Tatawa na ba ako? [One Shot]

97 1 0
                                    

Another One Shot Eh? Sa bigla akong nabored eh. :) Hope you will enjoy reading •Feedbacks are well appreciated.
Lahat ng dito ay katang isip lamang ng isang pambihirang weirdong manunulat.Kung nangyari na 'to sa totoong buhay aba congrats! Pero sa totoo lang kathang-isip lang to guise!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Pamela one igalaw ang katawan Pamela two kumembot ng ganito Pamela three-" I cut him out bago niya matapos ang kanta. "Can you Please Shut up?"Nakakainsulto na kasi. Ginagago niya ba pangalan ko?Yah, my name is Pamela, Pamela Parker.

"Kung ayaw ko anong gagawin mo?" tanong niya pa tapos inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at agad naman akong umurong "Kung di ka tatahimik? Hmm" sabi ko tapos umakto akong para bang may iniisip "Wala, wala akong gagawin sa'yo. Di kita papansin hanggang mamatay ka" sabi ko tapos umalis na ako sa rooftop.Iniistorbo kasi ako ng siopao na yun. "Uy, grabe naman siyempre joke lang yun" habol niya pa sa akin naglalakad na kami ngayon sa corridor papuntang room. At unfortunately, magkaklase kami. "Talaga. Nakakatawa ba yun, Grey?" tanong ko pa tapos binilisan ko nalang yung paglalakad ko para at least mauna akong makapasok sa classroom.

"Uy. Uy" sabi niya tapos sinusundot niya yung giliran ko. Di ko naman siya pinansin at nagtungo na ako sa upuan ko. "Pampam naman eh, walang ganyanan" alanganing sabi niya pero di ko pa din siya pinapansin. Nakita naman ng peripheral vision ko na kinausap niya seatmate ko. At parang alam niyo na kung anong nanyari umupo lang naman siya sa upuan ng kaklase ko na seatmate ko.

"Alam mo ba nandito kanina yung nanay mo?" tumaginting naman ang dalawang tenga ko. Siomai na maanghang napalingon naman ako sa kanya wearing my shock expression tapos siya naman ay seryosong seryoso pero bigla yun nag iba ngumiti siya ng malapad "Lumingon ka din." sabi niya pa. "Seryoso Grey pumunta si mom dito? Di ba siya nageskandalo?" kinakabahang tanong ko tapos nag peace sign siya at sinabing "Joke lang" seriously? WTF.

"Talaga lang ha. Pinipikon mo ako eh. Kahit bestfriend kita di ako mag aalanganing patayin ka" waring napataas ang boses ko at ramdam ko naman ang mata ng mga kaklase ko. "Hehe, okay lang basta ikaw pumatay sa akin. Malakas ka sa akin eh" sabi niya tapos tinaas baba niya yung mga kilay niya. Napairap naman ako sa dahilang iyon.

*

 "Sasama ka ba?" Tanong ni Grey sa gilid ko habang tinitingnan ko yung Activity bulletin. May activity kasi ngayong week *Full Force Activity* wag kayo masyadong OA ang gumawa ng title ng activity pero sa totoo lang camping lang yan. "Psh, di ako sasama may mas mahalaga akong gagawin ngayong week" sagot ko. May gagawin kasi ako report para sa Literature namin, isang journal. "Really like what?" tanong niya habang nakasunod nanaman siya sa akin. "Wala ka ng pakialam dun" sagot ko sa kanya tapos pumasok na ako sa library magbabasa lang ako ng libro about sa literature para meron namang ka appeal appeal ang gagamitin kong mga salita.

 Naghahanap ako ngayon ng mga libro sa shelf about nga sa literature. Ng may nakita akong interesting na title sa libro The Rising Stars of the Dark pero sa kasamaang palad di ko maabot. "Psh. Haha" rinig kong hagikhik ng katabi ko na hindi ko namalayang sumunod din pala sa akin dito sa loob ng library. "Gusto mo kunin ko?  Tingnan mo oh abot na abot ko" sabi niya habang hinahawakan niya yung libro. Tumango naman ako pero di ko aakalaing nginitian niya lang ako tapos binalik yung libro kung saan niya man yun originally nakalagay.

Tatawa na ba ako? [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon