Kate.Lutang akong nag lalakad ngayon papuntang school.
Tumawag kasi sina mom na babalik na daw sila ng Pinas from States next week.
Hindi alam ni mom na umalis ako sa dati kong school at sumama sa bakla kong pinsan para dito mag aral sa Stanford High.
"Ano kaya ang sasabihin ni mom pag nalaman nyang dito na ako nag aaral?" tanong ko sa sarili ko.
Anak ng..
Muntik na akong mapatalon ng may bumusina na sasakyan sa likod ko kaya nilingon ko 'yon.
"Hi Berry my friend! Goodmorning!" bati nya sabay kaway ng kamay sa ere na parang bata kaya natawa ako.
"Hi Skipper.. Goodmorning din"
"Sumabay kana sakin Berry" ayan nanaman yung Berry na yan eh!
"Naku wag na..nakakahiya naman"
"Sus.. Ngayon kapa nahiya na magkaibigan na tayo! Sumakay ka na dito, malalate na tayo eh"
Wala akong nagawa. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka sumakay sa front seat.
Etong si Skipper naman ay tawa ng tawa. May pa ayaw-ayaw pa daw ako
Napatingin ako sa rear mirror ng sasakyan. Nakita ko ang lalaking estudyante rin na nakaupo at naka tingin lang sa bintana.
"Skipper, sino sya?" Bulong ko kay Skipper.
"Ow, I forgot to tell you. Sya si Ezi, Ezikel Venencia. Member din sya ng Big 5, and kasama din sya namin ni 'MAJIMBO' ng makita mo kami sa mall" pag didiin nya saka tumawa.
May topak yata to eh -.-
Napatingin ako kay Ezikel.
"Hi" bati ko sakanya pero tinignan nya lang ako kaya itinuon ko nalang ang atensyon ko sa daanan.
"Hayaan mo na sya Berry, hindi maganda ang gising nya eh" bulong sakin ni Skipper saka tumawa.
Ilang minuto din kaming nasa byahe hanggang sa nasa parking area na kami ng school.
Nang maipark na ni Skipper ang kanyang sasakyan ay agad na lumabas si Ezikel.
"Bro, mauna na ako sa loob. May pupuntahan pa ako eh" walang ganang sabi nya kay Skipper saka agad na umalis.
Anong problema nun?
"Berry, hindi ka ba binubully sa classroom nyo?" tanong nya saka sumandal sa BMW nyang sasakyan.
Tskk..halata talagang mayaman.
"Huh? Hindi naman..bakit?"
"Wala lang..basta pag binubully ka sabihin mo sakin ha. Diba friends tayo Berry? Hihi"
Tumango naman ako, agad syang kumalabit sa kamay ko na parang bata kaya lihim akong natawa.
"May itatanong sana ako sayo Skipper" sabi ko saka seryosong tumingin sakanya.
"Ano yon Berry?"
"Bakit Berry yung tawag mo sakin?"
Sandali syang natahimik saka tumawa.
"WAHAHAHAHA!" anong nakakatawa dun?
"Ano ba Skipper? seryoso ako eh"
"Haha! Hindi mo talaga alam Berry? Diba binangga mo si Boss nung nasa mall tayo? Tapos dumikit yung straw'BERRY' icecream mo sa tshirt nya..kaya simula nung araw na yon, Berry na yung tawag ni Boss sayo kaya sumunod na din kami"

YOU ARE READING
THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIES
RastgeleSiya si Maxwell Seik, ang uniko-hijong anak ng mga Stanford na may ari ng pinaka malaking paaralan sa Luzon, Ang Stanford High. Mayaman at gwapo si Seik kaya habulin sya nang mga babae. Si Seik ang tinaguriang Casanova King sa Stanford High ngunit...