Marj's POV.Bukas na ang Alis namin dito sa beach resort. Inistalk ko nga pala si Ricky , kung saang room siya ganun. Kung kumakain ba siya ng maayos.
Tinetext ko siya , tinatawagan pero wala eh. Busy siya kasama yung higad na yun .Binasa ko ulit ung mga tinext ko sa kaniya.
"Good morning Love , kain ka ng break fast ah. Wag ka papagutom. Love yah !"
-sent ; sept. 24 ,2016 ; 5:45 am"Love! Kumain ka na ba ? Ligo ka na ah ! Miss you love "
-sent ; sept. 24,2016 ; 6:01 am"Love , pasyal lang kami nila Cassio ha ?"
-sent ; Sept. 24,2016 ; 6:18"Love , musta ka na ? Reply ka naman diyan "
-sent ; Sept. 24,2016 ; 6:24"Miss you love "
-sent ; sept. 24 ,2016 ; 6:35"Love , uso magreply. Kanina pa naghihintay ang kagandahan ko "
-sent ; sept. 24,2016 ; 6:40"LOVEEEE!!!! "
-sent ; sept. 24 , 2016 ; 7:05"Love kausapin mo naman ako oh "
-sent ; sept. 24,2016 ; 7:38"Love please ? "
-sent ; sept. 24 ,2016 ; 7:49"Love ?! Hihi nakita kita nagswimming. Andito ka din pala sa beach resort ni Mr. Lastimosa kahapon ko pa nalaman. Gusto ko kasi ikaw mismo magsabi. Nakita ko din yung kasama mong girl. Sino siya love ?"
-sent ; sept. 24 ,2016 ; 8:00 am"Wag ka ngang magpakamartyr diyan. Kung iniwan ka na , hayaan mo. Napakarami namang lalaki dito sa mundo , di ka mauubusan uyy " biglang singit ni Cassiopeia. ..
"Kanina ka pa diyan ? Nagulat ang kagandahan ko" sabi ko para di na siya magtanong.
"Oo. At nabasa namin lahat ng mga tinext mo. My God ! Ang mga magaganda Marj , Hindi martyr. " sabi ni Iris.
Teka , shooooockss naman. Nageemote ako dito tapos bigla bigla silang darating.
"What happened ba kasi ?" Tanong ni Shaney.
"Subukan mong magsinungaling samin Marj , sinasabi ko sayo. Sige , kwento ! " Utos ni Mariko.
"Oo na !" Sabi ko na lang at ayun nga
kinwenento ko ng bonga ang nalaman ng kagandahan ko...masakit man sinabi ko na wala na kami ni RickyRicky's POV
Binasa ko lahat ng messages niya. Gustong gusto kong replayan siya pero Hindi pwede. Marami ang nakabantay sa bawat galaw ko. Kaya nga dito ko pinili ang pagbabakasyunan namin ni Zely kasi alam kong andito si Marj. Boyfriend ako ni Marj since highschool then si Zely , unica hija ng business partner ni Daddy. Since ako din ang nagiisang anak ng mga Shi at para daw di na kumalat ang kayamanan ng pamilya Yie at Shi , kami ni Zely ang magpapakasal ayaw man namin o gusto namin.
"Rick ? Let's go there oh !" Masiglang pagaanyaya niya sakin.
"I dont. All I want is to stay here" sabi ko.
Alam ko naman na may gusto sakin tong si Zely , umamin na kasi siya sakin dati pero yun nga kami ni Marj at wala akong balak ipagpalit siya.
Nakadungaw lang kasi ako dito sa bintana habang tinitignan si Marj na nakaupo sa bench at humahagulgol sa iyak
BINABASA MO ANG
The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION)
HumorPunong puno ng drama. May action at comedy din itong story na ito.