SI AMAYA AT ANG PITONG DIWATA

625 3 0
                                    

MGA TAUHAN:

Amaya – ang sorpresang bisita sa bahay kubo ng mga diwata

Victoria-ang inggiterang madrasta ni Amaya na mahusay sa pangkukulam

Gardong Mangangaso-ang taong inutusan ni Victoria para patayin si Amaya

Nimfa ang Prinsesa ng mga diwata-ang nagturo ng tirahan ng mga diwata

Ang Pitong Diwata -ang magiliw na tumanggap kay Amaya sa kanilang bahay kubo

Bosing-pinuno ng grupo

Alice-pinakamasayahing diwata sa pito

Ana-hilig niya ang maghikab at matulog

Mia-sobrang mahiyain ng diwatang ito

Mikmik-bihira mo itong maririnig na magsalita

Ching-allergic sa lahat ng bagay kaya lagi siyang bumabahing

Suzie-animoy laging masama ang gising sa sobrang sungit

Tagapagsalaysay1

Tagapagsalaysay2

Tagapagsalaysay3

PANGYAYARI: Inutusan ni Victoria si Amaya na pumitas ng bulaklak sa kagubatan. Ang hindi alam ni Amaya ay may magaganap na pagbabanta sa kanyang buhay sa pagpunta niya doon. May pinagutusan kasi ang bruha upang ipaligpitang kawawang dalaga. Ngunit hindi nagtagumpay si Victoria sa kanyang balak dahil nahabag ang mangangaso kay Amaya dahil sa taglay nito kabaitan. Pinatakas niya si Amaya at nakarating sa pusod ng kagubatan sa sobrang takot sa mga nangyari. Nakilala niya doon ang prinsesa ng mga diwata na si Nimfa na nagturo sa kanya sa tirahan ng mga diwata.Samantala,pauwi na ang pitong diwata mula sa pagkuha ng mga halamang sangkap sa paggawa ng salamangka nang mapansin nila na bukas ang kanilang pinto at sa kanilang pagpasok ay napansin nila ang mga pagbabago sa loob ng kanilang bahay kubo. Nang tumuloy pa sila sa loob ng kanilang kwarto ay nagulat sila dahil may isang malaking nilalang na natutulog sa mga kama nila at dahil sa natakot sila ay akmang aatakihin na nila ang kawawang nilalang sa pagaakalang “kapre” ang natutulog sa kama nila. Sa sobrang ingay ng mga diwata ay nagising na ang nilalang, si Amaya pala ang kanina pa nakatalukbong sa kumot na mahimbing na nakatulog sa sobrang paglilinis ng bahay kubo. Nang mahimasmasan na ang mga diwata ay tinanong na nila si Amaya kung bakit at paano siya napunta sa kagubatan at dahil doon ay nalaman nila ang kalupitan ng madrasta ni Amaya at ang pagbabanta nito sa kanyang buhay. Naawa ang mga diwata sa mga naikwento ni Amaya at dahil doon ay pumayag na ang mga ito na tumuloy siya sa kanilang munting bahay kubo.

PAGSASALAYSAY:

(Madilim ang stage,nakapokus ang spotlight kay Amaya)

(Namimitas ng bulaklak si Amaya)

Tagapagsalaysay 1: Si Amaya ang kinikilalang pinakamagandang dalaga sa bayan ng Siquijor.

Mula nang pumanaw ang kanyang ama ay nasa pangangalaga na siya ng kanyang madrasta na

si Victoria—ang pinakamahusay ng mangkukulam sa kanilang lugar.

(itatapat kay Victoria ang spotlight)

Kinatatakutan siya ng lahat dahil taglay niyang itim na kapangyarihan.

(ibabalik kay Amaya ang spotlight)

Ngayon ay inutusan niya si Amaya na mamitas ng bulaklak para maisakatuparan na niya ang kanyang maitim na plano.

Amaya: Ang layo naman ng pinagkukunan ni Tiya Victoria ng mga bulaklak.

SI AMAYA AT ANG PITONG DIWATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon