3

24 0 0
                                    

"Nakita mo ba si Ariane?"

"Hindi e. Bakit?"

"Nagaaway kasi si Third Vasquez at Marco Evasco."

***

Nasaan nga ba si Ariane? Ayun nasa library, naka earphones at nagrereview sa may dulong bahagi ng lib kung saan puro physics book ang nasa tabi niya. Nakasandal sya habang minememorize ang mga dates at names. Nakalagay sa bulsa nya ang cellphone kaya di nya malaman na may nagtetext na pala sakanya. 

Si Chelsy naman sobrang inis dahil hindi nya matagpuan si Ariane. Kanina nya pa kasi kinukulit si Aki kung nakita nya pero panay lang ang kibit balikat nito. Anong problema Akira Kieth? Bipolar lang? Ugh.

Tuloy nakita sya ni Bryan Ricafort. Ang kinaiinisan nyang kapitbahay nila.

"Hoy sinong namatay, Chelsy Ramos?" 

"Ikaw. Angal ka?" Tuloy tuloy na lang sya sa paglalakad. Hindi nya alam kung saan sya dadalhin ng kanyang paa. Hindi na din kasi sumabay si Aki sakanya. 

"Oo. Patay na patay kase ako sa'yo e. Eww lang."

Napa-argh na lang siya. Kahit ano naman kasing sabihin nya talo pa din sya. Nakakainis lang kasi, si Bryan Ricafort 'tong nasa tabi nya no! Hello! Mainis ka talaga kapag bwinisit ka nito. Kulang na lang mamatay ka sa inis dahil sa pambubully nito.

"Tigilan mo ko. Ang panget mo."

"Wow. Nahiya naman si Dang sa'yo no?" Napatigil tuloy sya. Sino ba si Dang? Malamang girlfriend nitong ulol na nasa harapan nya. Dang Marcelino - perfect girlfriend din 'to e. Kaso 1st yr college na 'to sa UST. Med Tech student. Magandang morena. Kaso medyo masungit. Kaya ilag tuloy ang iba sakanya. 

"Shattap Bryan Ricafort. Babangasin ko na mukha mo pag di ka tumigil."

Inambangan nya tuloy ito sa pagsuntok. Hindi naman natinag si Bryan. Lakas talaga ng sapak.

Nagpatuloy na lang ulit sila sa paglakad.

"Selos ka pa din ba kay Dang? Naman o, Chelsy. Ilang bwan na, move on!!" 

"Heh! Tigilan mo ko sabi e. Nakakainis ka na. Pwede ba, pls."

"Aminin mo nga sa akin. Mahal mo pa din ba ako? Kasi ako patay na patay na patay na patay na  sa'yo. Pwe."

"Gago. Umalis ka na nga. Leche ka."

"Dali na. Aamin ka nga lang. Minsan lang 'to. Dali habang wala pa si Dang. Amin na."

"What the f-ck! Isa pa Ricafort makakatikim ka na sa akin."

"Sasabihin mo lang naman na, 'Oo na leche ka Ricafort pero mahal pa din kita' Tapos."

"Tangna mo. Gagu. Sinong papatol ulit sayo?"

Ngumiti naman si Bryan, "Si Dang, malamang." Lakas ng loob! 

"Ulol. Magsasawa din yun sa'yo. Gago ka pa naman. E matalino yun? Malamang alam na nya kung anong problema sainyo. At ikaw iyun, Ricafort. Ikaw lang."

"Di ka pa din talaga move on sa akin Ramos. Halata pa ding bitter ka sakin."

Napa-sigh na lang sya. Tama na. Gaguhan na 'to. Kanina pa sya naiinis sa presensya ng lalaki. Napaka hambog. Simpatiko. Nakakainis. 

The Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon