Clarissa's POV
Day 5
Umuulan.
At sa kinamalas-malasang malas, wala akong dalang payong.
Pero sa kinaswerte-swerteng swerte ko, nakasabay ulit kita sa sinasakyan kong jeepney nung araw na yun, at gaya ng dati may dala ka na namang gitara, nakabrushed-up ang buhok, suot ang uniform ng school na pinapasukan mo, at nakikipagkwentuhan sa driver ng jeep na tila ba matalik kayong magkaibigan.
Habang ako haggard, at bitbit ay isang malaking illustration board na gagamitin sana namin sa isang group project. Pero alam mo yung nakakatuwa? Ngumiti ka sakin kahit hindi mo ako kilala and vice-versa, at yung best part? Bago ka bumaba sa jeep ay binigay mo pa sakin ang dala mong payong at tatakbong bumaba ng jeep kahit na kalakasan ng ulan.
Is my heart supposed to pound twenty minutes straight after that incident?
Day 6
Kasabay na naman kita pero di gaya kahapon, hindi na umuulan. At katabi na rin kita sa upuan.Gusto ko sanang ibalik sayo yung payong kaso naiwanan ko pala sa bahay.
Tumingin ka sakin at ngumiti, hinihintay ko pang itanong mo sakin ang tungkol sa payong mo pero hindi mo ginawa. Bakit ba ang bait mo? At bakit ang namamasa ang kamay, namumula, at ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko?
Napansin mo na yata ang kaba at pamumula ko kaya tinanong mo na ako,
"Okay ka lang?" Napatango ako at lalong namula, ang ganda ng boses mo. "Baka nilagnat ka dahil sa ulan kahapon, " Naka-kunot na yung noo mo pero ang gwapo mo pa rin, at talaga palang naaalala mo pa ako?
"Hindi, okay lang talaga ako." Sagot ko. At gaya ng payong na naiwan ko sa bahay, iniwan mo rin ako sa jeep na naguguluhan at maraming gusto sanang sabihin,
Gusto na yata kita.
Day 8
Absent ka ba kahapon? O sa ibang jeep ka lang napasakay?
Ito ang gusto kong itanong sayo, pero iba ang sinabi ko.
"Ito nga pala ang payong mo, thanks." Basag ko sa katahimikan sabay abot sayo ng payong nang hindi tumitingin.
At gaya nga nang sinabi ko, gustong-gusto kong magtanong. Pero sino ba naman ako? Ako lang naman ang babaeng kalimitan mong nakakasabay sa jeep, nginingitian at minsan nang pinahiram ng payong, wala akong karapatan lalo na't ni hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan mo.
"Itago mo na yan, baka umulan pa sa mga susunod na araw." Hindi mo alam kung paanong nagpaulit-ulit ang mga sinabi mong yan sa utak ko hanggang maka-uwi ako. At kung paanong ang labindalawang salitang sinabi mo ay sapat na upang mabuo ang araw ko.
Day 9
Wala ka ba talagang balak magpakilala sakin? O wala ka lang talagang pake?
Baka naman pinaasa ko lang ang sarili ko...
Napatingin ako sayo at hinintay kang lumingon upang ngitian ako, na ginawa mo naman.
Pero walang salitang lumabas mula sayo,
Dahil gaya nung una kitang nakasabay sa jeepney, tahimik ka na naman.
Hindi mo alam, pero gustong-gusto kitang kausapin noong araw na yun.
Ngunit hindi ko alam kung paano gagawin, sisimulan at iindahin ang pamatay mong ngiti na lagi mong ibinibigay sakin.
Day 24
Umuulan na naman.
Tama ang hinala mo, maaaring umulan pa nga sa mga susunod na araw.
Pero wala ka, at may payong na akong dala-dala.
It's been what? 19 days simula nung huli tayong nagsabay sa jeep.
At gaya ng parati, hindi mo na naman alam, hindi mo alam kung gaano akong nagsisisi na hindi man lang naitanong sayo ang pangalan mo o nagawang makipag-kaibigan man lang."Manong, kumusta ang buhay?" Awkward man pero sinubukan kong makipag-kwentuhan sa driver ng jeep hanggang maisali kita sa topic. Close kayo ni manong diba?
Pero mind-reader yata si manong dahil nagawa nya agad mahulaan kung anong gusto kong itanong.
"Siya ba?" Tanong niya.
"Po?"
"Yun bang lalaki kako, na madalas sumakay rito sa jeep ang gusto mong itanong sakin?" Si manong sabay tingin sa rearview mirror, at ngumiti ng makahulugan sa akin.
Napatango ako bilang sagot,
"Sa pagkakaalala ko, nasabi sakin ng batang yaon na sila'y lilipat na ng bahay." Napa-tunghay ako bigla sa sinabi niya. "Pero hindi ako sigurado sa narinig ko, matagal na kasi nung sinabi niya yun sakin, at isa pa umuulan nun kaya hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya sakin." Yun lang at nagkaroon na naman ng katahimikan sa jeep.
Napatingin ako sa mga kasabay ko. Umaasang makikita kita, pero wala talaga.
Umalis kana pala.
Hindi mo man lang sinabi,
At sa dinami-dinami ng gusto kong itanong at sabihin sayo,
Wala ni isa ang nagawa mong sagutin man lang.Day 25
"Miss!" Papalabas na ako ng school na pinapasukan ko nang bigla akong makarinig ng isang pamilyar na boses.
Shit gets real. Ganun na ba kita naiisip at boses mo na lang ang laging naririnig ko?
Lumingon ako upang tingnan kung sinong sumigaw, at laking gulat ng makitang nga ikaw yun. Bakit?
Dahil gaya ng dati, bitbit mo na naman ang iyong gitara, naka-brushed up ang buhok, nakangiti, pero iba na ang suot mong uniform.
Uniform ng school na pinapasukan ko.
Pero mas laking gulat ko ng isakbit mo sa balikat mo ang dala-dala mong gitara at kumanta,
Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
Di makapaniwalaParang...
Parang may hiwagang nadama
Nang tumama sa'yo
Ang aking mga mataAt nagsiksikan na
Dahil tumigil ang jeepney
Sa tapat ng eskuwelaBiglang nagkadikit
Puso ko'y biglang sumikip
At natulalaSabi nila'y walang hiwaga
Kung wala'y
Ano itong nadaramaAyoko nang pumara kahit san mapunta
Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumaraAyoko nang pumara
Ayoko na
Kung ikaw ang kasamaDahilan para matulala, mamula, at ma-estatwa ako sa kinakatayuan ko.
"Miss..." Ikaw sabay ngiti sakin. "Ako nga pala si Emerson, ikaw?"
***
Song Title: Jeepney Love Story by Yeng Constantino