Part One..
ISANG UMAGA habang nakaupong umiiyak si Alexa sa ilog. Hawak niya ang teleponong kanina pang hawak. Pilit kinakalma ang sarili dahilan sa pasya ng kaniyang Ama.
Bigla niyang naisip ng kaibigan kaya nag type siya.
"Bakla nasaan ka? Gusto ko ng kausap.. Pakiusap, puntahan mo 'ko dito sa ilog." Huminto muna siya sa pag type. Naninikip na naman kasi ang dibdib niya kaya hinayaan niya ang sariling humagulgol ng iyak bago magpatuloy. Doon walang makaririnig at makakakita sa kaniya, "Pigilan mo 'ko Lhira, talagang magpapakamatay ako!" Kung binibigkas lamang niya iyon tiyak pumipiyok na siya.
Kanina pa kase nanakit ang dibdib niya. Parang sasabog sa sakit na nararamdaman dahilan sa isang malaki at madaliang pagpapasya ng kaniyang Tatay.
"Bakit ganoon si Tatay?" ulit na type niya sa cellphone ng pagbalingan niya ulit ng atensyon, "Hindi 'man lang niya naisip ang damdamin ko kung papayag ba 'ko sa desisyon n'ya?" sabay pindot niya ng 'okay' para mag send iyon sa kaibigang bakla.
Mabilis naman itong nag reply..
"Bakla!! Huwag na huwag mo'ng gagawin 'yan! Isang malaking kasalanan ang magpatiwakal!" reply naman nito.
Mag rereply pa sana siya ng may dumating ulit na text message..
"Napaano ka ba kase? Naku Alexa! Baka gutom lang 'yan at nagda drama ka?" tiyak kahit hindi niya ito nakikita, nagagawa nitong umikot ang dalawang mata sa mga nirireply nito sa kaniya..
"Basta kase bakla! Pumunta ka dito! Kung hindi ka kaagad darating, hindi muna ako maaabutang buhay! Mawawalan ka ng isang mabuting kaibigan!" reply niya na may halong pananakot sa kaibigang bakla.
"Ano ba kase problema mo, Alexa? Puwedeng mamaya na? Puwwdeng pagkatapos nito pupuntahan kita? Alam mo naman marami akong costumer pag ganitong oras! Alam mo 'yan bakla!" tila ba sa reply nito ay may pagka inis.
"Sige, pag nagtagal ka magbibigti na 'ko Lhira!" umiiyak pa rin sabi ni Alexa sa pagka type.
"Gaga! Nakabwibwisit ka talaga bakla! Hala! Sige hintayin mo 'ko at tutulungan pa kitang magbigti! Bruha na 'to! Ano ba kase ang problemang pinagsasabi mo? Ano bang desisyon na sinasabi mo tungkol sa Tatay mo? Kahapon umiiyak ka kase gutom na gutom ka! Ngayon heto ka na naman at umiiyak ulit, dahilan sabi mo magbibigti ka! Ano ba talaga bakla?!" naiiritang halata sa type nito sa text message.
"Bakla pigilan mo si Tatay! Ako ang ibabayad niya sa intsik na kinauutangan niya! Bakla hindi pa ako handa sa ganoong bagay! Baka puwedeng ligawan muna lang ako?" At mabilis niyang sinend iyon.
Tiyak sa pagka send niya iyon, natitiyak niyang napapa ngiwi ang labi nito.
"Ang dugyot mo Alexa! Anong ligawan na pinagsasabi mo? Tadyakan ko kaya mani mo! Malandi ka! Letche na 'to!" Klamang ung naririnig niya ang pagkakabigkas nito sa text, tiyak maarte nitong binibigkas ang mga sinesend nito sa kaniya.
"Bakla, sige na puntahan mo 'ko dito.." pangungulit niya. Hindi kase siya mapakali sa nararamdaman ng dibdib niya. Gusto niya nang may makikinig sa k'wento niya.
"Bakit ganoon naman bakla ang Tatay mo? Kung hindi lasing ngayon araw, maghapon naman nasa sugalan tapos ngayong lumaki ang utang, ikaw ang ibabayad! Ano 'yon panakip utang?"
"Bakla sabi ni Tatay kung mahal ko daw sila, papayag daw ako na maikasal sa gusto niyang lalake para sa 'kin." Tila batang nagsusumbong ang pagkakasalaysay niya sa kaibigan kahit ba sa text message lang niya nasabi 'yon.
"Alexa mahirap 'yan! Saka hindi mo naman mahal yung tao! Paano ka papayag sa ganoon? Ano? Susunsundin mo 'yong Tatay mo para masabing mahal mo sila?"
