┗━━━━━━━ shishi ━━━━━━━┓
𝚍𝚎𝚌𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝟾, 𝚜𝚊𝚝𝚞𝚛𝚍𝚊𝚢, 𝟼 𝚙.𝚖.
Mali yung ginagawa ko pero yun lang ang alam kong paraan, eh.
Mula noong nawala ang erpats at kuya ko, akala ko wala nang kwenta ang buhay. Pinalaki kami navsagradong Katoliko pero kinuwestiyon ko ang lahat ng bagay na minsan kong pinaniwalaan. Siguro nadala rin ako sa mga sinasabi sa akin ng mga naging kasama ko noon.
"Wala namang Diyos. Kung meron, walang ganito."
Sabay hithit gamit ang tooter. Sabay kuskos sa gilagid. Sabay singhot. Sabay sindi ng marijuana.
"Nabuntis yung kapatid ko nang maaga. Anong sabi ng mga tao sa simbahan no'ng nagsimba kapatid ko na malaki ang t'yan? Oy, kasalanan 'yan. Susunugin ka sa impyerno. Pero noong may nag-cum laude silang ka-church, anong sabi? Salamat sa Diyos. Tang inang 'yan. Kapag mali ginawa mo, bahala ka na? Kapag maganda nangyari sa buhay mo, thank God? Kagaguhan. Pa'no ka maniniwala o sasamba sa gano'n? Gawa-gawa lang 'yan ng mga tao sa simbahan. Walang Diyos."
Hanggang sa naisip ko na wala nga talagang nasa itaas. Ulap, hangin, eroplano lang. Saka kalawakan pagkatapos. Pero nitong mga nakaraan, sarili ko yung kinuwestiyon ko kung tama ba yung ginawa ko noon.
Kasi naibalik naman sa akin, eh. Binalik sa akin ng kung sino man yung nasa itaas. Hindi nga lang yung mismong nawala dahil hindi na maibabalik yun, pero napunan yung pinag-alisan. Wala naman akong ginawang maganda o kakaiba, pero may biyayang dumating. Kaya baka mayroon nga. Baka totoo ngang nandoon Siya. Kasi hindi ko naman hiniling 'to dati. Kusang dumating. Baka naawa sa akin.
Pero nakakagago lang dahil ayaw na lang ibigay agad. Kailangan ko pang paghirapan. Parang asong tinutukso lang ako at unti-unting pinapatikim at pinapaamuyan. Ayaw na lang ibigay yung pagkain hangga't hindi ako nagiging good boy. Eh aso pa rin ako, eh. Paano ba magbabago yun? Eto na ako, eh.
Ang dami pa kasing gustong mangyari. Nandito na, eh. Pabayaan na lang sana na nasa akin na. Kaso ang dami talagang requirement. Kaya nakakagago.
Ngayon, nangunguwestiyon na naman ako.
Tang ina, pinagti-trip-an Mo lang ba 'ko?
Tuwing mag-aaway kami, yun lang yung naiisip kong gawin. Kasi bago siya dumating, yun lang naman ang mayroon ako. Kapag nawawala siya, yun lang din ang naiiwan sa akin.
Tang ina, ang gusto ko lang naman, sumaya.
Tatlong araw na akong nag-iinom. Mas gusto kong bumatak kaysa uminom, pero hindi niya gusto 'yon. Kaya eto, alak na muna ang sinamahan ko. Tulog lang ang pahinga ko. Tulog at gig at practice.
"Mukha ka nang zombie, tigilan mo na inom."
Hindi ko pinansin yung sinabing 'yon ni Warren kahapon. Tumugtog kami sa mall show sa Sta. Rosa pero sobrang basag na ako noong nasa bar na kami sa Cabuyao. Kaya si Warren na ang tumugtog kapalit ko kasi nakatulog na ako sa van. Hinayaan na lang nila ako. Humingi rin naman ako ng dispensa. 'Wag ko na lang daw uulitin, sabi ni Chico. Naiintindihan niya naman daw kaso sarili ko lang din naman ang ginagawa kong wasted. Inalok ako ni Clark ng omad pangpakalma, pero tinanggihan ko. Rumekta ako ng uwi pero uminom lang din ako ulit.
Gusto ko na siyang makausap. Gusto ko na siyang mahawakan ulit. Gusto ko na siyang mayakap. Kasi siya lang ang pahingang alam ko. Sa kanya lang ako nawawalan ng takot o hinala sa mundo. Kasi parang ligtas ako kapag nasa tabi ko siya.
Pero natakot ako. Natakot akong lumapit kasi baka lalo ko lang masira. Baka hindi kami magkaintindihan. Baka sumabog na lang bigla. Baka mawala. Ayoko siyang mawala.
BINABASA MO ANG
Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETED
Chick-LitA chaotic people-pleaser. A hot-headed bruiser. And a clusterfuck of a school year. ∘ ⸻ ∘ Dee Yurieva only wishes to forget the sudden disappearance of her boyfriend and the misery he has left behind by transferring to a new school to start afresh...