Ang Hilig Mong Sumigaw (2)
"Zyrus!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.
Tiningnan ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses. Si pakipot guy lang pala.
"Sige." Sabi niya.
Tumingin naman ako sa nag-abot ng tubig sa akin na nangangalang Zyrus na ngayon ay nakatalikod at nagsisimula nang maglakad palayo sa amin at bumalik sa grupo niya. Pero bago 'yun...
"Sandali!" Tumigil siya at lumingon sa akin.
"Salamat."
Tumango siya sa akin at umalis na hanggang sa mawala sila sa aking paningin.
Doon ko na lang napagtanto na marami nang nakatingin sa amin.
-
"Where are you going?" Tanong sa akin ni Virgie nang papalabas na ako ng Cafeteria.
"Naku, Virgie, huwag mo akong ma-english-english ngayon. Wala ako sa mood." Sabi ko sa aking sarili.
Syempre, hindi niya na naman ako maiintindihan dahil tagalog ang pinagsasabi ko kaya sinabi ko na lang sa hangin.
"What?" Tanong niya.
Bumuntong-hininga na lang ako at...
"Ah, eh... nothing problem." Dumiretso na ako sa corridor.
"Are you going to the library?" Tanong ulit ni Virginian sa akin.
"Huh?" Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya kaya tumango na lang ako.
"It's a miracle." Pagkatapos ay tumawa siya nang sumabay sa akin sa paglalakad.
"What is the, you know... miracle?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang kahulugan ng miracle.
"Hahaha! It's because, this is the first time you are going to the library." Sagot nito. Tumahimik na lang ako.
So, ayun pala ang ibig sabihin ng miracle... pero hindi ko pa rin maintindihan maliban sa English, mahaba pa.
"I thought you are going to the library? We already passed it."
"Huh?" Gusto ko nang pagsampalin ng kaliwa't kanan si Virginia. Kanina pa nagdudugo ang ilong ko sa English niya. Paano ko nga ba siya maiintindihan kung hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya? Kalurkey!
Pero wait, paano din kaya kami naging magkaibigang dalawa? Another kalurkey!
Nang sumapit ang hapon ay agad na kaming umuwi.
"Bye, Ezra! See you tomorrow." Paalam niya sa akin at agad na umalis sa harapan ko pagkatapos ay sumakay na sa puting SUV nila.
-
"Ayaw ko nga, kuya! Pagod na nga ako sa school pagkatapos uutusan mo pa akong bumili ng diaper ng anak mo! Ano ka? Sinuwuerte? Kayo nga bumili sa tiyangge. Wala na nga kayong ginagawa dito sa bahay, kundi ang gumawa ng kababalaghan." Saad ko at tiningnan ang asawa niyang pulang-pula na ang mukha sa kahihiyan.
"Tapos, iste-stay mo pa ako sa tiyangge ng ilang oras. Ano 'to? Baboyan ang peg? Araw-araw na ngang nagtatampo 'yung sperm cells and egg cells niyo, tapos kahit ilang minuto lang hindi niyo magawang magtime-out?
Oh, ha? Wasak sila sa speech ko.
Ngumuso naman si Kuya. Nakahalf-naked pa ito.
Wala si Nanay ngayon dito sa bahay dahil nagtitinda pa iyon ng gulay sa tindahan.
"Sige na, bibigyan kita ng kapalit. Ano bang gusto mo?" Sabi niya at pinulupot ang kamay niya sa baywang ni Ate Erika. Bahagya pa nga itong nagulat dahil sa ginawa ni Kuya. Umirap na lang ako.
BINABASA MO ANG
Queen of Dulls #1 (MWLSM)
RomanceIsang babae na mas bobo pa sa iyo. Oo, tama! Sa sobrang kabobohan niya ay parang mahahawa ka na lang. Hindi mo namamalayan na paggising mo sa umaga ay bobo ka na at simpleng 1+1 ay hindi mo na alam kung ano ang sagot. Kapag binasa mo ito ay parang...