Glimpse of Happiness

52 2 1
                                    

Pissed off ako nun dahil binasted ako ng nililigawan ko, so nag post ako sa FB ng status. After few minutes eh agad naming may nag message sa akin.

"anong ibig sabihin ng ___?" tanong niya, kasi my status wa witten in chinese. Di naman ako chinese but marunong ako kahit konti.

"ah. worthy ibig sabihin nyan... y? chinese k aba?" reply ko sa kanya. Dun nagsimula ang lahat.

"oo, phihiramin kita ng mga reference books ko para mas matuto ka" sabi nya sakin.

Ayun pinahiram nya nga ako. We're schoolmates pala. And I know him konti kasi friend siya ng best friend ko na chinese din. But hindi ko alam anong pangalan nya. Wala sa hinagap ko na kilalanin siya dati. I just see him around the school. Plain and simple. He's cute. Typical chinese, masyadong chinky ang kanyang mata, maputi. Hindi din naman ako pangit. I'm 5'8 medyo payat, maputi at matangos ang ilong. Marami ring nagkakagusto sakin sa school.

Naalala ko nasa office ako nun dati ng iabot nya sa akin yung mga books. Nagpasalamat lang ako and I continued on what I was doing. Asikaso kasi ako ng papers for the upcoming board exams.

Few days have passed and we kept on texting each other. Wala talaga akong nararamdaman na something special towards him. And I got irritated kasi panay ang texts niya buong araw. Hindi na ako nagrereply minsan.

Time na ng review naming nun. And I got busy hindi sa pastudy kundi sa paglalaro ng dance revo. Hehehe... Inaabot ata ako ng ilang oras kakalaro lang so always akong umuuwi ng pawisan at pagod. Gabi nun ng nagpaalam siya sa akin na mag iinuman daw sila with his friends dun lang malapit sa bahay at magtetext lang daw siya pag di nya na kaya. So sa isip ko, pakialam ko ba kung mag iinuman kayo. Ayun natulog na ako.

Around 3am nakagising ako dahil panay ang vibrate ng cp ko. Siya pala tumatawag, I rejected the call and the he texted me kung pwede ba daw ako lumabas sandali kasi may sasabihin lang daw siyang importante at medyo nawawala na daw siya sa lugar namin. I got really pissed off, alas 3 ng madaling araw eh mang iistorbo ka sasabihin na nawawala ka at may importante kang sasabihin. Ayoko naman ding mawala siya at lasing pa so I went out na kakabangon-from-kama-look. Then yun I saw him walking na pagewang gewang konti. Sabi ko lakad-lakad muna kami para mawala konti pagkalasing nya. We ended up sitting sa isang waiting shed. Medyo marami na din sasakyan ang mga dumadaan at maliwanag ang ilaw ng street light.

"ano yung sasabihin mo?" tanong ko...

"wala lang, ayoko pa kasing umuwi kasi baka tulog pa si mama" sagot nya. Gusto ko siyang batukan sa sagot nya. Ginising ka ng alas tres, pinalakad ka ng ilang kilometro tapos wala lang???

Nainis ako dahil ilang minutes na din kaming nakaupo at nakikinig sa mga nangyari sa inuman nila. Actually di ako nakikinig, tumatango lang ako sabay tawa pag tumatawa siya kahit di ko nagets yung kwento nya. Sinabi kong uuwi na ako dahil may review pa ako kinaumagahan nun. Mag aalas 5 na nun so wala pang araw. Sabi ko papasakayin ko nalang siya ng taxi. Ayun pagdating sa kanto ng bahay ay sumakay na siya ng taxi at pumasok na din ako. Nakahiga na ako nun at matutulog n asana ng mkatanggap ako ng text.

"I like you" sabi nya.

"you like me? Come on lasing ka lang dude" sagot ko

"hindi, gusto kita and I think I love you" sagot nya.

Di ko na siya nireplyan. Bigla akong naguluhan sa naramdaman ko towards him. Parang may spark kahit kanina lang inis na inis ako sa kanya. Gusto kong alisin yung nararamdaman ko pero parang bigla akong nahulog sa kanya.

"I like you too" reply ko sa kanya before ako natulog. Ewan ko ba bat nireplyan ko siya ng ganun

So ayun lumipas ang mga araw nagiging close kami. Parati kaming lumalabas para gumala. Naging best friend ko siya ng mga panahong yun. Ang bait nya talaga. Tinuruan niya akong mag chinese dati sa mcdo. Wala kaming pen nun so sa tissue at resibo kami sumusulat gamit ang ketchup. Pagsumasakay kami ng jeep, he would insert his hands sa bewang ko. Gumaganti din naman ako ng kasweetan na hindi masyadong halata ng ibang sumasakay. Pakunwari akong may ibubulong sabay amoy ng tenga nya at titingnan ko siya sa mata ng malapitan. Masaya yung mga araw nay un.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Glimpse of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon