PROLOGUE
"Ang tagal naman ng text niya."
Kanina pa ako naghihintay na itext niya ako. Busy siya, nandun na ko. Pero ngayon pa ba naman? Kainis ah. Sa sobrang busy ba niya, kahit ang special na araw na to, di pa niya matandaan?
Humiga ulit ako. Nasa kwarto ako. Noon, halos every night, tumatawag siya sakin. Nagbago lang lahat mula nang pumasok na siya sa Medical School. I sighed, feeling so alone.
Fifteen seconds, pag wala paring message, I'll delete his number.
Then my phone beeped. Na-excite ako. Sana siya na to!
1 New Message. I pressed "View", hoping that it was from him. But apparently, it wasn't. GM lang pala from my friend.
I browsed my contacts for his name and number. Cupcake. Press "delete"
Oh, ayan. Deleted na.
Pumikit na ako. Nahampas ko ang unan sa mukha ko.
How stupid, memorized ko pala ang number ng mokong na yon.
Natawa ako sa sobrang frustration.