Napahinto siya sa pagtype, itsurang nahihirapan. Segundo at kusang nagtype ulit ang daliri niya. "Di, ganoon na nga! Magpapakasal kahit hindi ko gusto 'young tao! May magagawa pa ba 'ko? Pagkatapos ko'ng magpakasal sa lalakeng iyon kukuhanin ko yung pera tapos ibibigay ko kay Inay, pagkatapos 'non magbibigti na 'ko kase hindi ko talaga maaatim na halikan ako ang bulldog na 'yon! Bakla natatakot ako sa intsik na 'yon!" matapos niyang maisend, lalong bumilis ang pag daloy ng luha niya.
"Tsk… Tsk… Naawa ako saiyo Alexa, pero bakla.. Pareho tayong walang magagawa sa desisyon ng Tatay mo."
"Bakla may naisip ako! Sabihin ko kaya na boyfriend na kita? Na naging totoo ka ng lalake ka ilang araw na."
"Bruha! Ipapahamak mo pa 'ko! Ayoko nga! Kung ano-ano na pinagsasabi at pinag iisip mo! Tagain pa 'ko ng Tatay mo!"
"Best friend ba talaga kita?" Sa pagka send niya iyon halatadong nadismaya siya sa pagkakasabi.
"Alexa mahirap ang nasa isip mo! Saka kilala ako ng Tatay mo."
"Sasabihin ko naging lalakeng kana…. " Nararamdaman niyang hindi makukumbinsido ang kaibigan kaya patuloy pa rin sa pagluha ang kaniyang mga mata.
"Alexa Gonzales, keri 'yan, ikaw pa! Alam ko, matalino ka, mapagmahal sa kapatid at magulang pero wala na talaga tayong magagawa, kung lalaban tayo sa Tatay mo makakalaban natin s'ya."
Hindi nagtagal tinatapos na niya ang pakikipag text sa kaibigan. Wala naman magandang hahantungan iyon kaya nagpasya na lang siyang magpaalam.
Si Lhira ay isang bakla, matalik niya itong kaibigan at kababata. Ito lamang nag iisa niyang kaibigan na itinuring niyang kapatid.
Pagkahakbang pa lamang sa loob ng bahay nila lakas loob niyang hinarap ang Tatay niyang naka upo sa sala. Susubukan ulit niya itong kausapin sa gusto nito.
"Tatay puwede po bang makausap kayu kahit sandali?" Sabay naupo sa tabi ng kaniyang Tatay na nasa mahabang upuan na gawa sa kahoy.
"Ano yun?" Mabilis na sagot nito pero hindi 'man lang tumapon ng tingin sa kaniya.
"Tatay mahal na mahal ko po kayo ng mga kapatid ko," umpisang sabi niya at nag umpisa na rin lumuha ang kaniyang dalawang mata, "Pero 'Tay kaya ko na pong magtrabaho, puwede ako'ng mag apply ng trabaho sa Manila."
"Puwede Alexa! Deretsyuhin muna ako kung ano ibig mong sabihin! Nakaka storbo ka sa pagpapahinga ko!" Bulyaw na sabi nito.
"Tatay ayaw ko po sa intsik na 'yon!" Lakas loob na sambit niya.
Nilingon siya nito ng may galit sa mukha. Inaasahan naman niya iyon, "Alexa 'yan ba ipapalit mo sa amin ng Nanay mo?! Humihingi ako sa'yo ng tulong! Ngunit ayaw mo! Paka isipin mo Alexa! Malaking tulong ang magagawa mo!" hiyaw nitong pagpapa intindi sa kaniya, "Pag naikasal ka sa intsik na 'yon makakabayad na tayo ng utang at magkakapera pa tayo ng mas malaki, tapos mababawe na natin 'yung lupang nakasangla sa kaniya idagdag pa na giginhawa pa ang buhay natin. Naiintindihan mo ba? Kaya huwag ka ng mag inarte dahil para sa 'tin lahat ito. Huwag kang maka sarili!" bulyaw nito sa huling sinabi.
"Tatay madami pong paraan. Magtatrabaho po ako tapos babalihin ko na po 'yong isang taon kong sahod unti- unti makaka bayad po tayo ng utang. Gagawin ko po iyon Tatay huwag lang po ako maikasal sa intsik na 'yon." hindi na niya napigilan humagulgol sa harapan nito.
"Tapos na ang disisyon ko Alexa! Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka kay Mr: Kim Yin Chu!" Namumula sa galit na asagot nito dahilan sa pagpupumilit niya sa gusto.
Walang nagawa si Alexa kung hindi tumango na lamang sa Ama at 'di nagtagal pumasok na siya sa kuwarto upang matulog na lamang. Tiyak naman niyang hindi siya mananalo sa gusto ng kaniyang Ama kahit pa anong paliwang niya.
To be continued..
BINABASA MO ANG
Run Away Bride (Edited) Completed ❤
General FictionSynopsis: Maganda, maputi, matangkad at laking probinsya si Alexa. Ang kapalaran ay ang magbabayad sa napakalaking utang ng kaniyang ama kay Mr: Kim Yin Chu. Sa kaniyang pagtakbo upang takasan ang kasal na napagkasunduan ng ama at ng taong pinagkaka...