Abala sa pagtuturo si Ms. Kim Taeyeon sa subject niyang Korean sa kanyang mga estudyanteng nagdadaldalan at yung iba naman ay naglalaro mula sa pangkat Mindeulle. Hanggang sa napatigil lamang siya nang may kumatok sa pinto mula sa kabilang seksyon.
"Annyeong Ms. Kim. Nasaan daw po yung mga basketball, volleyball at badminton players? Pinapatawag na po kasi ni Ms. Jessica Jung." Magalang na sabi ni Kwon Yuri. Isa siya sa mga volleyball players ng paaralan.
"Basketball, volleyball at badminton players daw!" Sigaw ng alien--- este ni Kim Taehyung. Isa sa mga pinakamadaldal na estudyante sa klase.
At yun, cute siya.
Tumayo naman sila si Park ChanYeol, si Zhang Yixing, Kim Jongin, Kim Jongdae at Oh Sehun. Lahat kasi sila ay magagaling maglaro pagdating sa larong basketball. At ngayon ay makakasama mula Seoul papuntang Suwon o Gyeonggi para sa kompetisyon.
Sumunod namang tumayo ang mga volleyball players. Sila Kim Hyoyeon, Tiffany Hwang, Seohyun at Im Yoona. At sumunod na rin ang mga badminton players na sila Chaerin Lee At Sandara Park.
Bigla namang tumayo si Yunha, isang simpleng estudyante lamang sa eskwelahan. Hindi nasa top o kasali man sa volleyball at badminton players. Hindi rin siya sikat. Kung kaya't napaka-imposibleng makasama siya papuntang Seoul. At sa inaasahang pangyayari, nagsi-tawanan lahat ng mga estudyanteng nasa klase.
"Shut up class!" Sigaw naman ni Ms. Taeyeon.
"Oyyy! Manahimik nga kayo! Diba kayo marunong mahiya?!" Sigaw naman ni Suzy Bae. Ang presidente ng klase.
At dahil doon, nanahimik ang buong klase. Isa kasing masungit na tao si Suzy Bae. Kahit tahimik o minsan lang siya magsalita ay kapag nagalit ito, sobra. Kung kaya't maraming tao ang natatakot sa kanya. Parang isa siyang mabangis na tigre. At dahil dito, nagsimulang magsalita muli si Ms. Taeyeon."So anyway, bakit ka nga pala tumayo Ms. Jeon?" Tanong ni Ms. Taeyeon
"Ah-eh... Kasi..." Habang nag-iisip siya ng sasabihin, biglang bumukas ng malakas ang pintuan at lumitaw doon si ilong--- este si Jungkook.
"Ma'am!" Hingal na hingal na tawag nito sa kanyang sonsaengnim.
"Oh Mr. Jeon, bakit ngayon ka lang? Saan ka nagpunta?" Tanong ni Ms. Taeyeon. Sasagot sana si Jungkook nang sumigaw si Jimin.
"Haha! Baka pumunta ng banyo at naglabas ng sama ng loob, Ma'am!" Sigaw ni Jimin at muli, nagsitawanan ang lahat na nasa loob ng klase.
"Shut up nga kayo! Tss." Sigaw naman ng maarte--- este ng bise presidente ng klase na si Krystal Jung.
"So okay, balik muli tayo. Ano uli yung sinasabi mo Mr. Jeon?" Tanong ni Ms. Taeyeon.
"Eh kasi Ma'am, yung dongsaeng ko po sasama sa Suwon." Sagot naman ni Jungkook.
"Oh, bakit? Hindi naman siya kasali sa mga volleyball o badminton players." Kalmadong sabi ni Ms. Taeyeon.
"Pero Ma'am, nagpalaam na po kasi si eomma kay Ahjussi Baekhyun. At isa pa, nabayaran na po ni eomma lahat po ng gastusin." Sabi ni Jungkook.
Naks, makakasama ko na uli si Yeollie ko! Sa isip-isipan ni Yunha.
