Chapter 3

111 21 18
                                    

Napansin

(Brick's POV)

Hindi ko malaman dito sa katabi ko kung bakit kanina pa lingon nang lingon sa'kin. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit takhang-takha siyang makita ako kanina. Isa din kaya 'to sa nagkakagusto sa'kin? Nakakairita lalo. Tsk.

Ano ba ang dapat mas unahin? Ang kagustuhan o ang pangangailangan? tanong ng Economics Teacher namin na lalong nagpadagdag sa pagkairita ko. Ano? Huhugot din siya?

Garcia, ano sa palagay mo ang tamang sagot? tanong ni Miss Vice na ngayon ay pinupukol nang matatalim na tingin ang babaeng nakaupo sa kanan ko. Yung babaeng nakasabay ko din sa pagbukas ng pinto kanina. Garcia pala ang surname niya.

Pangangailangan po.” sagot nung babae at umupo nang muli.

Tinaasan lang siya ng kilay ng teacher namin at pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa pagpapaliwanag. Titignan ko pa lang sana ang reaksiyon nitong katabi ko pero nahuli ko siya na nakatingin na sa akin. Tsk. Nagkunyari pa siyang may hinahanap sa kisame nung mahuli ko siya. Sabi na. Isa din siya sa kanila. Napailing na lang ako at nakinig na sa teacher namin.

(Shein's PoV)

Shocks! Nahuli niya 'kong nakatingin sa kanya kanina! Anong gagawin ko? Baka isipin niya na may gusto ako sa kanya.

“Class dismiss.” narinig kong sinabi ng teacher namin.

Pero nanatili pa rin akong nakayuko. Nakakainis. Bakit ba kasi hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya kanina? Haist!

Mga ilang minuto din akong nakayuko lang at nag-iisip kung paano ako lalabas sa hindi awkward na paraan nang mapansin ko na ako na lang pala ang nasa loob. Nilingon ko nang dahan-dahan 'yong katabi ko only to found out na nandun pa din siya at nagbabasa ng libro.

May problema ka ba sa'kin?” biglang tanong nung katabi ko kaya nahulog ko yung mga books ko sa sobrang gulat.

W-wala.” nahihiyang sagot ko.

Aish! Bakit ako nahihiya? Dapat naiinis ako dahil sa ginawa niya sa mall! Pero di ko kaya. Kasi, mukhang wala siyang maalala. Tsk.

Wala pala e. Pwede bang pakibilisan mo na dyan. Nakakailang kasing magbasa nang may nakatitig sa'yo.” pahayag niya habang nakatitig pa din sa libro na binabasa niya.

Ewan ko ba, pero pagkasabing-pagkasabi niya no'n, dali-dali ko ng niligpit ang mga gamit ko at nakapikit na lumakad papalabas ng classroom. Pero hindi pa man ako nakakaabot sa pinto ay....

HAHAHAHAHAHAHAHAHA.” hagalpak niya ng tawa. Nakakapit pa siya sa tiyan niya at hinampas-hampas pa niya ang libro niya sa desk ng upuan niya.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit na alam kong wala naman 'yong epekto sa kanya.

Hahahaha. Congrats! Napansin na kita. Hahahaha.” Tawa pa din ng tawa na sabi niya.

Pinilit kong tumayo ng normal. At pagkatapos ay humarap ako sa kanya.

Ha.Ha.Ha. Nakakatawa 'no? Tawa ka pa!” pilit na ngiting sabi ko sabay exit.

I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon