HINAYA: Sapagkat natitiyak ako na gagawin lahat ni Adhara basta mokumpleto niya ang lahat ng mahiwagang bato..
GALANG: Napaka-tindi naman talaga ni Adhara..SA KAHARIAN NG JADE..
ALEXANDRA: Masisira na ang ating kaharian kung wala sa atin ang mahiwagang bato na atin pinangangalagaan..
ELEN: Sa tingin ko ay dapat natin kalabanin ang kaharian ng Diamond..
PERLA: Hindi dapat. Mabuti munang kausapin natin ang reyna sa Diamond kung ano ang nangyari at baka naman may dahilan kung bakit niya ito hindi naisauli sa atin..
JANNA: Sang-ayon ako kay Perla..
ELEN: Kung ganoon ay halika na. Pumunta na tayo sa Diamond upang kausapin ng masinsinan ang reyna doon..
JANNA: Elen at Perla kayo ang aking inuutusan na pumunta sa Diamond upang kausapin ang Reyna. Riko sumama karin..
RIKO (Pinuno ng kawal): Masusunod mahal na reyna..SA KAGUBATAN...
ADHARA: Ngayon Rubia sabihin mo sa akin kung nasaan ang mahiwagang bato ng Diamond upang makuha ko na iyon..
RUBIA: Huwag kayong magugulat sa sasabihin ko. Nasa aking kapatid na si Dianna ang mahiwagang bato ng Diamond at siya ay nasa mundo ng mga tao..
ADHARA: Mukhang mahihirapan tayo diyan ng kaunti..
RUBIA: Ano plano natin Adhara??
ADHARA: Pumunta ka sa kaharian ng Diamond upang kunin ang susi ng lagusan patungo sa mundo ng mga tao..
RUBIA: Huwag kayong mag-alala sapagkat may tutulong sa akin doon upang makuha ang susi sa lagusan..SA KAHARIAN NG DIAMOND..
KAWAL: May bisita po kayo mahal na reyna..
INANG REYNA: Saan sila nanggaling na kaharian??
KAWAL: Nanggaling daw po sila sa kaharian ng Jade..
INANG REYNA: Kung ganoon ay papasukin sila...
ELEN: Mahal na reyna ng Diamond..
INANG REYNA: Ano ang kailangan nyo sa akin???
PERLA: Nan dto kami upang kausapin kayo tungkol sa hindi pagbalik ng mahiwagang bato sa amin..
INANG REYNA: Hindi ko maintindihan ang sinasabi ninyo..
ELEN: Sinungaling.....
PERLA: Tama na Elen.. Mahal na reyna paumanhin sa nasabi ni Elen..
INANG REYNA: Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ninyo...
PERLA: Pumunta po kayo sa kaharian ng Jade at sinabi ninyo na tutulungan ninyo kaming alamin kung sino ang pumatay sa aming ina tapos sinabi ninyo na ibigay namin ang mahiwagang bato sa inyo upang gamitin sa paghahanap kung sino nga ang pumatay sa aming ina tapos sabi ninyo na ibabalik nyo rin agad ngunit nag-antay po kami ng matagal hindi nyo parin sinasauli sa amin ang mahiwagang bato namin..
INANG REYNA: Ngunit hindi naman ako pumupunta sa inyong kaharian at lalong hindi ko kukunin sa inyo ang mahiwagang bato..
ELEN: Sinungaling.. isa kang Lapastangan sa mga sinasakupan mo..
PERLA: Elen tumigil kana pakiusap kung hindi niya alam ang nangyayari may kutob ako na may nanggagaya ng wangis dito at sino kaya siya??
INANG REYNA: Tingin ko dapat natin alamin iyan. Hayaan ninyo tutulungan ko kayo upang malaman kung sino ang nanggagaya ng wangis dito sa encantadia..
PERLA: Salamat mahal na reyna..Umalis na sila Sang'gre Perla at Sang'gre Elen sa kaharian ng Diamond at bumalik na sa kaharian ng Jade...