"Oh siya sige, maari ka nang lumabas Ms. Jeon." Sabi ni Ms. Taeyeon.
Syempre, basta marinig lang pangalan ni Baekhyun eh.
Lalabas sana ng silid-aralan ni Yunha ng magsalita si Krystal.
"Ha?! That's a big no-no. Hindi naman kasali si Yunha sa mga volleyball or badminton players! How come na makasama pa siya sa Suwon?!" Inis na sigaw ni Krystal.
"Mahinahon ka nga munang pa-epal ka. Narinig mo naman sinabi ni oppa diba? Hindi ko na kailangan mag-explain pa. Tsaka, ano bang pakeelam mo?" Sabi naman ni Yunha.
"Girls, mahinahon nga muna kayo---" Magsasalita sana si Ms. Kim nang magsalita si Krystal.
"Sandali lang po Ma'am. I have the rights to complain. Isa sa mga staff ang ate ko dito. So just like what I've said--- " Naputol ang sasabihin ni Krystal nang magsalita si Yunha.
"Shut the effin' up! You pabo! Nakakainis ka nang tanga ka ha! Hindi ka ba nakakaintindi?! At hindi porket staff lang ate mo dito ay may karapatan ka nang magyabang. For your information, wala 'yan sa posisyon ng tao ang pagbibigay respeto! " Inis din na sigaw ni Yunha.
Magsasalita sana muli si Krystal nang putulin muli ni Yunha.
"Ano?! Magsasalita ka na naman?! Inggit ka lang kase! Ako makakasama ko si Channie babe ko! Eh ikaw?! Hindi mo makakasama si Jongin! Bleh!" Sigaw ni Yunha. Sa kanyang tabi naman ay may binulong ang kanyang matalik na kaibigan na si Sooyoung.
"Bes, kalma lang. Wag kang magalit masyado. Alam mo bang nasasayang ang beauty mo dahil sa sadakong 'yan? Sige ka, hindi ka na papansinin ni Chanyeol mo." Bulong ni Sooyoung.
"Pasensya na bes. I can't take it anymore na kasi eh. Tingnan mo, pati pananalita ko nagagaya na kay Krystal. Shutanginames naman kasi!" Bulong naman ni Yunha.
"So, siguro naman ay tapos na 'tong walang kwentang pag-aawayan nating dalawa. Sana wala ka nang ipaglaban pa. Kingina." Sabi ni Yunha. Syempre bulong lang yung dulo. Hahah!
"Sige na bes, bye na. Text-text nalang, ha?" Sabi ni Yunha kay Sooyoung.
"Babush! Paalam na po Ms. Kim." At pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. Tuluyan na siyang lumakad upang umalis.
"Hoy, sandali lang! Hindi pa tayo tapos! Isusumbong kita kay ate Jessica!" Rinig ni Yunha na sigaw ni Krystal.
"Bla-bla. Mula ulo MUKHANG PAA!" Pabalik na sigaw ni Yunha at tuluyan na nga siyang umalis ng silid-aralan para bumaba.
▪️▪️▪️
Ms. Chuchu's Note : Nagtataka kayo kung sino si Yunha 'no? Oh well, ako po iyon! Gusto ko po kasi sumama sa story ko eh. At dahil mahilig ako sa KPOP kaya puro KPOP artists ang characters ko, I've searched my Korean name at Yunha Jeon nga ang lumabas. At dahil Jeon ang last name ni Jungkook, ginawa ko siyang oppa. ^_^ So anyway, sa mga Park ChanYeol's fans diyan, Kaway-kaway! Annyeongg! :3 Pero hey! Hindi ako hater ni Krystal, ha? Actually, KAISTAL lover pa nga ako eh. Sa mga Sooyoung lovers din diyan, annyeonggg! <3 <3 <3
Jalga! :D.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Train To Suwon
FanfictionPaalala : Ang storyang ito ay puro kalokohan at kagaguhan. Bawal sa mga 'inosente' dahil ayaw namin dumihan ang inyong 'malilinis' na isipan.