Ang Mga Palahaw ni Butchoy

721 19 13
                                    

Butchoy.

‘Yan ang nakasanayang itawag sa akin ng mga kaklase ko. Maaaring kilala mo na ako. Maaaring hindi pa.

Ako kasi ang pinakasikat sa eskwelahan namin. Paborito ng mga guro. Palakaibigan. Sa tuwing naglalakad ako sa pasilyo ng gusali kung saan naroroon ang aming silid-aralan, hindi maiwasan ng mga tao ang tumingin.

Maayos lagi ang aking damit. Mabango.

Perpekto”, ‘yan daw ako. Mabait. Matalino. Magandang lalaki.

Perpekto...noong nabubuhay pa ako.

Ngayon, perpekto pa rin naman ako. Perpektong-perpekto sa kabaong na kinalalagakan ko. Perpekto ang barong na suot ko. Pinagtitinginan pa rin naman ng mga taong dumadaan sa sementeryo. Paborito pa rin naman...paboritong pagnakawan ng kandila ng mga batang kalye.

Paano? Paano nagwakas ang buhay ko? Mahabang istorya pero iisa lang ang dahilan. Gusto ko ng tunay na PAGKAKAIBIGAN. Ninais kong hanapin ang totoong mga kaibigan kasi kahit na sinasabi nilang perpekto ako... wala namang taong perpekto at mayroon din akong kakulangan.

 Bago ang huling araw ko sa mundo, kumalat na ang mga bali-balita sa eskwelahan.

Si Totoy raw sinalvage. 15 saksak daw sa ulo. Kulang na lamang daw ay pugutan.

Tapos mga ilang linggo lang. Si Nene.  Nakita sa talahiban patay na. Bago raw iyo’y ginahasa pa siya. Mas masaklap ay isinimento ang kanyang mga paa...at tinanggalan ng dibdib.

Karimarimarim. Nakapanlulumo. Gawa ng mga taong halang ang kaluluwa.

Batid ko na ang mga kaganapang iyon. Subalit sa aking palagay... gaano man katalino ang tao... nagpapakabobo pa rin siya. Sa pag-ibig... sa pag-aaral... sa pakikipagkumpitensya... sa pakikipagkaibigan.

Ayoko na sanang alalahanin pa. Masakit kasi ang kuryenteng pinadaloy nila sa katawan ko habang binubuhusan ako ng mainit na tubig at inilulublob sa yelo. Masakit kasi ang hiwang ginawa ng balisong nila sa braso ko. Masakit ang pagpaso ng sigarilyo sa leeg ko. Masakit ang pagpalo nila ng dos por dos sa mga binti at hita ko. Ang sakit...namimilipit na ako subalit wala silang naramdamang awa. Sumisigaw na ako subalit tila wala silang naririnig. Halakhakan dito, palo roon. Dura rito, paso roon.

“Ma...awa... n... k...a...yo!”

Iyan ang pinakahuling katagang nabanggit ko bago nila ako tigilan. At sa puntong tinigilan na nila ako...tumigil na rin ang pagtibok ng puso ko. Naputol na ang aking pangarap na magkaroon ng matalik na kaibigan.

Hindi ko kinailangang maging perpekto dahil sabi nila hindi mo naman iyon kailangan para magkaroon ng kaibigan.

Kaibigan lamang ang hinangad ko. 

comment lang po kayo kung ano masasabi ninyo.. thanks!

Ang Mga Palahaw ni ButchoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon