Kuya and I (8)

1.2K 27 0
                                    


ROWAN TIMOTHY

Nandito ako sa office at bigla kong naisip Si Nielle.. Yung mga tanong 'nya....

Bakit kaya 'nya naitanong ang mga 'yun?!

"Kuya bakit hindi ako kasing talino mo?!"

"Bakit kaya hindi tayo magkamukha?!"

Biglang pumasok si Mr. Rosales.

"Sir Rowan, ang lalim po ng iniisip ninyo ah!"

"Ah wala 'to Mr. Rosales. Ano nga pala ang schedule ko ngayon?!"

"May meeting po kayo mamayang 2:00 pm them meron pa po tayong pupuntahan na meeting ng 5pm."

"Hindi ba pwedeng ipacancel yung 5pm na meeting ko?"

"Hindi pwede sir Rowan..Si sir Eron po ang kameeting ninyo..

"Wala kasing susundo sa kapatid ko Mr. Rosales e. Pero sige Tatawagan ko nalang 'sya para mag'tataxi nlng 'sya."

"Ok po sir. Balik nalang po ako mamaya. Ipatawag lang po ninyo ako kung may kailangan kayo."

"Sige.. Salamat!"






DANIELLE AYESSA

Late na akong nakarating sa klase ko. Sobrang traffic naman kasi tapos nagcommute pa ako. Kaloka!!

Naupo ako sa tabi ni Shane. Ang bestfriend ko.

"Bes, bat late ka?!"
Bulong 'nya sakin..

"Ikaw kaya magcommute.. Kundi ka ma'late bes!"

"Bat kasi di ka pa kinuhanan ng driver ng kuya mo. Ang yaman 'nyo kayang kaya ka 'nyang bilihan mg kotse."

"Di ki nga maintindihan Si kuya Rowan bes.. Ayaw ' yang may makakalapit na lalaki sakin. Mas gusto pa 'nyang ganito. Hay!"

"Naku, yan kuya mo nasobrahan naman na ata ng pagka'over protective sayo."

"Sinabi mo pa bes! Kaloka."

Break time namin, kaya nagpunta kami sa ilalim ng puno para maupo at magkwentuhan ni Shane.

"Bes, alam mo bang Nakakahiya ako kagabi.."

"Bakit naman bes?"

"Di ko kasi napigilan na magtanong kay kuya e."

"Anong tinanong mo bes?!"

"Kung bakit hindi ako kasing talino 'nya.. At kung bakit di kami magkamukha.."

"Halla!!! Loko ka bes.."

"Ang weird nga bes.. Parang di alam ni kuya ang isasagot 'nya.. Lalo tuloy lumalakas yung sense ko na di kami magkapatid."

"Hoy! Alam mo bes matindi na yang feelings mo sa kuya mo ah! Pati ganung bagay naiisip mo.."

"Kaya nga bes e. Di ko narin naiintindihan yung sarili ko. Naguguluhan na rin ako."

Maya'maya biglang nagring yung phone ko.

Kuya Rowan calling...

"Yes kuya.."

"Nielle, hindi kits masusundo mamaya may meeting kasi ako at baka ma'late ako ng uwi.. Magtaxi ka nalang ha.."

"Ok po kuya. Magtaxi nalang ako."

"Sige. Itext mo ako kapag nasa bahay ka na para di ako mag'alala."

"Yes kuya! Sige na po may klase na ako. Take care."

"take care Nielle!!"

Saka ko pinutol yung pag'uusap namin ni kuya.

"Tara na bes, may klase pa tayo."



Kuya And I (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon