Naalala ko yung pagmamahal na akala ko magtatagal,
Alam kong dapat mg sumuko, alam ko na dapat ng kalimutan ang matatamis mong mga ngiti tuwing ang pangalan ko ay iyong nababanggit, alam kong dapat nang bitawan ang alaala na parang lamat na nakadikit sa isip at puso, alam ko. Pero iba ang 'alam ko' sa 'kaya ko'Minsan napapaisip ako kung totoo ba. Totoo bang naging akin ka kase para sa akin para kang munting panaginip nang minsan akong maidlip at pagising ko wala ka na sa aking tabi, na para bang hindi ka naging akin.
Tanggap ko, oo. Tanggap ko na napalitan mo agad ako, tanggap ko na hindi mo ako naipaglaban, tanggap ko na hindi moko pinahalagahan. Tanggap ko. Tanggap ko pero masakit parin. Alam mo kung bakit? Tinuruan mo ako kung paano maging bulaklak, maging isang napakatingkad na pulang rosas pero ikaw rin pala ang takot sa mga tinik na akong kaakibat....bigla mo akong binitawan....iniwan.
Ayaw mo ng komplikado, sabi mo. Pero bakit lahat ng bagay nakaya kong gawin para sayo? Bakit pag dating sakin bitaw agad? Ikaw na nagsabi sa akin na 'kapit lang' ang mismong nagsabi ng 'tama na....itigil na natin 'to.'
Naalala ko yung pagmamahal na akala ko akin lang.
Hindi ko pinakialaman yung telepono mong tumutunog, hindi ako nagduda sa mga "all boys kame", hindi ako nagtanong kung sino kasama mo kagabi....sa party. Hindi ako humadlang sa pakikipagkita mo sa dati mong kaklase. Matagal kayong hindi nagkita, sabi mo. Kaibigan lang siya, sabi mo. May boyfriend siya, sabi mo.
Ang buong akala ko akin ka lang. Mahirap palang mabuhay sa 'akala.'
Akala ko ako lang.
May iba pa pala.