Chapter V

0 0 0
                                    

Louise Pov

Sinabi ko kay Chris na sabay kaming papasok kaya agahan nyang humising dahil susunsuin nya pa ako.

"Boyfriend kaba ni Lulu" sabi sakanya ni Kuya na aking nakita noong tinungo ko ang living room.

"Hmp. Naku Chris , wag mo pansinin yan si kuya , wala lang tulog yan"

"Anong wala? Kagihing ko lang !" Pag alma ni Kuya Louie na as usual, shirtless at laging naka boxer, favorite nya nga yung Pokemon design ng Boxer nya eh, suot nya ngayon :'D

Habang si Chris ayun nakatulala lang samin!

"Wow! Its a miracle" may pag takip pa ko ng bibig noong sinabi ko yun!

"Tsk! Bilisan mo ng umalis , hinihinay ka na ng bf mo?"

"Di ko po sya bf"

"Sus!" Sabay pasok sa kwarto nya.
Agad ko naman tiningnan si Chris, naka ngiti lang sya ,
"Anong nginingiti - ngiti mo dyan ha?" Tanong ko ng may pagka-mataray.

"Wala naman ang cute nyong magkapatid" sabi nya sabay tayo sa pagkakaupo.

"Tara na nga pumasok na tayo"
Hindi ko masyadong binati ang suot nya pero, infairness ! Pogi talaga itong crush ko na ito eh! Ayieee hahaha! Naka white kaming t shirt pareho, required naman yun every friday sa school namin eh, at di din kami aattend ng full class kasi mag papractice kami! Bagay lang sakanya dahil fitted na v-neck white shirt ang suot nya.

"Tahimik ka ata?" Tanong nya, habang nakasakay kami sa jeep

"Bakit ikaw ? Nagsasalita ka?" Tanong ko naman, diba nga kasi di naman sya mahilig magsalita?

"Syempre may bibig ako" ay? Marining mamilosopo! Iniimbarda ako nito ah

"Alam ko may bibig ka" pagtaaray ko.
Narinig ko naman ang pagbungidngis nya, grabe ang cute nya tumawa, para syang si Lee min-ho pag tumatawa.

"Bayaran mo pamasahe ko ha!" Sabi nya, na ikinagulat ko naman, na ikinatuwa ko din.

"Haha AYOKO NGA" pagtanggi ko

"Wala kang magagawa" pagkasabi nun ay saktong tumigil ang jeep sa harap ng school namin , at agad-agad na bumaba si Chris.

Mukha ngang wala akong magagawa kundi bayaran ang pamasahe nya.

Hinabol ko sya hanggang sa makarating kami sa school!
"Walangya ka napagod ako sayo!"

"Ay sorry na po! HAHAHAAHA!"
At hinalakhakan pa ko! May pagka makulit pala sya, akala mo tahimik lang lagi at parang wala sa sarili, pero ang totoo, makulit talaga sya, masayahin at....... POGI.

"Oh em! Sinesung yang otoko na kasemay mo?" Si Herbert na agad akong nilapitan.

"Sino pa? Edi si Chris ! TADAAAA" nag gesture ako na para iprenisent ko ang akong Obra Maestra.

"Really?"

"Uhuh!"

Hinila ako ni Herbert hindi kalayuan kay Chris.

"Punyeta kang babae ka! Ang galing mo, ang pogi at ang angas ng dating ng Nerdy na yan! Putangina , naninigas ang anesuwap ko"

"Bastos ka baklang dumi! Akin na yan! Dautera ka talaga"

"Malay ko bang ang pogi ng otoko na yan"

Kumalas ako sa pagkakakapit ni Herbert! At agad akong bumalik kay Chris.

"Pumasok na nga tayo sa klase natin"
Tinanong ako ni Chris kung ano ba daw pinagusapan namin ni Herbert ! HAHAHA Wala naman be, sabi ko lang akin ka. Charooot!

Malayo ang upuan namin ni Chris kaya nahihirapan akong sipatin sya.
Mendoza kasi sya at ako naman Ocampo.

Pag tinitingnan ko sya , umaasa ako na sana tinitingnan nya din ako! In love na ba ko sakanya?

"Hi Maam, pwede na po ba naming i-excuse ni Mendoza at Ocampo, ito po ang excuse letter from, Dance Troupe!" Sabi nung ka member namin! Lumabas na kami ng class room ni Chris

"Ano ready ka na na? Aayusin natin yung sayaw natin?" Tanong ko.

"Kinakabahan ako eh, baka di ko magawa ng maayos" sus! Nagawa mo na nga ito dati eh! Bakit ba ang hina hina ng loob nya!

"Kaya mo yan, bakit ba iniisip mo lagi hindi? Wag kang palaging kabahan"
Tumango lang sya!

"Cause lovers dance when
theyre falling inlove"

Sayang nasa chorus na kami eh, kaso napatigil sya bigla.

"Ano ba ng problema?" Tanong ko.

"Hindi ko ..... Kasi .... Paano kung, live na? Paano ako haharap sa tao? Paano kung..... Magkamali ako? Paano kung di ako magaling?"

Malungkot ang mukha nya! Nag aalangan nga sya na baka magkamali sya lalo na at first time lanv nya!

"Bakit ba ganyan ka mag isip? Bakit di mo kasi muna i-try?" Hinawakan ko ang pisngi nya, at inangay ko ang ulo nya, at ayun nga... Eye to eye kami, "Isipin mo nalang na kaya mo, kasama mo naman ako eh"

Is he feel the way im feeling too? Is he feel this dugdug.... DUG DUG.... DUG DUG of my heart?

"Louise....." Di na nya natuloy sasabihin nya

"So magtititigan nalang kayo dyan? " pagpapapansin ni Bakla. "Wala ng sayaw ganun? Wala ng show? Harutan nalang? Oh tara! Harutan tayo!"

Panira ng moment ito si bakla eh! Muntanga! Wai pag support! Yun na eh! Teka? Ano nga pala sasabihin nya?

Ibinaling ko ulit ang tingin ko sakanya... Nagulat ako nung paglingon ko sakanya, nakatingin padin sya sakin?

"Ah---ba----bakit?" Ani ko.

"W--wala" bumitaw sya sakin.... "Paki-ulit nung tugtog!" Sabi nya.

Napatungo ako at napa isip. Napakahirap naman basahin ng utak ng lalaki na ito. Noon pa , nakikita ko syang sumusunod at , minsan ay nakatitig sakin, halata namang interesado sya sakin, pero bakit ganun? Parang takot sya?

Naramdaman ko ang pag hawak nya sa bewang ko, pero ako patang robot na di makakilos!

"Parang ikaw naman ata may problema ngayon?"

"Wala yun, nakalimutan ko lang yung step, sorry! Sige na, ulitin nalang ulit"

Sana naman manligaw ka na , wag kang torpe!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All about usWhere stories live. Discover now