Kabanata 7

4.8K 75 0
                                    

"Ate Biancaaaaaaaa!" sigaw niya mula sa labas.
That voice, patagal ng patagal nararamdaman ko na ang pagkainis.

Kaagad ko namang binuksan ang pintuan at lumabas.

"Ano nanamang pambubulabog 'yan?" naka poker face kong tanong.

Though, gusto ko siyang nandito kasi nalilibang ako sa pagiging madaldal niya.

"Wala naman, namiss ko lang ang ate ko." sabi niya at kaagad na yumakap saakin.
"Nga pala, nakita ko si Kuya Anthon kagabi sa bar ha? War kayo?"

Andami talagang alam. Pati ba naman iyon ay malalaman niya kaagad? So, I nodded.

"Whyyyyyyy?"

"Ok naman na kami, konting misunderstanding lang. Pero, teka bakit ka naman nasa bar ng disoras ng gabi? Gawain ba 'yan ng matinong babae?" balik ko sakaniya.

Nagpamewang naman siya sa aking harapan at tinaasan ako ng kilay.

"Ate, hindi na ako matino. I'm leaving young, wild and free." Maarte niyang sabi.

Nagmake face naman ako at tinalikuran siya upang bumaba sa aming sala.

"Jejemon ka? Ts, what's happening to you?" pang-aasar ko.

Ayaw na ayaw niya kasing nasasabihan siya ng jejemon.

"What the hell?! I hate you, ate! I am not jejemon and I will definitely not be a jejemon! Grr!" ngawa niya na tila ba gusto akong sabunutan.

"Ok, ok, I'm just kidding." Natatawa kong saad.

"Well, it's not funny!" sigaw niya at sinamaan ako ng tingin.

Naging mahaba para sa aming magkapatid ang maghapon namin. Nang mag alas tres na ay sumama siya sa eskwelahan upang hintayin ang dismissal ni Sam.

"Tita Jaaaaaaas!" sigaw niya at niyakap pa ito.

Ako itong nanay, ako pa itong na-snob! Aba'y matinde!

"Sige, kayo na mag nanay." Sabi ko at sumakay na rin sa sasakyan.

Paano'y, hindi na nila ako pinansin noong magtagpo sila. Hanggang sa sasakyan ay kwentuhan sila ng kwentuhan.

"McDooooooooo!" biglang sigaw ni Sam.

"Gusto mong kumain sa McDonalds, baby Sam?" suhestiyon naman nitong tiya niya.

Kaya ako, agad ng sumabat sa kanilang usapan.

"Nako, ano bang sabi ko sa'yo? Huwag kang puro McDo, at ikaw Jas huwag kang spoiler! Kayong magtiyahin kayo, ang titigas ng mga ulo ninyo."

"Ayan nanaman ang nanay mong kill joy, next time na tayo, baby Sam. Kapag si daddy mo ang kasama natin at hindi si mommy. Basag trip 'yan e." sabi naman ni Jas.

"Tita, what is basag trip?" inosenteng tanong ng anak ko.

"Iyon 'yung tawag sa mga taong panira ng moment, ganun." Sabi ni Jas at binelatan pa ako.

Hindi ko na sila pinansin pa hanggang sa makarating na kami sa bahay. Pagpasok naman namin sa bahay ay parang bata pa itong si Jas. Takbo rito, takbo doon kasama ni Sam.

"Adopt mo na lang kaya ako, ate? I mean, dito na ako sa bahay ninyo matutulog, kakain at..—"

"Maglalaro!" masiglang singit ni Sam.

"Uhh, y-yah maglalaro." Awkward na itinuloy iyon ni Jas.

Inirapan ko naman ang aking kapatid.

"Kung dirito ka, magkakacurfew ka sa akin, may limit ang paglabas ng bahay, lahat ng gusto ko susundin mo." sabi ko naman.

"Hay nako ate! Huwag ka ngang ganyan! Ganyan ka ba kahigpit sa asawa mo? Nakoooo, tigilan mo 'yan kung ako sa'yo. Bakit? Baka iwanan ka niya sa sobrang manipulative mo." pananakot pa ng bruha.

"Heh, may tiwala ako kay AJ. Pwede ba, jas huwag ka ngang magsalita ng ganyan." Sabi ko na may halong inis.

Kahit na pabiro ;amang iyon, hindi parin 'yun tamang sabihin.

Ayokong magkaroon ng iba't-ibang karelasyon. Tho, hindi ko naman gagawin iyon, pero ayoko lang na maghiwalay kami ng dahil sa third party.

"Tita! Play na tayo sa room ko! Come on!"

Hinayaan ko ng magbonding ang magtiyahin. Pero, ilang oras lamang nagtagal si Jas sa bahay at umalis na rin, gusto pa nga ni Sam na doon na lang siya matulog.

Sakto namang pagdating ng asawa ko, sinalubong niya ako ng isang napaka tamis na halik at inabutan niya ako ng ididinner namin.

"Daddy!" salubong ni Sam at nagpakarga pa ito.

"Kumusta ang big boy ko?" tanong ni AJ at hinalik-halikan pa niya sa pisngi ang aming anak.

"May star po ako sa arm, dalawa po. But I already took a bath kaya ni-fade na po." Sagot ni Sam at pinapakita pa 'yung part na natatakan siya ng star.

"Very good! Kumain na kayo, ako naman e magbibihis na." sabi ni AJ.

"Hindi ka sasabay saamin?" tanong ko.

"Busog pa ako e." sagot naman niya at madali ng umakyat papunta saaming kwarto.

Pagkatapos naming kumain, sabay naming pinatulog si Sam sa kaniyang kwarto.

Masyadong naninigurado itong asawa ko, pagkatapos kong maligo ay siya naman itong sumunod.

Nakahiga na ako sa aming kama nang mag-vibrate ang aking cell phone, bihira akong nakakatanggap ng text message.

Pinindot ko ang view sa screen nito at bumungad ang message ng isang unregistered number.

'I missed you'

Napa-upo pa ako sa higaan nang mabasa ko iyon.

Si AJ ba ito? Tumayo ako at kinalkal ang pantalon ng asawa ko, nandoon naman ang kaniyang cell phone. So, malabong siya itong nagtext sa akin.

Dinapuan ako ng kaba, ayoko namang isipin na si Bernard 'to. Malabo, baka naman may namali lang ng number.

Ilang saglit lamang ay lumabas na si AJ galing sa C.R. Nginitian ko siya nang sumilay ang mapanuksong ngiti mula sa kaniyang labi.

Binitawan ko na ang aking cell nang umupo siya sa aking tabi.

Hinawakan niya ang aking kamay at hina-haplos haplos ito.

"I'm so tired, my love. Pero nang makita kita kanina, nawala ang pagod ko. You really are my stress reliever, hon." Sweet na sweet niyang sabi saka pa hinalikan ang likod ng aking palad.

"Nag-uumpisa ka nanaman sa mga flowery words mo, Mr. Jerico. Why don't you just straight to the point?" panghahamon ko sa kaniya.

Nginitian naman niya ako at nakipag face-to-face sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi at inilapit ito sa kaniya.

"You know how much I love you, kahit na sobrang corny ko, I know you already know what I want." Sabi niya at palapit na ng palapit ang aming mukha sa isa't-isa.

"So?" sabi ko nang may nakakalokong ngiti sa aking labi.

"So, give...--"

Hindi niya ito natuloy nang magring ang aking cell phone.

Napapikit siya, nag dumilat naman siya ay saka siya tumitig saakin.

"Answer it." Sabi niya.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon