Nadine's POV
Kakatapos lang namin maglaro sa Timezone. Super enjoy na enjoy kami ayy este--- SILA. Yes! Sila lang ang nag-enjoy. Nagsawa sila kakalaro. Ako? Ayun, taga hawak ng kanilang tokens na napanalunan bawat games nila. Hindi lang tokens pati na din mga bags nila ay hawak ko din. Seriously, yaya nila ako? Ate yaya ganon? Aish.
"Ano? Okay pa kayo?" tanong ko sa kanila
"Okay pa naman ate." sabi ni Naomi
"Ikaw, Ezequiel?" tanong ko kay Ezequiel
"Ngayon ko lang na realize na sobrang nakakapagod pala.Grabe!" sagot ni Ezequiel
"Ngayon mo lang na realize na sobrang nakakapagod maglaro? Hala, ano ka alien?" birong sabi ko sa kanya
"Alien agad agad? Ate. Pssh" sabi niya
"Hay nako! Isaiah, ikaw kaya pa?" tanong ko kay Isaiah
"Ito buhay pa naman at humihinga pa ate." sabi ni Isaiah
"Kumain na lang tayo para naman mabawasan ang inyong pagod. Kayo naman kasi kung makapaglaro, wagas! Parang hindi kayo pinaglalaro." sabi ko sa kanila
"Yehey! Foods!" masayang sabi nila
"Saan niyo gusto kumain?" tanong ko sa kanila
"Pizza Hut!" suggest ni Isaiah
"Ayoko sa Pizza Hut! Gusto ko sa McDonalds!" sabi naman ni Ezequiel
"Jollibee!" sabi ni Naomi
"Kumain na tayo kahapon sa Jollibee diba, baby bunso?" sabi ko
"Opo. Sige, sa iba na lang muna tayo kumain." sabi ni Naomi
"Alam ko na! Sa favorite buffet restaurant na lang tayo kumain." sabi ko sa kanila bigla naman silang napangiti dahil alam nila ang tinutukoy ko.
"VIKINGS!! WHHOOO!" masayang sabi nilang tatlo
**************
James' POV
"James, ingat sa pagmamaneho ha.." bilin ni Tito Dong sa akin
"Opo, tito!" sabi ko at nginitian siya
"James! Alam mo na ha.." sabi ni Tita My sa akin
"Opo." natatawang sabi ko sa kanya
"Tito Dong and Tita My, thank you for everything." sabi ko sa kanila at nginitian sila
BINABASA MO ANG
She's my Real Wife (JaDine FanFic)
FanfictionSabi nga nila.... "WALANG SIKRETONG HINDI NABUBUNYAG..." Kaya lahat lahat yan MABUBUNYAG! "Anong ibig mong sabihin?"