ILANG buwan pa ang mabilis na lumipas, kabuwanan na ni Janina masaya na din sya kahit pano nakalimutan na nya si Alex.
Ganun din naman si Alex di man sila ni Pitch, naging malapit na sila sa isa't-isa. Naalala man nya si Janina di na gaano masakit sa damdamin nya.
"Boss gusto ko, kapag nakapanganak ka uuwi na tayo ng pinas."Bungad ni Drew habang nag-aalamusal sila.
"Drew papano yun mga check-up mo, di ka pa gaanong okey? Makaka paghintay ang kasal, anytime pwede natin gawin yon, ayokong bumalik ng pilipinas ng may alalahanin pa sa kondisyon mo." May halong pag-aalala sa boses ng dalaga.
"Im very okey Boss, gusto ko na talaga umuwi!" pilit naman ng binata.
"Drew, wag mo ipilit ang sayo!Kelangan uuwi tayo yun maayos na lahat!" Sadya ng dalagang taasan ang boses nya ng sa gayo'y, manatili si ang binata dito habang di pa gaano magaling.Ngunit biglang nag-iba timpla nito at....
"No Nina, uuwi na tayo sa ayaw at sa gusto mo!" sabay talikod ng binata. Ngayon lang nya nakitang nagpilit ng ganun ang binata. Inisip nyang naiinip na ito. At ng gabing yon di makatulog si Janina, biling baligtad sya ganun daw talaga ang malapit ng manganak.
Bumangon sya pinuntahan nya si Drew, para kausapin ng maayos at kumbinsihin ulit. Nasa pintuan palang sya ng kwarto nito, narinig nyang humahalinghing ang binata.
"Drew, bakit anong nangyayari sayo?agad nyang sinindihan ang ilaw upang makita nya ang binata. Inabutan nya itong nakabaluktot at sapo ang ulo!
"Drew, anong nangyayari sayo?Sigaw nya dahil di ito nagsasalita, di nya alam kung hahawakan ba nya ito o ano.
Narinig sya ng mga magulang ng binata kaya dali-dali ang mga itong nagsipasok sa kwarto nito.
"Drew, anong nangyayari sayo anak, magsalita ka?"Alala ng ama ng binata.
"Pa, ang sakit di ko na kaya tulungan nyo ko!"Nanginginig na si Drew at maputla.
Pinagtulungan nila itong dinala sa sasakyan upang dalin sa hospital. Iyak ng iyak si Janina.
"Calm down iha, baka mapano ka. Mahirap ng magsabay kayo ni Drew."Sabay yakap sa kanya ng ina ng binata.
"Ma, bakit ngayon pa? My god, protect him."Hagulgol ng dalaga.
Naririnig pa nilang sumisigaw si Drew sa loob ng emergency room. At matapos ang limang oras na ng pagsusuri kay Drew lumabas ang doctor at kinausap sila.
"Ililipat po sya sa ICU."Lungkot na sabi ng doctor. At sa narinig nila alam nilang malala ito.
Naupo na lang si Janina at hindi na nya pinakinggan ang iba pang sasabihin ng doctor dahil alam na nya ang dahilan.
"Nasa skull na po nya ang tumor, at apektado na ang utak nya. Ayaw ko pong magsalita ng tapos dahil dyos lang ang may alam ng mga susunod na mangyayari sa kanya. Lets just pray for him."Diretso ng doctor sa kanila. Hagulgol na pati ang ina ng binata. Diretso pumasok si Nina sa emergency room, lupaypay si Drew ng nilapitan nya.
"Drew, di ba sabi mo uuwi pa tayo ng Pilipinas pakakasalan mo ko di ba?"Iyak ng dalaga.
"Boss, uuwi naman tayo di ba, kasama mo akong uuwi yun nga lang yun kasal yata di ko na matutupad, im sorry boss."Hinawakan nito ang kamay nya.
"Promise me Drew hihintayin mo pang lumabas ang baby natin?"Hikbi ng dalaga.
"Oo naman,.hanggat kaya kong maghintay hihintayin ko sya."Tumulo ang luha sa mga mata ng binata.
BINABASA MO ANG
Sometime's Love Just Ain't Enough[completed/UNEDITED]
RomansaHigh school friend sila Nina at Alex...barkada! Magkasama sa mga kalokohan, saya, minsan pati sa mga secrets share lang sa isa't isa. At pito silang magkakaibigan, pero sila ang sobrang close sa isa't isa minsan daig pa nila ang aso't pusa. At ka...