Suzette POV
Naglalakad kami ni Diane papuntang room dahil may ibabalita ako sa bestfriend naming si Joanna.
Nang makapunta kaming room, nagpalinga linga ako para hanapin sya pero di ko makita.
"Oy sino hanap nyo?" Sabi ni Rachel. Kaklase nya.
"Ahh. Hinahanap namin si Joanna, nandyan ba sya?" Sabi ni Diane.
"Ha? Eh wala sya eh, sinundo ni Raphael" sabi nya.
"Si Raphael? Yung boyfriend ko?" Sabi ko ng may halong pagtataka. Kasi kung dinaanan ng boyfriend ko si Joanna eh di sana dinaanan nya din ako.
"Oo. Yung boyfriend mo. Ang alam ko nasa garden sila ehh. Kakikita ko lang kanina." Sabi nya na parang nalulungkot.
"Anu ba yan di man lang nanghintay. Bwisit." Sabi ni diane na halatang nabwisit.
"Ahhh. Ganun ba? Sige salamat." Sabi ko saka nagpaalam sa kanya.
Habang naglalakad kami ni Diane, naiisip ko pa rin kung paano makatingin sakin si Rachel. Parang puno ng awa ang kanyang mga mata. O baka naman napaparanoid lang ako. -____-
"Oy bessy mamaya na natin hanapin yung dalawa gutom na ako ehh?"sabi ni Diane na parang inip na inip na.
"Mamaya na! Kailangan muna nating hanapin si Raphael at Joanna" Sabi ko
"Oo na!"sabi nya tsaka umirap. Meron siguro to ngaun.Mainit ang ulo eh. Hahaha.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang may sumira ng katahimikan.
"Bessy, anduga mo hindi mo manlang sinabi. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang kung kailang aalis ka na?! Ang selfish mo! Di mo man lang sinabi samin agad eh di sana mas nakasama ka pa namin ng mas matagal"sabi ni Diane, na nag sisimula nang umiyak.
Ow shit! Pano nya nalaman? Magsasalita na sana ako ng bigla nyang dinugtungan.
"Kaya ka*sniff* pala nagkakaganyan these past few days. Kala mo ba hindi ko *sniff* napapansin? At tska matagal ko nang alam yang tinatago mo. Hinihintay ko lang *sniff* na ikaw mismo ang magsabi samin. Pero bakit ngayon lang kung kailang *sniff* huli na?" She said between her sob.
Wala na akong nagawa kundi pakawalan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Alam mo kung bakit? Kasi ayaw ko na mag alala kayo sakin. Kasi ayaw ko na maawa kayo sakin. Mahal na mahal ko kayo na mas gusto ko ako lang yung makaranas ng sakit na mararamdaman nyo. Kasi importante kayo sakin. Kasi mahal ko kayo."sabi ko
Habang umiiyak ako at nakatungo ay nakaramdam ako ng may yumayakap sakin.
"Sshh. Tahan na *sniff* wag kang mag alala. Hindi naman ako galit sayo. I just wanna know the reason kung bakit di mo sinabi samin. Salamat sa lahat ng pagmamahal mo na ibinigay mo sa amin ha? Hinding hindi ka namin makakalimutan. Just always remember that we're always by you're side no matter what happen. Wag mo kaming kakalimutan ha?" Sabi nya at nag hiwalay na kami sa yakap.
"Oo tatandaan ko lahat ng sinabi mo." I said while wipping my tears.
"Oh, sya tama na ang drama. Puntahan na natin yung dalwa." Sabi nya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Bigla naman akong natawa. "Drama bang? Ikaw nga dyan ang madrama. Tulo uhog ka nga dyan."sabi ko.
"Hindi ah! Ikaw kaya yun."
Nagpatuloy lang kami sa pag aasaran at pagtatawanan.
That's what I like about her. She always understand my situation.
BINABASA MO ANG
It's Too Late (One Shot)
RomanceA love that is worth fighting for. A person that will take the risk even if he will hurt.