❤MCMMP 29❤

141 2 0
                                    

Danica's POV


Awasan na! Nagpaalam naman ako sa barkada na bibisitahin ko muna ang puntod ni kuya Luke pero pumayag naman sila so ito na nga, bumabyahe na kami ngayon papuntang sementeryo. Nang may nadaanan kaming flower shop bumaba muna ako saglit at bumili saka bumalik ulit sa kotse.









"Kanina ka pa tahimik" Puna naman ni Daelle












"Ha? Wala, kung tatanungin mo ako kung okay lang ako, Oo okay lang ako" Syempre inunahan ko na sya sa itatanong nya.












"Sure ka?" Tumango lang ako saka kami bumaba andito na kasi kami eh. Hindi naman mahirap hanapin ang puntod ni kuya. Alam nyo kung bakit? Diba sa sementeryo may parang bahay doon na libingan gaya ng sa chinese? Ganun yung libingan ni kuya Luke eh.








'Daniel Luke Pierre

Born: September 26 1994

Died: January 08,2016'










Napaluha na naman ako, "Hi kuya *sob* I miss you.. sana andito ka pa kuya. Wala akong mapag kwetuhan eh. Kuya yung kasama ko nga pala sa likod ko sya nga pala si Daelle manliligaw ko na crush ko dati" Patay na nga kinakausap ko pa? Pakielam nyo? Miss ko na ang kuya ko eh. Nasabi ko na ba na close kami?










"Ang daya mo naman kuya... kasama mo na sila lola at lolo jaan. Ano kayang pakiramdam ng nasa langit? Sana masaya ka jan kuya *sob* Nakakainis ka kuya Luke. Sabi mo walang iwanan? pero bakit iniwan nyo pa rin kami ni mama at papa? Sabi mo pa nga nun pag nag birthday ka ngayon ililibre mo ako ng madaming foods at pupunta pa tayo ng EK. Kuya bakit? *sob* Tapos di mo pa nga naipagtatapat kay Ate Gwen yung nararamdaman mo sakanya. Kuya ang dami ko pa namang ikwe-kwento sayo *sob*... Happy birthday kuya and I miss you" Saka ako humagulgol ng iyak naramdaman ko namang yakap na ako ni Daelle. Hanggang ngayon wala pa din ang hustisya ng pagkamatay ni kuya Luke. Napaka hayop nya! Yun na lang ang masasabi ko.











Kung tatanungin nyo ako kung gaano kami ka-close ng kuya ko? minsan binabatukan nya pa ako pag lutang ako minsan tatanungin nya pa ako kung crush ko daw ang iniisip ko at ako naman walang maisagot. Oo alam ni kuya na crush ko si Daelle noon pa. Tapos 1 time nagpatulong sya kung ano raw ang tastes naming mga babae tapos sinabi ko na ang kadalasan na hilig natin ay flowers, chocolate ,etc... tinanong ko pa nga kung bakit eh at sinabi naman ni kuya na ibibigay nya raw kay Ate Gwen. Balak pa naman sanang umamin ni kuya sa Valentine's nung February kaya lang wala na eh... namatay na sya nun.. Pag may problema ako di yan magdadalawang isip na pumasok sa kwarto ko na may dalang comfort food ko which is cake,leche flan or Chocolate tapos maya maya nyan okay na ako. Mahilig din magpatawa si kuya Luke eh. Pero si Ate Gwen na crush ni kuya? Tingin ko may gusto din yun kay kuya eh. Nung pumunta nga sya ng burol ni kuya iyak lang sya ng iyak at inamin nya saakin na gusto nya din pala si kuya Luke.











Dapat nga nung March gagraduate na sya ng college sayang nga eh. Ilang buwan na lang gagraduate na sya nun. Health and medicine kasi ang course nya same with ate Gwen kasi gusto nyang mag doctor eh. 4th year college sya ng namatay sya. Sabi nya nung new year gusto nya daw makita akong nakasuot ng toga at first honor pa raw. nakakalungkot na lang isipin na sa graduation ko wala sya. Miss na miss ko na si kuya Luke. Iba pa rin kasi ang may kapatid ka eh. Masaya. Kahit na minsan aso't pusa kayo.















Mr.Cold meets Ms.PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon