KABANATA 4: PAGDARAMDAM

47 0 0
                                    

RUBIA: Nakuha mo narin ang iyong ninanais ngunit yung akin ay hindi...
ADHARA: Ano ba ang ninanais mo Sang'gre Rubia??
RUBIA: Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako ng aking ina..
ADHARA: Huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan kita sa iyong gusto ngunit tulungan mo muna ako sa aking mga balak..
RUBIA: Sang-ayon ako sa iyo Adhara..

SA KAHARIAN NG TURQUOISE...

TURSA: Mukhang panahon na upang ako'y magpakita kay ina..
REYNA ISABELA: Kung ganoon hindi naman kita pipigilan sa gusto mo..
PAGASPAS: Mahal na Sang'gre Tursa..
TURSA: Sino ka at bakit mo ako kailangan??
PAGASPAS: Ako si Pagaspas pinadala ako ng iyong ina upang sunduin ka upang bumalik sa kaharian ng Diamond...

Nag-isip nang mabuti si Tursa..

TURSA: Hindi ayokong sumama sa iyo. Masaya na ako dito...
PAGASPAS: Ngunit mahal na Sang'gre..
TURSA: Ang sabi ko ay hindi...
REYNA ISABELA: Layuan mo muna siya Pagaspas..
PAGASPAS: Kung iyan ang gusto ninyo mahal na Sang'gre..

Umalis na nga si Pagaspas sa kaharian ng Turquoise at pumunta ito sa kaharian ng Diamond upang ipaalam kay Inang reyna ang kanyang nalalaman...

SA KAHARIAN NG DIAMOND..

PAGASPAS: Inang reyna..
INANG REYNA: Ano ang balita Pagaspas nakita mo na ba ang aking anak??
PAGASPAS: Opo mahal na Sang'gre ngunit ayaw niyang bumalik dito dahil masaya na raw siya kung nasaan man siya..
INANG REYNA: Kung ganoon nasaan siya Pagaspas??
PAGASPAS: Nasa kaharian po siya ng Turquoise..
INANG REYNA: Kung ganoon naroroon pala siya. Maraming salamat sa iyo Pagaspas..
PAGASPAS: Walang anoman mahal na reyna..

Lumipad na palayo si Pagaspas..

SA KAHARIAN NG JADE..

ALEXANDRA: Napakatagal naman bumalik ng Inang reyna na iyan..
JANNA: Huminahon ka sa sinasabi mo Alexandra..
ALEXANDRA: Ngunit mahal na reyna..
JANNA: Alexandra tumigil ka na. Walang patutunguhan itong mga sinasabi mo..
PERLA: Ito na nga ang aking kinatatakutan. Lalo akong kinakabahan sa nangyayari.
JANNA: Huwag kang matakot aking kapatid...
ELEN: Baka naman niloko tayo ni Inang reyna baka tuluyan na niyang kinuha ang ating mahiwagang bato..
JANNA: Kilala ko ang Reyna ng Diamond kaya alam ko na hindi niya ito magagawa..
ELEN: Sana nga Janna...

SA KAGUBATAN..

ADHARA: Nasa akin na ang apat na mahiwagang bato...
HINAYA: Tama ka Adhara nasa iyo na ang apat na mahiwagang bato.
ADHARA: Hinaya ano ginagawa mo rito..
HINAYA: Upang pigilan ka sa mga binabalak mong kasamaan sa Encantadia...
ADHARA: Parang kasalanan mo ang lahat Hinaya. Sino ba ang nagbigay sa akin ng kapangyarihan dba ikaw..
HINAYA: Binigyan kita dahil kasama iyan sa kapalaran ng Encantadia.
ADHARA: Wala akong pakialam sa kapalaran sa Encantadia...

Naglaban silang dalawa ngunit ng gagamitin ni Adhara ang mahiwagang bato hindi niya ito magamit naalala niya tuloy ang sabi sa kanya ni Hinaya na hang'gat hindi niya nakukumpleto ang mahiwagang bato hinding-hindi niya ito magagamit. Ngunit ng inilabas naman ni Adhara ang kanyang espada natalo niya si Hinaya...

HINAYA: Magaling ka Adhara. Ngunit sinasabi ko sayo bawat plano dapat pag-isipan mong mabuti..

Umalis na si Hinaya...

ADHARA: Lapastangan talaga iyang Hinaya na iyan..
RUBIA: Ano yung ibig niyang sabihin na pag-isipang mabuti ang bawat plano mo Adhara...
ADHARA: Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ni Hinaya...

SA TAHANAN NI HINAYA...

HINAYA: Galang tulungan mo ako sapagkat magkakagulo sa mundo ng mga tao at sa mundo ng Encantadia..
GALANG: Bakit mahal na Sang'gre??
HINAYA: Sapagkat .....

ABANGAN...

TANONG: Sinong Sang'gre ang nakakaramdam na magkakaroon ng hindi maganda???

Thanks po sa lahat...
Sana supportahan nyo lang ang story ko...
Mga Friends ko gumaganap diyan...

ENCANTADIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon