ANDREA'S POV
"Bakit 'di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan?"
Yan ang tanong na bumabagabag pa rin sa isip ko. Bakit ba kasi may mga taong kailangang masaktan at magdusa? Bakit may mga taong kayang tiisin na manakit ng ibang tao? Bakit?
Hello! I'm Andrea Ramos, 17 years old. Malapit na ako mag18! HAHAHA sa January 25 na! Ang tangi ko lang hiling sa birthday ko ay makapunta ang crush ko na si Andrei hahaha. Joke lang. Sana maging successful ako balang araw at sana laging healthy ang aking buong pamilya. Yun lamang po Lord! Amen!
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit anong aking gawin, 'di mo pa rin pansin
Bakit ba narinig ko na naman ang kanta na yan?! Naalala ko tuloy yung mga panahong napapanood ko pa ang movie nina John Lloyd at Sarah hahaha.
"Andreaaaaaa. Hinihintay ka na ng papa mo sa baba. Bumaba ka na. Baka malate ka"-mama-
Ayun bumaba na ako at nagpaalam na kay mama papuntang school. Lagi kaming sabay ni papa na pumasok. Hinahatid niya muna ako sa school bago siya magpunta sa office. Hindi kami masyadong close ni papa at mama. Ewan ko ba. Ganito ba kapag lumaki kang introvert? Hays
7:50am pa lang pero nasa school na ako. 8:30am ang start ng klase ko. Since maaga pa naman, tatambay muna ako sa veranda. Dito ko talaga pinapalipas ang oras ko tuwing maaga ako sa school para makapag-isip-isip.
May nauna pa sa aking tumambay dito? Srsly? Wait si Andrei ang kasama ko dito sa veranda ah! Shet. Anong gagawin ko?
ANDREI'S POV
Hi! I'm Andrei Garcia! 17 years of age. 2nd year student taking up BSA also known as Bachelor of Science in Architecture. Actually dapat tourism ang kukunin ko e kaso pinigilan ako ng kuya ko. Ang tanging hiling ko sa birthday ko sa September 25 ay sana magkagf na ako. Hindi naman sa nagmamadali ako. Wala lang. Gusto ko lang maexperience yung pagkakaroon ng gf na maalaga, maalalahanin, basta. Nakatingin lang ako sa magandang view dito sa veranda ng may babaeng naupo malapit sa akin. Si Andrea. Oo kilala ko siya. Siya lang naman ang pinakaayokong kablock ko kasi ang mahiyain niya. Ayoko sa babaeng mahiyain tapos basta.
"Hoy Andrei! Anong masama sa pagiging mahiyain ha?! Palibhasa kasi ikaw walang hiya"-author-
"Author, basta. At saka fyi, hndi ako walang hiya ha! Dun ka na nga"-ako-
**riiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnggggggggggggg!*
"Hello tol! Ano tara mamaya shot tayo!"-Kenneth-
"Naku tol, alam niyo namang hindi ako umiinom at isa pa, bata pa ako"-ako-
"Patawa ka naman tol! Sige na! Magtatampo kami sayo sige ka"-Kenneth-
"Gago tol! Nakalimutan mo ba?! Grounded ako this month"-ako-
"Kaya ka nga iniimbitahang uminom para matakasan mo muna yang problema mo. Bakit mo ba kasi ginawa yon?"-Kenneth-
"Sige na. Sasama na ako mamaya"-ako-
"Sige tol! Kitakits!"-ako-
Pagkababa ko ng phone ay napansing kong nakatingin si Andrea sa akin. Shit! nakalimutan kong dalawa pala kami dito sa veranda. Akala ko kasi mag-isa ko lang e. Akala ko kasi mag-isa na naman ako.
"Ano huhugot ka na naman Mr. Hugot?"-Andrea-
"Wala kang pake Ms. Mahiyain"-ako-
Tumayo siya at nagwalk-out. Anong problema non?
BINABASA MO ANG
Signs from Heaven
RomanceHanda na ba kayong magbasa ng love story na may lamang hugot?! Kung ganon, basahin niyo na lang ito :)