Nagising ng maaga ang dalaga at agad na tinulungan sa paghahanda ng agahan ang kanyang lola. Nagulat sya ng makita na naroon na si Brittany at naghahanda rin kasama ng kanyang lola.
"Ang aga mo naman Brittany,ako na tutulong kay lola sige na" bati nya ng makitang bising-busy ito.
"No,I'm going to prepare something para kay Matt alam kong may hang over sya paggising"
"Hindi mo naman dapat intindihin 'yun eh. Ako ng bahala"
"Gianna,we've been together for how many years. So,I know what food or drink he want when he's having his hang over. So let me do this kind of stuff"
"Pero--"
"Hayaan mo na sya apo,kung ayan ang gusto nya. Bakit mo pipigilan? Tulungan mo na lamang ako sa ibang gagawin sige na"Napasapo na lang sa ulo nya si Gianna. Kasi dapat sya ang gagawa niyon hindi ba? Ewan nya ba kay Brittany kung bakit lagi nalang inuungkat ang mga tungkol kay Matt at sa sarili nito. Hindi naman kailangan ipamukha na mas matagal ang pinagsamahan ng dalawa.
Sya ang nagsangag ng kanin. Maging ang nagtimpla ng kape at naglagay ng mga plato,kutsara't tinidor sa hapag kainan. Saktong alas 8 ng umaga ng bumangon ang dalawa. Pupungas pungas na lumabas ng kwarto ang magkapatid habang hihikab hikab at uunat unat si Philip."Good morning hijo!"
Bati ng matanda habang nagsasalin ng ulam na kanyang niluto.
"Good morning po lola"sabay na bati ng dalawa.
"Good morning Matt. Upo ka na dito. I prepared something for you!" tuwang tuwa na sabi ng dalaga habang hinihila sa upuan ang binata.
"What is this?"tanong ng binata.
"Its your favorite breakfast when your having your hang over. I still remember that!"
"You don't have to do this"
"I have to! Pagbigyan mo na ko. Kainin mo na 'yang soup na ginawa ko and yung coffee na itinimpla ko for you"
"Okay okay. Thank you"
Uupo sana si Gianna sa tabi ni Matt ng biglang umupo roon si Brittany.
"Come on guys! Let's eat!"
Walang nagawa ang dalaga kundi lumipat at doon sya tumabi sa bakanteng upuan kung saan sa tabi ni Philip.
"Pinaghirapan kong gawin yan Matt. Alam mo ba kung gaano ako kaaga bumangon para dyan? So how was it?" Pagbibida ng dalaga habang tinititigan ang binatang katabi nya.
"It was just a simple soup. Stop bragging about it Brittany"malamig na sabat ng binata na noo'y hinahalo ang kanyang kape na si Philip
"Is it good or nah?"patuloy na tanong ni Brittany at hindi man lang pinansin ang sinabi ni Philip.
"It's fine as always"simpleng sagot ni Matt. Si Gianna naman ay tahimik lang na kumakain at halos hindi tumingin sa dalawa. Ewan nya ba at medyo naiinis at nagtatampo sya sa nakikita nya. Sino ba namang hindi? Pero kailangan nyang kumalma at 'wag magpaapekto sa simpleng pang-aasar ni Brittany.Matapos nilang mag-almusal ay lumabas si Gianna at naisipang magdilig na lamang ng halaman ng kanyang lola. Habang itinatapat nya ang hose sa halaman ay may biglang kumalabit sa likod nya. Pagkalingon nya ay nakita nya ang nakangiting si Matt.
"Hey pretty lady,let me help you" sambit nito. Pero bumalik ang tingin ng dalaga sa mga halaman.
"Hindi na,kaya ko na 'to" matamlay na sabi ng dalaga na animo'y may tampo sa mga tono.
"Sigurado ka? Pahiram ako. Ako na lang magtutuloy nyan"
"Hindi na Matt,pumasok ka na lang dun sa loob mamaya sumunod nanaman dito si Brittany"
"Teka nga,nagtatampo ka ba?"
Hindi sumagot ang dalaga at pinagpatuloy lang ang ginagawa.
"Hey,galit ka ba?"
"Hindi,bakit naman ako magagalit? Tama naman si Brittany. Mas kilala ka nya kesa saken. Mas alam nya lahat ng gusto mo. Kaya mas may karapatan syang asikasuhin ka kesa sakin. Sino nga naman ako Matt no? Nakilala mo lang naman ako ng mga ilang buwan at sa inuman pa"
"Gianna... your obviously mad. Don't mind her. Hindi mo dapat iniisip yung mga ganoong bagay. You were my present! And always think that I'm always yours. Kahit na hindi ko pa naririnig 'yang matamis mong oo"
"Matt,hindi ako galit. Nagseselos ako. Sinusubukan ko namang hindi magselos eh. Pero sorry,tao lang ako e. Ang hirap pigilan."
"I know I know. Just keep yourself calm,okay? Hindi ko gustong nakikita kang nagagalit at hindi ako pinapansin"
Niyakap sya ni Matt at hinalikan sa noo. Pagkatapos ay napatingala si Gianna at napangiti kay Matt.
*ehem* *ehem*
Napalingon ang dalawa sa lalaking nasa likod nila. Si Philip.
BINABASA MO ANG
Does Age Matter?
RandomKaming mga nasa tamang edad na ngunit hindi parin makahanap ng taong para sa amin. 'Wag nyo isiping gusto naming tumandang dalaga. May mga dahilan naman kami. Katulad na lamang ng pagiging workaholic,bread winner,o di kaya'y hindi pa nadating ang "T...