When He Said Thank You (One Shot)

1.3K 65 32
                                    

When He Said Thank You (One Shot)

All Rights Reserved 2013

---

"Thank you - 2 words, 8 letters that could melt my heart and break it at the same time." - Ailee


---


I've been hiding my feelings from him since the day we met. I keep on denying what I really feel. Ang hirap kasing aminin. Paniguradong lalayo siya.


He's definitely full of flaws, in short, imperfect. He always pisses me off, bugs me around, and yet never fails to make me smile. Konting galaw niya lang, automatic na akong nangingiti. Minsan nga lang, pigil na ang ngiti, pigil pa ang kilig.


Naaalala ko pa nga noong unang araw kaming magkita. Hinding-hindi ko yun makakalimutan - August 22, 2013.

--

"Uy Ailee, nakita mo na ba yung bagong nating kaklase? Ang gwapo!" sabi ni Kaila, kaibigan ko.


Mukha na lang ang basehan natin palagi. Kung hindi mukha, katawan naman. What kind of society is this?

"Di ko pa nakikita. Kung totoo ngang gwapo yun, kawawa naman siya." sagot ko.

You might be wondering why I feel pity on him. Nagugustahan lang kasi nila yung panlabas na itsura. Paano pagpumangit siya? Wala nang magmamahal sa kanya. Yan ang paniniwala ko.

"Bitter mo talaga no? Dyan ka na nga!" inirapan lang ako at nilayasan. Hay sanay na ako sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto at nagsimula na ang klase. Pumasok ang isang lalaking may katatamtamang pangangatawan - hindi payat, hindi mataba. Mas matangkad sa akin actually.

"Okay Seniors, let me introduce you your new classmate. Mister, please introduce yourself."

Hindi ko alam kung bakit di ko maalis yung tingin ko sa kanya. Dahil ba gwapo nga talaga siya o dahil nakatingin din siya sa akin?


"Hi everyone. I'm Andrew Jan Valle. Just call me Drew. Let's be friends." sabi niya habang iniikot ang mata sa aming lahat. Bakit pagtumatama ang tingin niya sa akin, bigla akong nahihiya? Tsss.


Naupo siya sa bakanteng upuan sa likod ko. Bigla tuloy ako naconsious sa pag-upo ko. Straight body ba o naka slouch ako? Grabe naman tong nararamdaman ko,

Biglang may kumalabit sa akin.

"Miss, anong pangalan mo?" siya pala.

"Ailee - I'm Ailee Alexandria." at ngumiti ako. Ang hirap makipagkwentuhan sa nasa likod mo.

When He Said Thank You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon