"Hoy!. . . .Cristina!. . . . ." pasigaw na sabi sakin ng kaibigan kong si Sandra
"Ha?" ang tanging nasagot ko
"Ha ka jan?! Kung binabatukan kaya kita jan ha? MARIA CRISTINA SELENDRA! Kanina pa ko salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig!........Hays, ANU BA?!!!"
"Ha?"tanging sagot ko lang ulit na hindi lamang nagawang lumingon
"Aba't talagang iniinis mo ko ha" hindi ko lang siya pinansin pero biglang may nagpasama ng aura ko
"Anu ba Sandra! Umalis ka nga jan"
"At bakit ako aalis? E dahil sa kakatingin mo dun! (sabay turo niya sa kanina ko pang tinitignan) nagmumukha akong baliw na salita ng salita wala naman palang kausap!Kaya NO WAY! HINDI AKO AALIS! *smirk"
"Haist!" sabay tayo ko ng mabilis at punta sa likuran niya kung nasaan ang bintana para tignan ulit sana ang kanina ko pang tinitignan. Pero. . . . . .
"ASAN NA SIYA?" sabi ko sa sarili ko pero napalakas ata kaya't nagtinginan sakin lahat ng kaklase ko. Naistorbo ko pa yata sila, kaya't
"(^_____________^)" sabay peace sign ko na nagpabalik na sa kanya-kanya nilang ginagawa
Kinuha ko naman agad yung bag ko at lumabas ng classroom para pumunta ng canteen. Break Time pa naman, pero papalabas pa lang ako. . . .
"Tinay, kung makagora bombom ka naman parang wala kang kasama" komento ni Sandra pero inirapan ko lang siya. Ay ewan naiinis ako sa kanya, harang-harang na kasi sa bintana nawala tuloy si Love of My Life Ko
"Ok fine. Alam ko na yang astang yan. Sige antayin na lang kita sa next subject natin, kung san ka mang lupalop pupunta mag-ingat ka, Tanga ka pa naman. HAHAHA" tawa pa niya. Kahit kelan 'to, naiinis na nga yung tao nagagawa pang tumawa. Pero sanay na yata kasi to sakin, the moody part of me.
Naalala ko yung sightseeing ko kanina. Hehe, Ang gwapo niya talaga, kahit sabi ni Sandra Weird daw. Porke't matalino weird agad. Pero bakit kaya tila ang lalim ng iniisip niya kanina. . . .
Sa gitna ng pagmumuni-muni ko may narinig akong parang nagtatalo sa may vacant room sa may malapit sa hagdan ng second floor pababa sa ground floor. Nasa 3rd floor kasi ang room namin at yung canteen nasa ground floor pa ng kabilang building kaya normal lang na dumaan ako dito. Hindi ko na lang sana papansinin pero may narinig ako na nagtulak sakin na patuloy pang makinig kaya't lumapit ako sa may likod ng pinto para hindi ako kita at mas naririnig
"Aldritch. Don't do this. Please, patawarin mo na ako. Hindi ko sinasadya"
"Hindi mo sinasadya? Really? May hindi ba sinasadyang pangalawang beses na? Ha Gliezel! At kung may balak ka pang gawing tatlong beses yang HINDI MO SINASADYA na linyang yan. Sorry but I won't allow you anymore. Tama na yung naging tanga ko at pinayagang lokohin mo ng dalawang beses."
"Aldritch. . . . ."nagsusumamong sabi ng babae
BINABASA MO ANG
Pagtingin (One-Shot)
Short StoryHindi lahat ng bagay pinaplano. Minsan kailangan mo lang to "GO WITH THE FLOW" dahil kadalasan yang mga bagay na hanggang tingin mo lang NOON e sayo na pala NGAYON! All rights reserved. No part of this story may be reproduce or transmitted in any fo...