SA KAHARIAN NG JADE...
ELEN: Dapat hindi mo siya pinaniwalaan..
PERLA: Sa tingin ko wala siyang alam sa nangyayari..
ELEN: Ayan na naman tayo lagi na lng sa tingin mo...
PERLA: Ehh ano gusto mong sabihin ko ha Elen..
JANNA: Tumigil na kayo walang patutunguhan iyang pag-aaway ninyo. Ngayon sabihin nyo sa akin kung ano ang sabi ng Reyna sa kaharian Diamond..
PERLA: Wala daw po siyang alam sa mga nangyayari. Sa tingin ko totoo ang kanyang sinasabi..
ELEN: Agad-agad ka naman naniniwala sa kanya ehh halata ngang nagsisinungaling siya ehh..
JANNA: Tama na Elen..
ELEN: Patawad mahal na reyna..
JANNA: Ngayon kung wala siyang alam sa nangyayari sino ang gumagawa nito at sa tingin ko gusto niyang kunin ang lahat ng mahiwagang bato sa encantadia..
ALEXANDRA: Nakakasiguro ako na matindi ang kalaban natin..
JANNA: Tama ka Alexandra kaya dapat natin itong paghandaan..SA KAHARIAN NG ZIRCON..
ZIA: Naiinip na ako. Kailan ba natin susugurin ang kaharian Jade..
HARING ARBOK: Huwag kang mainip Zia malapit na ang iyong ninanais na tagumpay..
GURNA: Mahal na hari may masamang balita po ako sa inyo. Wala na po sa kaharian ng Jade ang apat na mahiwagang bato sapagkat ninakaw po ito ng Reyna ng Diamond ngunit hindi po nila alam kung reyna ng Diamond nga ba ang nagnakaw ng mahiwagang bato..
ZIA: Ngayon kaawa-awa na ang kaharian ng Jade...
GURNA: Mayroon din akong masamang balita para sa iyo mahal na Sang'gre. Namatay na ang iyong ina sapagkat pinana siya ng hindi nakikilalang salarin....
ZIA: Ano ang aking ina.. Siguro nagluluksa ang mga kapatid ko samantalang ako nan dto gusto pang atakihin ang kaharian ng Jade na aking pinagmulan..
HARING ARBOK: Kung nagdadalamhati ka rito. Bumalik ka na sa kahariang pinagmulan mo...
ZIA: Huwag kang mag-alala Haring Arbok doon ko gagawin lahat ng aking plano...
HARING ARBOK: Siguro dapat ikaw ang mag hawak nito..Ibinigay ni Haring Arbok kay Zia ang mahiwagang bato ng Zircon. Pagkatapos nun umalis na si Zia sa kaharian ng Zircon at bumalik na sa kaharian ng Jade...
SA KAHARIAN NG DIAMOND...
RUBIA: Dada halika may ipapagawa ako sa iyo..
DADA: Ano iyon mahal na Sang'gre??
RUBIA: Linlangin mo ang aking ina upang makuha ko ang susi ng lagusan..
DADA: Ngunit mahal na Sang'gre...
RUBIA: Gawin mo ang gusto ko kung ayaw mong masaktan..
DADA: Masusunod mahal na Sang'gre...Sinunod nga ni Dada ang gusto ni Rubia na linlangin ang reyna upang makuha ang susi ng lagusan. Nilinlang na nga ni Dada ang reyna at nakuha naman ni Rubia ang susi ng lagusan at agad naman na pumunta kay Adhara si Rubia...
ABANGAN...
TANONG: Sino ang ginaya ni Adhara upang makuha niya ang mahiwagang bato sa mga Sang'gre sa Jade???
Thanks to all....
I love u guyzz...
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA
FantasyIto pong kuwento ko na ito ay hindi kagaya ng encantadia. marami po akong binago na sana magustuhan ninyo. Ginawa ko po ito para pasayahin ko kayo.. Sa bawat kabanata ay may tanong ako sana masagot ninyo.. Yung sagot ninyo i-comment na lng sa akin s...