa kanya. Walang ekspresyon.
"Hindi mo na ako kinakausap. Hindi mo ba ako namimiss?"
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.Niyakap ko sya ng mahigpit, "hindi porket hindi kita kinakausap, di na kita namimiss."
Bumitaw ako sa pagkakayakap,
"may isang tao talaga na darating sa buhay natin para baguhin tayo."Nabalot ng katahimikan ang paligid. Ilang minuto pa ay nagsalita ulit sya,
"wala na kami"... muling tumulo ang luha sa mga mata nya, "kagabi lang... mahal pa daw nya ex nya." patuloy nito.
Heto na naman. Paulit ulit na sitwasyon.
"Wag ka kasing magmahal ng sobra. Hindi ka pa ba nadadala? Laging ganyan ang ending. Tama na. Tigil na. Pahinga muna." sermon ko sa kanya.
Patuloy sya sa pag-iyak.
Tsss... nakakaawa. Wala akong magawa :(
Patuloy ako sa pag-comfort sa kanya.
Yun naman ata ang role ko sa buhay nya, ang pagaanin ang bigat na dinadala nya. Yun lang. Hanggang dun lang :/
"Siguro may magandang plano si God para sa'kin" sabi nito nung medyo kalmado na sya.
"Ayan. Ayan ka na naman sa mga ganyan mong linyahin. Aba naman, tama na!" sabi ko dito.
"Kas---"
"wag na magsalita. Tama na sa pagiging tanga. Kung may award lang yun, malamang valedictorian ka na!" pagputol ko sa sasabihin nya.
"Hind---"
"Oh, wag mo na bisitahin profile nya ha? Sasaktan mo lang sarili mo."
"Ok. Kahit masakit."
--May kakaiba akong nararamdaman para kay Cas pero mas pinili kong panatilihin ang pagkakaibigan namin. Natatakot akong magawa ko sa kanya yung mga ginawa sa kanya nung mga ex nya.
Mahal ko na si Cas, oo.
"Don't love deeply till you make sure that the other part loves you with the same depth, because the depth of your love today will also the depth of your wound tomorrow."
Yan ang huli kong sinabi sa kanya noong araw na 'yon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bumalik ako sa realidad nang muling nag-vibrate ang phone ko.Tumatawag na naman sya.
"Ano na naman? Break na ulit kayo? Cas naman, aral muna! HAHAH :D" bungad na pang-aasar ko sa kanya.
"Sira ! Nagcheck lang ako kung buhay ka pa. Review ka, midterm exam na! Ciao"
then she hung up.