Chapter 1: First Day of School

42 1 2
                                    


Ken Alferos: Isang 17 years old na teenager, laking Amerika. (Guwapo, Mabait, Matalino at higit sa lahat Maka Diyos)

Selena Alferos: Ang nakababatang kapatid ni Ken, laki din siya sa Amerika. (Maganda, Humble at Napakabait na bata)

Silvia and Danilo Alferos: Ang Parents ni Ken and Selena.

Ken POV:

First day of school ngayon, kinakabahan ako kasi isa akong transferee, wala man lang akong kakilala sa bagong school na papasukan ko. 11th grade na ako at napagdesisyonan kasi ng parents ko na mag-stay na muna for good sa Pilipinas. Meron kasi kaming Company Business dito. Galing kami sa Sacramento California, doon kami pinanganak ng kapatid ko at lumaki, pabalik-balik lang kami sa Pilipinas for vacation. Ilang buwan palang ako dito sa Pilipinas pero miss ko na ang Cali, yung malamig na weather, tapos yung pagiging independent ko, madalas kasi kaming dalawa lang ng kapatid ko ang naiiwan sa bahay parati kasi nasa work sila mom and dad, at higit sa lahat yung mga friends ko. Ewan ko ba kung bakit kasi nila naisip na mag stay dito sa Pilipinas ok naman yung negosyo namin dito, habang wala kasi kami before si Uncle Sam ang namamahala ng Real Estate Company namin. Feeling ko tuloy parang mas ok pa na nasa Cali kami, kasi may work pareho sila mom and dad tapos ngayon focus nalang sila sa negosyo sa Pilipinas which is ang pagkakaintindi ko is mababawasan ang income nila, pero ewan ko ba wala na rin naman na akong magagawa sa desisyon nila eh just go with the flow nalang siguro.

Silvia: "Ken bangon na, first day ng school mo ngayon you have to get ready na, for sure traffic nanaman yan mamaya. Ipapahatid ko kayo kay Bogart at didiretso na kami ng dad mo sa office marami kaming dapat asikasuhin pa doon."

Ken: "Okay mom, coming..."

Silvia: "Gisingin mon a rin ang kapatid mo. Naghain na si manang ng pagkain niyo sige alis na kami ng dad mo late na kami." Sabay kiss niya sa akin sa forehead.

Pumunta ako agad sa room ng kapatid ko, tama nga hinala ko kanina pa gising at nakikipag usap sa mga friends nya sa Cali.

Friend1: "Hey Selena we miss you so much. Come back here asap!" Sad face reaction.

Friend2: "That's right Selena you better come back here very soon."

Selena: "Sorry girls but I still don't know when we are going back there, actually it's my first day of school, so I think we're living here for good now."

Bigla akong nakisali sa usapan nila....

Ken: "Selena the breakfast is ready, we should eat now we have to leave the house early, because the traffic here in the Philippines is so harsh unlike in Cali."

Selena: "Ok girls! Bye for now TTYL! Coz I need to get ready for school. Miss you and love you all! Muwahh!!!"

After noon, agad na nag sign out si Selena sa Oovoo.

Selena: "Nasaan sila mom and dad kuya?"

Ken: "Ah, umalis na kanina pa nagmamadali eh siguro maraming silang gagawin kaya hindi kana nila napuntahan sa room mo kala kasi ni mom tulog ka pa eh."

Selena: "Sayang naman hindi ako nakapag-paalam at nag-kiss sa kanila." Sabay Pout.

Ken: "Ok lang yun later pag uwi nalang natin for sure naman nandito na sila later eh."

After naming kumain ni Selena, nagready na kami at pumunta na sa school. Hinatid kami ni kuya Bogart siya yung family driver namin mula ng umuwi kami dito sa Pilipinas a few months ago. Hindi naman masyadong traffic kaya ayon dumating kami ni Selena na sakto lang ang oras.

Ken: "Kuya thank you po sa pag drive! Sa uulitin, ingat po kayo pauwi sa bahay."

Bogart: "Salamat Ken, good luck sa first day niyo sa school!"

Pagkababa namin ni Selena sa sasakyan pumasok na kami sa school, malaki din ang school na napasukan namin at sobrang daming tao, isa daw kasi ito sa mga respetadong school dito sa Manila kaya ganon, marami talaga ang nag e-enroll dito.

Ken: "Selena you already know what is right and wrong ha. Don't trust so easy to anyone this is a new place to us hindi ito Cali."

Selena: "Yes kuya alam ko naman yun, sige po una na ako." In-hug niya ako and sabay kiss niya sakin sa cheeks.

I went to my designated class room at ayon nga nakalista yung name ko sa tablet sa labas ng room so dito nga talaga ang homeroom ko. Habang pumapasok ako sa loob kabadong-kabado ako, hindi ko talaga alam ang gagawin kaya pagka-upo ko sa upuan ko nag-pray ako kay Lord na gabayan niya ako for the whole day. Maya maya may dumating na faculty staff.

Faculty Stuff: "Good morning everyone I will be your adviser for this school year. My name is Mrs. Edora."

After niya kaming batiin ng good morning, binati rin namin siya and then nag check siya ng attendance. After ng attendance pinatayo niya ang mga transferee para ipakilala daw namin ang aming mga sarili since karamihan naman sa lahat ng classmates namin magkakakilala na. Maya-maya turn ko na para magpakilala:

Ken: "Hi my name is Ken Alferos and I'm 14 years old. I just came here in the Philippines a few months ago and I used to live in Sacramento California. My parents decided to move here because they need to supervise our company business."

Mrs. Edora: Okay, so let's welcome Mr. Alferos.

Student1: "Wow naman, may bago tayong classmate ah. Imported galing America."

Student2: "Baka naman ma-nose bleed tayo nyan kung makapag english kasi my american accent" Sabay tawa nilang dalawa."

Mrs. Edora: "Enough both of you guys. Mr. Alferos don't mind them."

Ken: "Don't worry, nagtatagalog naman ako eh. Kahit na lumaki ako sa states, pinalaki kami ng parents ko na tagalog ang salita sa bahay, para kahit papaano if ever daw na mag move kami dito sa Pilipanas hindi kami ma-left out or ma-out of place ng kapatid ko. Kaya ayun dumating na nga yung time na dito na kami titira." Tapos nginitian ko silang dalawa.

Mrs. Edora: "Very well said Mr. Alferos, ayun naman pala nagtatagalog naman pala eh, kaya kayong dalawa be nice to him." Sabay bulong ni Mrs. Edora na: "Mabuti nalang at muntik na akong maubusan ng english kanina ha."

Tapos biglang tawanan yung buong class. All in all, naging maganda naman yung outcome ng first day ko sa school na ito. Masaya itong section na napasukan ko at kahit first day ko pa lang I feel that I'm really belong here.

Now That I Have You (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon